Chapter 10

11 4 0
                                    

~~~~

Nakakahiya kay mommy baka ano isipin niya dun sa parang back hug, madilim panaman dahil pinatay ko ung ilaw

"Kain na muna kayo, kanina kasi tulog kayo kaya di ko na kayo ginising para kumain" umupo nalang ako at ganun na rin siya

Pumasok na siya kaya kaming dalawa nalang ulit ang naiwan.

Naghanda na kami ng mesa at nagsimula na rin kumain. Wala akong ibang naririnig kung di yung kutsara at tinidor na nagtatama sa plato. Di ko rin kayang magsalita dahil sa hiya na nakatulog ako habang nanonood kami

"May laban ka pa bukas?" Wow siya na yung nauunang nagtatanong ah "oo, kayo din ba?" Tumango siya tsaka sumubo ulit ng food

Tumayo ako dahil nakarinig ako ng doorbell pagkabukas ko ng pinto bumungad sa akin si Daryl "bakit?" Tumatawa ako habang nagtanong, ipinakita niya sakin ang isang pack ng cloud9 ulit

"Hala salam-" medyo nasiksik ako sa dulo dahil biglang lumabas si Clar "kumakain kami istorbo naman"

Hinila ako papasok ni Clarion pero nung sinasara ni Clar yung pinto biglang naharang ni Daryl yun gamit ang kanyang kamay at nabukas ulit "bro may problema ka ba sakin huh?" Napatayo ng tuwid si clar

"Di mo ba alam na kumakain kami? Tumayo siya at iniwan yung kinakain niya dahil sayo" Tsaka niya isinara ng tuluyan yung pinto, hinila niya rin ako pabalik sa upuan ko at umupo na para ituloy yung kinakain niya

Para namang ewan tong si Clarion kahit kailan, bakit kailangan niyang ganunin si Daryl?

*******

Nandito kami ulit sa gym for the second day ng Intrams namin. Ngayon na rin daw malalaman yung gold medalist. Bukas naman ay pahinga ng players at may event nalang sa school.

"Go Nia! Kaya mo yan!"
"Smash mo na yan!"

Inismash ko pero nakuha din ng kalaban ko kaya dinrop ko yun para lituhin siya dahil malayo siya sa net at di niya iyon naabot. Unti-unti kong tinignan ung shuttlecock at pasok yun sa net, akala ko di aabot sa net. Natulala ako at napaisip na panalo ako!?

"YES!!" Napanalo ko nanaman ang second game ko at sure na silver medalist ako

Isang game nalang at kapag napanalo ko yun gold medalist na daw ako

"Ready ka na ba nia?" Tumango-tango ako "yes coach"

Kinakabahan ako pero nasa isip ko kaya ko to at nanonood din si Clarion kaya kailangan kong galingan dagdag points din to para magustuhan din niya ako

Also, this is for the GOLD MEDAL sayang naman siguro pagod ko pag di pa ako nanalo dito.

Pumwesto na kaming dalawa nung kalaban ko 9-B daw yung kalaban ko ngayon kaya medyo kinakabahan din ako

Nagstart na yung game at nagtuloy-tuloy na rin game namin.

Mga ilang oras na rin ata kami naglalaro dito at yung scoring is 20-20 at isa nalang talaga ay malalaman na ang mananalo, tie breaker

10 times na yung kaba ko ngayon kasi nga 1 point nalang! Kaya ko to!

Nagserve siya at rinig na rinig ko yung shuttlecock na tumama sa racket ko dahil sa sobrang tahimik, naipunta ko yun sa left side nya at naipasa niya yun sakin medyo malayo pero natira ko din naman sakanya kaya ko iyon dinrop ko pero nakuha niya ulit, dinrop niya din kaya natira ko dahil nasa gitna ako lagi bumabalik.

My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon