Chapter 12

10 2 0
                                    

~~~~
"Nia, bakit may alarm clock ka akala ko ba di ka papasok ngayon kasi gusto mo magpahinga?" Napabangon si mama sa di niya inaasahang alarm clock. Nagset kasi ako ng 9am.

"May group study po kami ng friends ko, kasama po si... Clarion" medyo nautal rin ako habang sinasabi pangalan niya, tumango nalang si mama at natulog nalang ulit

Nagising akong na parang medyo mabigat yung pakiramdam ko, parang ang sakit ng ulo ko. Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Clarion sa living room nagpho-phone.

Nilagpasan ko lang siya at kumain ng niluto ni ate na almusal. Nang matapos akong kumain, naligo na rin ako dahil ang usapan na oras is 11am.

Nagdala ako ng mga notes ko at yung math book para magpaturo ng nahihirapan na problem kay Flora. Medyo binilisan ko ang pagkilos dahil medyo malayo din bahay ni Dawn at magkikita lang kami sa SU.

"Tapos ka na?" Pagtatanong ni Clar sakin. Tumango nalang ako at sabay na kaming lumabas ng condo.

Sobrang tahimik namin maglakad ngayon habang naglalakad palabas ng residences. Wala akong plano magsorry sa ginawa ko sakaniya hangga't di siya nagsosorry sakin. Sa tingin ko kasi di niya pa alam yung tunay na dahilan bat andun ako eh.

Nang makaakyat na kami ng train station nagpaload muna ako ng beep card pero naghintay nalang muna siya doon sa gilid. Buti naman at wala akong planong makatabi siya habang nakatayo tapos di rin kami nagsasalita.

Narinig kong tumunog phone ko

[Chloe: Nia asan na kayo ni Clarion?]
[Sophronia: Nasa train station na]

Oo nga pala di pa nila alam na hindi kami okay ni Clarion ngayon.

[Dianna: Andito na ako pati si Rojel, Amiar at Hans]
[Sophronia: Guys medyo di kami okay ni Clarion ngayon, kaya sana wag niyo kaming kulitin na magusap]
[Dawn: Anong nangyari sa inyo?]
[Sophronia: Wala nagkaroon lang ng konting alitan kagabi]

Okay medyo pangjowa yung mga term na sinabi ko sakanila pero gets na din naman nila yun I'm sure.

Binulsa ko muna phone ko kasi ako na yung susunod sa pila "Load po ng 200 pesos" nung nakuha ko na mabilis akong naglakad at sumunod siya agad sakin

Nagtap na kami ng beep card tsaka mabilisang sumakay sa train, nasaktuhan naming may dumating na train eh.

"Marami-rami na rin daw ang nandoon na" I told him habang di nakatingin sakaniya "Oh? Sino-sino na daw nandun?" Tsk. Kulit nito, ano yun iisahin ko pa eh ang dami namin.

"Ewan, basta hinihintay nila tayo" pagkakairita kong sabi, I feel guilty pero kasalanan niya din naman so sorry not sorry.

Tumango nalang siya at tinignan yung phone niya tsaka parang may kachat pa. Ang tahimik namin dito nakatayo parang hindi magkakilala, ganun ang peg namin. NagFb nalang ako habang naghihintay ng station namin. Unti-unti ko ulit nararamdaman yung sakit ng ulo tsaka hilo bat ganun?

Mga ilang minuto ring nakalipas at nasa stop na namin na station, tsaka na rin kami sumakay ng jeep. Katabi ko siya sa jeep dun ako nakaupo sa dulo, sa may pasukan. Di ko alam tawag dun eh

Natulog nalang muna ako kasi ang sakit talaga ng ulo ko, bat ngayon pa? Haist.

********
Nabigla ako kasi nagising ako ng may yumuyugyog sa kamay ko, napaayos ako ng upo nung nagising ako dahil nakita ko na nakatulog ako sa balikat niya

My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon