Chapter 13

8 2 0
                                    

~~~~
Nasa room kami ni Dawn ngayon pero di pa siya bumabalik dito kaya nilabas na namin mga libro namin at notebook para makapagstart na

"Oh ano sino na yung kay Nia, Clarion at Flora?" Jake asked

"On Nia's group.—" napatigil si Chloe na parang nagiisip "—Rojel and Hans" nagkatinginan kaming tatlo at ngumiti. I think planado na to ni chloe, well ofcourse except samin ni Clarion pero I'm sure kagroup nila crush nila

"Clarion's will have Me, Dawn and Chard" ganun din reaction nila nagkatinginan at tumawa "Yes! Di ko kagroup si Jake baka wala kaming magawa eh" lahat kami tumawa sa sinabi niyang iyon

"Then lastly, Flora's group will be ofcourse Dianna, Amiar and Jake" nagtawanan kaming lahat "pede pa yan magbago depende if di nakakaintindi sila Nia ng subject" at lahat kami naghanap na ng kanya kanyang pwesto para umpisahan yung review namin

Hinati namin grupo namin kasi sobrang dami namin walang magseseryoso pag buo kami. And I think good idea talaga ito. Buti naman at tatlo lang kami.

pumasok na si Dawn at nakita kong naglalakad siya papunta sakin. May inabot siyang nakaplastic pero maliit lang ito tsaka may tubig din "Ano to?"

"Inumin mo muna gamot mo para di na sumakit ulo mo. Promise, Effective to agad" kinuha ko na yung laman ng plastic at nakita ko nga yung gamot for headache kaya ko ininum na yun. "Thank you, Dawn" and I flashed my smile

At pumunta na kami dun sa isang maliit na table and I think that will be perfect for our spot. Small White table lang siya na siguro hanggang tuhod ko lang kapag nakatayo, and may carpet sa floor kaya okay lang na umupo kami sa sahig.

"San niyo gusto magsimula?" I asked them para malaman ko kung san sila nahihirapan

"Sa math kami nahihirapan talaga eh" tumango-tango si Rojel dahil sa sinabi ni Hans na nahihirapan sila math. medyo nanlaki mata ko at nanlamig katawan ko dahil gusto nila simulan sa math which is weakness ko. I need help here!

At tumawa bigla sila Hans at Rojel "Joke lang alam naman namin na nahihirapan ka dun. Don't worry magaling kami sa math, sa ibang subject muna tayo" tsaka sila tumingin-tingin sa mga notebook na parang nagdedecide kung ano uunahin namin.

Buti naman at naiintindihan nila ako "Sa science nalang nga muna" tsaka nila kinuha yung science book nila pati notes at ginaya ko na sila.

May mga solving kasi sa Chemistry kaya sila nahihirapan. Medyo mahirap pero nagegets ko naman, di katulad ng sa math sa unang example nasosolve ko naman pero kapag yung number 2 na mahirap na para sa akin.

Tinuruan ko sila ng mas madaling technique para mapadali ang understanding nila dun sa mga problems.

Pinagsolve ko din sila without them looking the formulas para masanay din naman sila na wala yun. 1st day of exam kasi is Science, Social Studies and English

"Ano kasi ulit general formula ng Boyle's Law?" Nakatingin sakin si Hans na parang nagiisip ng formula habang nagsosolve "P1V1 = P2V2" pagpapaalala ko sakaniya

"Ayun! Tama tama! Thanks Nia" tsaka siya mabilisan ng solve dahil alam na niya ang steps nito. Ang saya naman nilang makita na natututo kaya nagsolve na rin ako ng iba pang problems para sakanilang susunod na problems na isosolve, well ofcourse dapat alam ko yung sagot bago ko ibigay sakanila yung Given.

My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon