Chapter 7

11 4 0
                                    


~~~~

Sa tingin ko kapag may makakakita sakin na ganito ako ngayon baka dalhin ako bigla sa mental hospital. Nang dahil sa sinabi ni Clarion para akong baliw maglakad ngayon papunta samin minsan I can't help but to smile, minsan naman mapapatulala ako.

I'm currently walking papunta sa condo namin, andito na ako sa loob ng parang subdivision pero medyo nasa dulo yung building namin kaya medyo mahaba haba yung nilalakad ko

Hanggang ngayon parin kasi iniisip ko padin bat niya naman sasabihin na ichat ko siya if nasa bahay na ako, parang boypren ko siya or mudra ko ba siya?

Napahawak ako sa buhok ko at medyo ginulo ito sa confusion ko "Ugh! Kainis ka talaga" Di ko talaga siya maintindihan sa mga kinikilos niya

"Good evening ma'am"pagbati ng receptionist sakin "good-huh? Bat evening?" Napatingin ako sa labas, ang dilim na pala at doon ko palang narealize na ang tagal ko palang nasa byahe. gumamit na ako ng elevator dahil 8th floor pa yung condo namin

Nawala ako sa pagkakatulala dahil nakita ko yung kasama kong lalake sa elevator na ngumingiti

Napakunot noo ko dahil wala pa rin talaga ako sa sarili "bakit po?"

"Tsk, Soph naman di mo ako nakikilala? Magkatabi lang tayo ng condo" napatingin ako sa hawak niyang paper bag na mukhang nag grocery siya ngayon

"Ay Daryl right?" Tumango siya bilang tugon. Biglang bumukas yung elevator at nasa 8th floor na kami "Tara na Soph" pero nabigla ako ng hinila niya ako sa wrist ko

Mas lalo ako nawala sa sarili ko dahil sa ginawa niya at di ko na rin nagawa alisin yun dahil naglakad na siya pero di ganun kabilis

"Anong nangyari sayo Soph? Bat parang wala ka sa sarili?" Umangat yung ulo ko dahil kanina pa akong nakayuko. Nagsmile nalang at umiling "wala lang to"

Naglakad pa kami sa hallway nito at naabot na namin yung unit ko pero nabigla ako nang bumukas yung pinto namin

Lumaki yung mata naming dalawa "Clar?" "Soph?"

"A-anong ginagawa mo sa unit namin?" mas lalo ako nawala sa sarili nang dahil dito, lumapit lang siya sakin at hinila ako sa tabi niya dahilan ng pagtanggal ng pagkahawak ni Daryl sa kamay ko

"Kanina pa nagaalala yung mama mo Soph, may kasama ka lang palang IBA diyan" at pagtingin kay Daryl, nagpaalam lang ako kay Daryl at agad pumasok sa unit namin

"Nia diba sinabi ko sayo na umuwi ka ng maaga dahil may bisita tayo. Siya pala si tita Teresa mo tapos anak niya si Clarion at Jade" pagpapakilala sakin ni mama at nakita ko sila nakupo sa sofa pero tumayo din sila nung nakita ako

So sila yung fam ni Clarion at bat nandito sila?

Napalingon ako dahil may nagdoorbell at nasa likuran ko lang ung pinto. "Nak, pede pabukas nalang ng pinto?" Tumango nalang ako at lumapit sa pintuan tsaka binuksan ang pinto.

"Hello!" Pambungad sakin Nakakita ng isang lalakeng kamukha ni Clarion "Menesses! Musta na? Pasok ka" binati ni mama tumabi ako para makapasok siya at tsaka ako umupo sa sofa kasama sila

"Tignan mo nga naman oh, ang tagal na at stay strong padin kayo" sinabi ni mama kila tito Menesses at tita Teresa

"Kaya nga,Lara. Pero si Zedd nag ibang babae ata. Tsk di na nagbago" pagkakasabi ni tita Teresa. Tumawa nalang si mama sa sinabi niyang yun.

My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon