HINDI mapakali sa backseat ng sinasakyang taxi si Trixie. Paano ba naman, yesterday morning she was still in her hotel room in New York tapos ngayon nandito na agad siya sa Pilipinas. Full of anxiety and worries.
Pumunta siya two weeks ago sa New York para um-attend ng isang theater at acting workshop. Fresh graduate pa lang siya mula sa kursong Theater Arts sa UP. Kaya naman nang mabasa niya mula sa isang website ang tungkol sa gaganaping workshop ay hindi na siya nagdalawang-isip na sumali doon. Last week lang naganap ang workshop, bukod sa napakadami niyang natutunan ay sobrang nag-enjoy pa siya. Meron pa sana siyang natitirang isang lingo para manatili sa New York pero dahil sa unexpected na tawag mula sa nanay niya ay wala na siyang ibang nagawa kundi umuwi.
She was still in bed when her mother called her yesterday. Pinapauwi na siya nito. Inatake daw kasi sa puso ang kanyang ama na labis naman niyang ikinagulat. Alam niyang high-blood ang papa niya at sa edad nito ay mas mataas ang risk na atakihin ito sa puso. But still, hindi pa rin niya iyon inaasahan. Ayaw naman sabihin sa kanya ng ina ang dahilan kung bakit ito inatake na lalo lang nakapagpadagdag sa pag-aalala niya.
Pagkadating na pagkadating niya sa airport kanina ay sumakay agad siya ng taxi at nagpahatid sa ospital kung saan naka-confine ang ama. Nang makarating sa nasabing ospital, bitbit-bitbit ang malaking duffel bag, ay agad siyang lumapit sa reception desk at nagtanong sa isang nurse na nando’n.
“Miss, saan ang kwarto ni Mr. Richard Mallari?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang ama.
Pagkasabi nito ng room number ng ama ay agad siyang dumiretso doon. Nang buksan niya ang pinto ay ang ina agad ang kanyang nakita. Nakaupo ito sa upuan na katabi ng hospital bed na hinihigan ng ama. Mukha na itong stressed at haggard.
“Ma…”
Iniangat nito ang mukha at agad na umaliwalas ‘yon nang makita siya. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Welcome back iha. Pasensya ka na at hindi na kita nasundo sa airport.”
“Okay lang ‘yon Ma.” Ibinaba niya ang dalang duffel bag at lumapit sa nakahigang ama. Kung titingnan ay parang natutulog lang ito, parang hindi ito inatake sa puso. Nilingon niya ang ina, “Ma, ano ba kasi talagang nangyari at biglang inatake si Papa?”
“Sa labas na lang natin pag-usapan.” Pagkawika no’n ay nagpatiuna na ito palabas ng kwarto.
Sumunod siya dito at nakita itong nakaupo sa isa sa mga upuang nando’n. Umupo siya sa tabi nito. “Will you explain it to me now?”
“Nag-away ang Papa mo at si Trevor.” Wika nito na ang tinutukoy ay ang kakambal niyang lalake.
Ngayon alam na niya kung bakit wala do’n ang kapatid at kung bakit hindi man lang ito nagprisinta na sunduin siya sa airport. Pero hindi na siya nagulat sa sinabi ng ina, lagi naman kasing nag-aaway si Trevor at ang Papa nila.
Madalas kasing nagrerebelde si Trevor, dahil na rin siguro sa ang ama na ang parang nagpapatakbo ng buhay nito. Bilang nag-iisang lalake, ito ang inaasahan ng ama para mamahala ng restaurant business nila. Gusto nito na sumunod si Trevor sa mga yapak nito kaya bata pa lang ay parang isang malaking plano na ang buhay ng kapatid niya. Hidi nito na-pursue ang hilig nito sa musika dahil business management ang kursong ipinakuha ng ama para dito.
Sa aspetong ‘yon masasabi niyang mas maswerte pa rin siya sa kapatid. Hindi kasi tumutol ang ama niya nang kumuha siya ng theater arts. Pero inaasahan na niya ‘yon, bata pa lang kasi ay wala na itong masyadong expectations sa kanya. Kay Trevor lang laging nakatuon ang atensyon nito. Minsan nga naiisip niya na baka hinihintay na lang nito na makapag-asawa siya para makaalis na siya sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Falling For My Future Wife's Brother
Short StoryPaano kung bigla kang napasubo na maging fiance ng isang babae na hindi mo pa nakikilala? Tapos bigla kang na-in love sa Kuya ng mapapangasawa mo? Malaking problema na sana. Pero may hindi sila alam. Na isa ka palang babae! Pero hindi ba mas mala...