Chapter Two

7.3K 212 12
                                    

MASUSING sinipat ni Trixie ang sarili sa full body mirror na nasa loob ng kanyang kwarto.  Pumunta siya kahapon sa salon at nagpagupit ng buhok, binase niya ang bagong gupit sa hairstyle ng kapatid.  Kaya ang dati niyang lampas balikat na buhok ay sobrang ikli na ngayon.  Bumili rin siya ng ilang mga men’s clothing na kasya sa kanya.

Sino nga bang makapagsasabi na isa siyang babae?  She was 5’ 9’’, too tall for an average Filipina.  Slim din ang figure niya, yun bang tipong hindi masyadong malaman pero hindi rin naman gano’n kapayat.  Bukod pa do’n flat-chested pa siya, kaya nang balutan niya ang dibdib ng tela ay hindi man lang mahahalata na may nakalagay pala do’n.  Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat dahil do’n o kung maiinis siya dahil lalo lang ipinapa-mukha sa kanya na flat-chested nga siya.

Inayos na niya ang mga gamit sa bag na dadalhin.  Maaga pa lang ay naghahanda na siya sa pag-alis.  Pupunta siya ngayon sa Quezon para makilala ang pamilya ni Armano Sebastian.  Ilang damit din ang dala niya dahil sabi ng Mama niya ay three days daw dapat nando’n si Trevor.  She will go there posing as her brother.  Medyo tutol pa rin ang nanay niya sa naisip niyang plano pero wala na rin itong nagawa dahil wala na naman silang ibang alternative.  

Magaling naman siyang umarte kaya alam niyang keri niya ang magpanggap na lalaki.  Para saan pa na nag-theater arts siya nung college kung hindi naman niya magagamit ang natutunan sa mga sitwasyong katulad nito?  Isa pa dahil sa height niya, high school pa lang madalas na siyang gumanap bilang isang lalaki kapag may mga school play sila.  Kahit nung college palaging male roles ang ginagampanan niya.  May pagkakataon pa nga na nagkaroon siya ng sarili niyang fan’s club na puro kapwa niya mga babae ang members.  Kaya sa tingin niya ay hindi talaga siya mahihirapan na magpanggap na lalaki for three days.  Hindi malalaman ng mga ito na babae siya unless na lang maghubad siya sa harapan ng mga ito.

Bukod pa do’n, kahit fraternal twins sila ni Trevor kamukhang-kamukha pa rin niya ito.  Sabi nga ng mga kakilala at mga kamag-anak nila, para daw silang male at female versions ng isa’t-isa.  Kulang nga lang siguro siya sa masculinity pero hindi naman siguro ‘yon magiging problema.

Palabas na siya ng kwarto nang pumasok ang nanay niya.  Hindi maitatago sa maganda nitong mukha ang pag-aalala pero nando’n din ang pagkamangha nang makita siya.  “My God, you look exactly like Trevor.”

“I know, right?”

Lumapit ito sa kanya, “Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mong ‘to?”

“As if naman may iba pa tayong choice Ma.”

“Alam ko.  Sorry if I put you into this kind of situation.”

“It’s not your fault Ma.  Ginagawa ko ito dahil ayoko rin na lumala pa ang sitwasyon ni Papa.  Saka na lang natin ayusin ang lahat pagbalik ko from Quezon.”

Niyapos siya nito.  “Mag-iingat ka pagdating mo do’n and call me once you get there, okay?”

“Yes Ma.  Tawagan mo rin ako kapag may balita na kay Trevor and please keep me updated sa condition ni Papa.”

Humiwalay ito sa kanya.  “Yes.  Thank you Trix, for doing this.”

“As I’ve said Ma, wala ‘yon.”  Isinukbit niya ang dadalhing bag sa balikat.  “Gusto mo bang ihatid na muna kita sa ospital bago ako dumiretso sa Quezon?”

“Hindi na, magpapahatid na lang ako sa driver.”

“Okay.”  Humalik siya sa pisngi nito.  “I’ll go ahead na.”

MATAAS na ang sikat ng araw ay nasa may taniman pa rin si Miguel.  Tinutulungan niya ang kanilang mga tauhan sa pag-aani.  Ang pamilya ni Miguel ang may-ari ng pinakamalaking hacienda sa Quezon.  Meron silang taniman ng iba’t-ibang mga prutas na inaangkat pa ng mga kompanya mula sa ibang bansa.  Kilala rin sila sa malaking taniman nila ng buko na pinagkukuhanan ng iba’t-ibang malalaking kompanya ng mga coconut product.  

Falling For My Future Wife's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon