TOTAL chaos. ‘Yun lang ang pumasok sa isipan ni Trixie ng mga oras na ‘yon. Kani-kanina lang ay masaya pa siyang kinakausap ng matandang Sebastian pero ngayon ay mukha na itong isang toro na nag-uusok sa galit. Ngayon ay medyo naiintindihan na niya ang ina kung bakit ito natatakot sa matandang lalake.
Paano ba naman, nang ipatawag nito si Alyssa sa isang kasambahay ay bumalik ito at sinabing wala daw sa kwarto ang anak. Pumunta na ito mismo sa kwarto ng anak at pagbalik nito ay nagpupuyos na ito sa galit. Mukhang kagaya ni Trevor ay naglayas din si Alyssa. Hindi rin pala ito sang-ayon sa gusto ng magulang.
“That girl! Paano niya ito naisipang gawin?”
“Pa, hindi ba obvious na hindi gusto ni ate na ipakasal mo siya? Kaya iyan, naglayas.” Wika ng binatilyong si Russel. Bunsong kapatid ito nina Miguel at Alyssa.
“Sa simula pa lang kasi dapat hindi niyo na siya pinilit. Tingnan niyo tuloy ang nangyari.” Wika naman ni Miguel.
“Shut up, both of you!” Malakas na wika ng matanda. “Ako mismo ang magbabalik sa batang ‘yon dito!” Bumaling ito sa kanya. “I’m sorry for this Trevor. Ibabalik ko dito si Alyssa sa lalong madaling panahon. So for the time being just stay here.”
“Mas mabuti po siguro na umuwi po muna ako habang hindi pa naayos ang sitwasyon.” Aniya.
“No! You stay here!” mariing wika nito.
Napapitlag naman siya sa pagkagulat. “O-okay po.” Wala na niyang nagawang wika.
“Babalik ako as soon as mahanap ko si Alyssa.” Tumingin ito kay Miguel. “Ikaw na ang bahala kay Trevor.”
Mabibigat ang mga yabag na lumabas ito ng bahay. Tinawag nito ang mga tauhan at sumakay na ng sasakyan. Mukhang mga goons ang mga ito na parang susugod sa isang gang war. Isang buntung-hininga na lang ang kanyang pinakawalan.
“Looks like you’re stuck here.” Wika ni Russel na noon ay katabi lang niya.
“Yeah, mukha nga.”
At noon biglang naglabas ng malakas na tunog ang kanyang tiyan. Napabulanghit ng tawa si Russel habang si Miguel naman ay tumingin sa ibang direksyon.
“Ang galing namang ice breaker ng tiyan mo.” Natatawa pa ring wika ng binatilyo.
Hindi naman niya alam kung matatawa rin ba siya o sobrang mahihiya. “Oo nga e.” Namumula niyang wika. “Lampas na kasi ng tanghalian at kanina pa ako hindi nakain kaya siguro nagrereklamo na ‘tong tiyan ko.”
“Russel, samahan mo sa kusina ‘yan para makakain.” Wika ni Miguel na tumalikod na sa kanila at lumabas na ng bahay.
“Halika na, para naman hindi na magreklamo yang tiyan mo.”
Tinanguan niya ito pero bago sumunod dito ay sinulyapan niya muna ang paalis na si Miguel. Nakakahiya… ba’t ba kasi ngayon pa kumalam ‘tong tiyan ko.
KINABUKASAN, maaga pa lang ay gising na si Trixie. Nasa 2nd floor ang kwartong binigay sa kanya. Maayos naman ito, may pagka-traditional ang interior pero ano pa ba ang aasahan niya sa isang ancestral house na kagaya nito?
Tinawagan niya kagabi ang ina at sinabi dito ang sitwasyon. Sinabi niyang kagaya ni Trevor ay naglayas din si Alyssa. Sinabi ng ina na kung gano’n naman daw pala ay mas mabuti pa kung umuwi na lang muna siya. Agad niyang sinabi na ayaw siyang pauwiin ni Armano hangga’t hindi bumabalik ang anak nito at wala siyang ibang nagawa kundi sumunod sa gusto nito. At isa pa, pumasok bigla sa isipan niya ang supladong si Miguel, medyo gusto rin naman niya na magtagal dito kahit ilang araw lang.
BINABASA MO ANG
Falling For My Future Wife's Brother
Storie breviPaano kung bigla kang napasubo na maging fiance ng isang babae na hindi mo pa nakikilala? Tapos bigla kang na-in love sa Kuya ng mapapangasawa mo? Malaking problema na sana. Pero may hindi sila alam. Na isa ka palang babae! Pero hindi ba mas mala...