Chapter Four

5.9K 202 12
                                    

HAPON, araw ng Sabado.  Ikatlong araw na ni Trixie sa bahay ng mga Sebastian sa Quezon.  Wala pa silang natatanggap na balita mula kay Armano.  Mukhang hindi pa nito nahahanap si Alyssa.  Wala pa ring bagong balita ang nanay niya tungkol kay Trevor.  Mukhang kina-career talaga ng dalawa ang ginagawang pagtatago.

Isa lang ang masasabi niyang maganda sa lahat ng nangyayari ngayon.  ‘Yon ay hindi na masyadong masungit sa kanya si Miguel.  Kahapon nga, ito pa mismo ang nagyaya sa kanya papuntang taniman.  

And speaking of who, buong maghapon na nga pala niyang hindi nakikita ang lalaki.  Sabi ni Russel, meron daw itong meeting sa isang buyer ng coconut lumber.  Napaka-hands on naman talaga nitong haciendero, bukod sa tumutulong na ito sa mga tauhan e ito pa mismo ang pumupunta sa mga ganoong klaseng meeting.  Pagdating sa aspetong ‘yon ay bilib talaga siya dito.

Ilang oras pa lang itong nawawala pero pakiramdam niya ay parang ang tagal-tagal na nung huli niya itong makita.  Na-wi-wirduhan na nga siya sa sarili niya dahil ang lumalabas ay parang nami-miss pa niya ito.  Kaya kesa kung anu-anong naiisip niya, nakipag-bonding na lang siya kay Russel.

Kanina pa sila naglalaro ng latest version ng Tekken sa PS3 nito.  At buhat kanina ay hindi pa rin ito nananalo sa kanya.  Bata pa lang siya ay naglalaro na siya ng video games.  Dahil na rin ‘yon sa kakambal niyang si Trevor.

Noon kasing mga bata pa sila, hindi ito pinapalabas ng bahay ng kanilang ama kaya laging mga video game consuls ang kaharap nito.  Hindi rin naman niya maiwan ito kaya naki-join na lang siya sa hilig nito na later on ay nagustuhan na rin naman niya.

Kung ang ibang batang babae ay paboritong laruin sina Barbie at Ken, ibahin niyo siya.  Mas madalas pa siyang nasa harap ng t.v. at nilalaro ang buhay nina Squall at Rinoa, idagdag mo pa sina Tidus at Yuna, at syempre magpapaiwan ba sina Mario at Luigi?

“Talo ka na naman.”  Wika niya nang matapos ang round na ‘yon at talo na naman ito.

“Ano ba ‘yan, pakiramdam ko dinadaya mo na ako e.”  Reklamo ni Russel.

“Paano naman kaya kita dadayain?  Magaling lang talaga ako kaya hindi ka manalo.”

“Oo na.”

Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal no’n si Miguel.  Pareho silang napatingin dito, partikular na siya.  Napatitig na lang siya dito habang pinagmamasdan ang ayos nito.

Maayos na nakapusod ang buhok nito, not even one strand was falling.  Nakasuot ito ng white shirt na pinatungan ng navy blue coat.  Naka-tuck in din ang shirt nito sa suot nitong denim pants na tinernuhan ng isang brown leather shoes.  In an instant, nag-transform ito mula sa isang machong haciendero into a super hot GQ model.

“Kaya pala maingay, nandito kayo.”  Wika nito.

“You won’t believe this Kuya.  Kanina pa kami naglalaro nitong si Trevor pero hindi pa ako nananalo sa kanya.”  Agad na bida dito ni Russel sabay baling sa kanya, “O bakit parang natulala ka na d’yan?”

“A…” Dahil wala siyang maisip na sabihin bigla niyang itinaas ang hawak na joystick sa direksyon ni Miguel at nagwika, “Gusto mong maglaro?”

“Oo nga Kuya.”  Pagsang-ayon ni Russel.  “‘Di ba magaling ka rin sa game na ‘to?”

“Talaga?”  So, marunong din pala itong maglaro ng video game.  On second though, lahat naman ata ng lalake ay nagdaan sa stage na nakapaglaro sila ng video game.

“Kayo na lang ang maglaro.”  Wika nito na agad na silang tinalikuran at nagpaplano nang umalis.

“Natatakot ka lang ata na baka matalo kita e.”

Falling For My Future Wife's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon