TATLONG araw na ang nakakalipas nang makabalik si Trixie sa Manila. Nagulat ang tatay niya nang makitang sobrang ikli ng buhok niya. Nagpunta lang daw siya ng Amerika ay umikli na ng gano’n ang buhok niya. Masaya siya na malakas na ulit ito at mukhang malayo na sa kapahamakan.
Kinagabihan, pagkabalik na pagkabalik niya sa bahay nila ay tumawag agad sa kanya si Trevor. Nag-galit-galitan pa ito dahil hindi man lang daw niya sinabi ang tungkol kay Alyssa. Pero sa bandang huli ay hindi din nito naitago ang kasiyahan dahil sa wakas ay nagkita na ulit ito at ang babang minamahal. Masaya naman siya para sa kapatid. Dahil bukod sa hindi na nito kailangan pang suwayin ang ama nila ay natagpuan pa nito ang babaeng magpapaliogaya dito habang-buhay.
Isang napakalaking biro nga naman ng tadhana ang nangyari. Kung hindi siguro naglayas ang kapatid niya ay baka hindi nito nakilala si Alyssa. Siya naman ay hindi magpapanggap bilang ito. At higit sa lahat ay hindi niya makikilala si Miguel.
Si Miguel na wala siyang ideya kung nasaan na ngayon. Nang tumawag ang kapatid ay agad niya itong tinanong tungkol sa lalaki. Ang sabi nito ay hindi na daw sila nabigyang ng pagkakataon na magkakilala. Pagdating kasi nito sa hacienda ay nakaalis na si Miguel. Nagpaalam daw ito sa ama na magbabakasyon muna. Wala daw itong sinabi kung saan.
Nalungkot siya nang malaman niya ‘yon. Hindi man lang ako hinintay. Napatawa siya ng pagak. Para akong sira. Paano maghihintay yung tao e ni hindi niya alam na dapat siyang maghintay o kung sino bang dapat niyang hintayin.”\
Ang ikinakatakot lang niya ay baka sa pagbabakasyon nito ay baka makahanap ito ng girlfriend. ‘Wag naman sana.
HE looked miserable. Ang nakikita ngayon ni Miguel sa salamin ay isang taong parang nanggaling sa impyerno. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. At dahil ilang araw na siyang hindi nakakapag-shave halatang-halata na ang balbas at bigote niya. Konti na lang ay magmumukha na siyang ermitanyo. Ermitanyong laging may hang-over.
Pangatlong araw na ng kanyang so-called vacation at so far wala pa rin siyang improvement. Humingi siya ng bakasyon para makalimot pero parang wala ring nangyayari. Plano niya sanang pumunta ng Boracay o kahit saan na may magandang beach pero in the end sa Manila rin siya bumagsak. For three days, lagi siyang laman ng mga bar. Nagpapakahayok sa alak.
Many girls flirted with him and he flirted back. Pero sa tuwing susubukan niyang hawakan ang mga ito ay laging ang mala-anghel na mukha ni Trevor ang nakikita niya. Kaya sa bandang huli ay ibinabaling na lang niya muli ang atensiyon sa pag-inom.
Ang sakit nanaramdaman niya nung iwan siya ni Cindy ay hindi maikukumpara sa sakit at pangungulila na nararamdaman niya ngayon. Kung noon ay galit ang naramdaman niya, ngayon ang tanging nararamdaman niya ay walang hanggang kalungkutan.
Gusto niyang ipaglaban ang nararamdaman niya para dito, pero paano ng ba niya ipaglalaban ang isang bagay na sa umpisa pa lang ay wala nang patutunguhan? Inaamin niya na hindi niya kayang ipagsigawan sa lahat na mahal niya ito. Dahil sa totoo lang natatakot siya sa mga mapanghusgang mata ng mga tao sa paligid niya. Which only proved how cowardly he was.
Isang buntung-hininga ang kanyang pinakawalan. But for now, he needed a coffee.
Lumabas siya sa hotel kung saan siya tumutuloy at pumunta sa katapat na coffeeshop. Umupo siya sa isang bakanteng upuan. The waiter was about to take his order when a very familiar voice called his name. Tumingala siya and saw a woman with a face as refreshing as the sunshine.
“Cindy.”
Lumapit ito sa kanya. “Oh my God Miguel, it’s really you.”
Pinakatitigan niya ito. Kinapa niya ang sariling damdamin, wala man lang siyang naramdaman na kahit na ano. Walang galit, kahit excitement wala siyang naramdaman. Sinabi niya noon na kapag nakita niya itong muli ay isusumbat niya dito ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya pero ni hindi man lang ‘yon pumasok sa isipan niya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/17838666-288-k945335.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling For My Future Wife's Brother
Short StoryPaano kung bigla kang napasubo na maging fiance ng isang babae na hindi mo pa nakikilala? Tapos bigla kang na-in love sa Kuya ng mapapangasawa mo? Malaking problema na sana. Pero may hindi sila alam. Na isa ka palang babae! Pero hindi ba mas mala...