WALA sa loob na nakikining si Trixie sa sinasabi ng director na nakatayo sa harapan. Nasa story conference siya ngayon ng play kung saan ay isa siya sa mga cast. Personal siyang pinili ng director, noong estudyante pa lang siya sa UP ay ilang beses na rin siyang naiderekta ng nasabing director. Pumayag siya na mapabilang sa cast ng bago nitong play kahit supporting role lang ang gagampanan niya. Mas mabuti nang merong siyang pinagkakaabalahan kesa magmukmok siya sa bahay.
Ilang araw din siyang walang tigil na umiiyak. Kailangan pa niyang magtago sa banyo ng kwarto niya para lang hindi siya marinig ng mga tao sa bahay nila. Heartbroken siya. Ang lalaking mahal niya ay nakipagbalikan sa ex nito. Hindi niya talaga maintindihan kung anong klaseng mentality meron ito. Ito lang yata ang lalaking kilala niya na nakipagbalikan sa ex matapos iwan sa altar. Ibig sabihin lang ay talagang mahal na mahal pa rin nito ang ex.
Masakit para sa kanya na aminin ‘yon pero kailangan niyang tanggapin. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang siyang ma-depress. Kailangan niya ring mag-move on. Pero paano ba niya ‘yon gagawin kung sa tuwing pumipikit siya ay ang mukha nito ang kanyang nakikita at kasabay no’n ay maaalala niya ang tanging halik na pinagsaluhan nila.
Speaking of that kiss, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nito ginawa ‘yon. Pero importante pa ba na malaman niya ang dahilan nito? Siguro spur of the moment lang ang nangyari sa pagitan nila. Dahil hindi naman siya kilala nito bilang si Trixie, kilala siya nito bilang si Trevor. Sa madaling salita, para dito hindi man lang siya nag-e-exist. Samantalang siya, parang hindi na kayang burahin ang existence nito sa buhay niya.
Pagkatapos ng story conference, paalis na sana siya nang may biglang umabresyete sa braso niya.
“Nikki.” Wika niya. Kinailangan pa niyang yumuko para lang tingnan ang babae. May kaliitan kasi ito. Ito ang president ng fans club niya nung nasa college pa lang sila at masasabi niyang isa na ito sa mga naging close friends niya. Kagaya niya ay cast din ito sa play.
“Hi Trix! Lalo ka yatang gumagwapo ngayon a.” nakangiting wika nito.
Dahil sa ikli ng buhok niya ay hindi siya makagsuot ng pa-girl na damit, kaya tuloy nagkasya na lang siya sa sweatshirt at denim pants. “At ikaw cute pa rin.”
“Ang galing mo pa rin talagang mambola. So, Trix available pa rin ba yung twin brother mo? Baka naman pwede mo na akong ilakad sa kanya ngayon.”
Natawa siya. “Sorry Nikki, unfortunately taken na siya.”
Kabilang na ang kapatid niya sa mga lalaking baliw na baliw sa girlfriends nila. Super in love ito ngayon. Nakabalik na ito from Quezon at tinituruan na ng kanilang ama sa mga pasikot-sikot ng business nila. Tuwing weekends ay dumadalaw ito kay Alyssa sa hacienda at halos araw-araw kung mag-usap ang mga ito sa phone. Masaya siya para dito pero minsan hindi pa rin niya mapigilang mainggit.
“Kelan nangyari ‘yon? Parang nung huli ko siyang nakita, single pa siya.” Medyo nagulat na wika ng kausap.
“Recently lang.”
“Ay, kaloka naman. Kung alam ko lang sana matagal ko na siyang nilandi.”
“Ikaw talaga.”
Then, isang lalaki ang lumapit sa kanila. “Hi Trixie.” Bati nito sa kanila.
“Lyndon.” Aniya. Kagaya ni Nikki ay schoolmate niya rin ito nung college at isa ito sa mga masugid niyang manliligaw noon.
“Nandito rin pala ang bwisit.” Bulong ni Nikki sa kanya. “Sige maiwan ko na muna kayo.” At umalis na ito.
Napangiti na lang siya sa sinabi ng kaibigan. “May kailangan ka ba Lyndon?”
“Pwede ba kitang ihatid sa inyo?”
![](https://img.wattpad.com/cover/17838666-288-k945335.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling For My Future Wife's Brother
Short StoryPaano kung bigla kang napasubo na maging fiance ng isang babae na hindi mo pa nakikilala? Tapos bigla kang na-in love sa Kuya ng mapapangasawa mo? Malaking problema na sana. Pero may hindi sila alam. Na isa ka palang babae! Pero hindi ba mas mala...