Chapter Seven

5.6K 191 9
                                    

WHAT he did last night was unforgivable.  That was the only thought inside Miguel’s head.  Driven by his own anger and jealousy, he finally crossed the line.  But surprisingly, wala man lang siyang naramdamang pagsisisi sa ginawa.  Dahil kahit bali-baligtarin pa ang sitwasyon, gagawin at gagawin pa rin niya ang ginawa.

At parang isang pelikula na paulit-ulit na nag-play sa kanyang utak ang mga pangyayari kagabi.  The feel of Trevor’s lips still lingers on his own.  He tasted like chocolate, the kind that was bitter yet sweet.  He had never tasted anything like it.  Nakakabaliw, to the point na parang mawawala na siya sa sarili niyang wisyo.  He can’t get enough of him.  And he wanted more.   More of him.

Hindi pa niya ‘yon naramdaman sa kahit na sino, not even towards Cindy.   

The kiss that they shared was so explosive that he can’t take it out of his mind.  After that kiss, he can no longer contain the attraction that he feels for him.  Paano pa ba niya maitatanggi ang nararamdaman kung sa puntong ‘yon ay wala nang ibang laman ang kanyang isipan kundi ito lang?  Hindi na rin niya alam kung simpleng atraksyon pa ang nararamdaman niya para dito.

But he was not supposed to feel that way towards him, towards another man, towards a guy who might become his future brother-in-law.  How can he face him again after what happened?  Tiyak na hindi magiging maganda ang mangyayari.  Kaya kahit alam niyang huli na ang lahat para iwasan ito, he must do everything in his power para hindi mag-krus ang landas nila habang sa hacienda pa ito nakatira.

Hindi niya alam kung anong klaseng kamalasan itong nangyayari sa kanya.  After three years of bitterness, may muli na namang nagbukas ng kanyang puso.  But of all people, bakit kailangang kapwa pa niya lalaki ang gumawa no’n? 

Napabuntung-hininga siya.  Mukhang tuluyan na talaga siyang mapapabilang sa kapisanan ng mga beki.

I’m cursed… yeah, definitely cursed.

HINDI makalabas ng kwarto si Trixie.  Natatakot kasi siya na baka makasalubong niya si Miguel.  Hindi niya alam kung paano siya aakto kapag nagkaharap sila.  All because of what happened last night.

He kissed her.  Paano ba niya makakalimutan ‘yon e halos sumabog na nga ang puso niya nang mga oras na ‘yon?  She had been kissed before, but not like that.  ‘Yun bang tipong parang milyun-milyong boltahe ng kuryente ang pumapasok sa katawan mo pero nag-eenjoy ka pa rin.  She could still smell and taste his breath.  He has that sweet masculine taste na hinaluan pa ng bitterness mula sa alcohol na ininom nito.  She could simply drown on that taste alone.

Dapat siguro siyang matuwa because she had just been kissed by the love of her life but no matter what she do, she can’t feel complete happiness.  Becaue Miguel kissed her thinking she was a guy.  Anong ibig sabihin no’n?  That Miguel swings that way?  O baka naman alam na nito ang sikreto niya?  

Alam niyang malabo yung huli dahil kung alam na nito na babae siya dapat ay matagal na siya nitong isinumbong sa tatay nito o di naman kaya ay matagal na siya nitong kinompronta.

At meron pa siyang isang problema.  Ang kakambal niya.  Tumawag ito sa kanya kagabi at sinabi sa kanya na uuwi na ito sa kanila.  Nalaman na kasi nito ang nangyari sa kanilang ama.  Mukhang nagkita ito at ang private investigator na hinire ng kanilang ina kaya nalaman nito ang tungkol sa bagay na ‘yon.

Sinabi na rin niya dito ang ginawa niyang pagpapanggap bilang ito.  At gaya ng inaasahan sandamakmak na sermon ang nakuha niya mula rito.  Pero sa bandang huli ay nanaig pa rin ang pag-aalala nito sa kanya kaya naman gusto nito na magpalit na sila ng pwesto.  Babalik na siya ng Manila at ito naman ang maglalagi sa Quezon.  

Falling For My Future Wife's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon