Chapter 1: Where it started

449 15 4
                                    

NOTE: Medyo mabilis ang pangyayari, pero kapit lang kayo. Ganyan talaga pag zombie apocalypse. :)

***************

"Haaaay." Napabugtong hininga na lang ako. Sobrang bored na ako kaya di na ako pumasok sa klase, sana umabsent na lang ako.

Andito ako ngayon sa rooftop ng school namin, ngayon ko lang napagtantong may kataasan din pala tong school na to kasi ang liliit ng mga kotse at tao sa baba. Nakuha ng pansin ko yung madaming usok dun sa kalsada medyo malayo dito. Ayst may aksidente nanaman.

Tumingin ako sa orasan ko, patapos na pala yung last class namin. Mahintay na lang si Bryan sa labas.

Pababa na ako ng hagdan ng may nag announce sa buong school. "Students aren't allowed to leave their rooms for now." Hala, pano na ko? Osiya bahala na, wala din naman ako sa loob ng room kaya tutuloy na lang ako sa labas.

Nagulat ako sa nakita ko nang makarating ako dito sa entrance ng school. Bakit may dalawang duguang tao dito!? Teka patay na ba sila!?

"HOY IKAW! DIBA SINABING BAWAL KAYO LUMABAS NG ROOM?" Sita sakin nung guard. Pero hindi ko na siya pinansin. Nanigas ako sa nakita ko, anong nangyayari?

Nakita kong tinutulungan pa nung babae at ng isa pang guard yung nakahandusay na katawan dun sa sahig.

"A..Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanila.

"BUMALIK KA NA SA ROOM MO, WAG KA NA MAGTANONG!" Sigaw nanaman sakin ng guard. Pero nasa state-of-shock pa din ako, ngayon lang ako nakakita ng ganto. Maging sila ay halata na sa mga muka nilang natatakot na sila.

Papalapit na sa akin yung guard para siguro pilitin na akong paalisin, pero natigil na lang siya sa paglalakad ng biglang may sumigaw.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!" Sigaw nung babaeng tumutulong dun sa taong duguan.

Sinimulan ko nang tumakbo pabalik sa room namin. Bakit niya nagawa yun, bakit para siyang aso kung kumagat dun sa babae?! Grabe yung dugo na lumabas, halatang halatang malaking sugat ang nakuha niya!

"Shit shit shit shit." Tuloy pa din ang pagkabog ng dibdib ko, hindi lang sa kaba pati na din sa pagod. Punyeta bakit di ko naisipan mag elevator e 4th floor pa to!

Andito na ako sa tapat ng pintuan ng room namin, agad agad ko tong binuksan. Nagulat na lang si Sir Marquez sakin pati na din ang mga kaklase ko.

"Hoy Ace! Bakit parang natatae ka diyan? Hahaha!" Tawag sakin ni Bryan. Gago to nagawa pang magbiro. Siya lang naman yung matuturing ko ditong bestfriend. Simula bata pa kasi kami magkakilala.

"Go to your seat Mr. Reyes" Utos sakin ni Sir Marquez.

"SIR MAY NAGPAPATAYAN SA ENTRANCE!" Sigaw ko sa kanya. Wala na akong pake kung teacher ko siya, kailangan kong sabihin to sa kanya. Nakita ko sa kanyang muka na  wala siyang alam sa nangyayari maging ang mga kaklase ko. Nalilito sila.

"What are you talking about!? Stay here!" Sabi sakin ni Sir Marquez at lumabas sa room. Papunta siya sa entrance.

Nagbulungan na lang ang mga kaklase ko, natatakot na sila. Maging ang mga tao sa ibang room ay narinig ako. Lumapit na lang sakin sina Matt at Bryan.

"Dude, totoo yang sinasabi mo?" Tanong ni Matt. Napatango na lang ako, hindi na ako nakapag salita kasi hinahabol ko pa din ang hininga ko.

"Puntahan din natin, baka kung anong killer na ang nakapasok sa school." Sabi ni Bryan.

"T..Teka. Hindi nyo magugustuhan ang makikita nyo." Seryoso kong saad. Totoo naman kasi, sino bang matinong tao ang matutuwa pag nakakita ng ganun.

Nowhere to Run: Zombie Apocalypse (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon