Chapter 9: Danger?

87 5 1
                                    

ACE'S POV

Pag minamalas ka nga naman oh. Kanina pa kami naglalakad pero wala pa din kaming madaanang gas station.

"Bumalik na lang kaya tayo? Napapalayo na tayo masyado." sabi ni Chris.

"Sayang naman tong nilakad natin kung wala tayong makukuha." sagot ko sa kanya.

"Ikaw bahala, basta pag magsisimula ng dumilim babalik na ako." Pumayag na lang ako sa kanya, baka nag aalala na yung mga naiwan dun.

"Chris, hindi ba may isa pa kayong kasama nung nakita namin kayo sa school?" Hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

Nabalutan muna ng panandaliang katahimikan bago siya sumagot.

"Oo tatlo nga kami." Sabi niya.

"Pero hindi niya kinaya, bago pa kami makadating sa police station ay naging zombie na din siya. Tsk ano ba kasing nangyari dito." dagdag pa neto.

Oo nakagat nga pala yung kasamahan nila. Wala akong masabi sa pangyayari.

"Pano kayo napunta dun sa bus?" tanong ko.

"May nag aabang kasing bus dun sa police station, itatakas daw nila yung mga tao. Kaya sumakay na kami." sabi niya.

"E bakit punong puno ng zombie yung bus." ako

"Hindi ko din alam, pinatulog kami tapos pag kagising namin ni Renz ay bigla na lang may mga zombie na sa bus." Chris

"Baka may infected na dun at naging zombie sila habang natutulog." Sabi ko.

"Baka nga." mahina niyang sabi.

"Buti naman at hindi kayo nakagat dun, mukang kayo lang ang nakaligtas e."

"Swerte nga namin, medyo malala nga lang yung mga sugat ni Renz kumpara sakin." Chris.

"Ako din nadaanan na ng swerte, ayun pre oh! Gas station!" Masigla ko namang sabi ng makakita ako ng gas station.

Patuloy lang kami sa paglalakad papalapit dun at nilalagpasan lang ang mga zombie na hindi naman ganun malapit samin.

Agad ko naman inihanda yung lalagyan namin ng gas habang kinuha ni Chris yung parang hose.

"Buti nalang meron, makakabalik na tayo" sabi ni Chris

"Oo nga kaya bilisan na natin, pagabi na" sabi ko

Apat na bote lang yung mapupuno namin dahil wala kaming ibang paglalagyan.

Pero okay na 'to, sigurado namang may madadaanan na kami at pupunuin ko na lang sa motor ko.

Pabalik na kami ng matapos kami sa paglagay sa bote.

Medyo may kalayuan din ang lalakadin namin pabalik kaya nagmadali na kami.

"Ingat pre, madaming zombie" sabi ni Chris sabay turo dun sa direksyon ng mga nagkukumpulan na zombie.

"Wag ka lang maingay pre, di tayo mapapansin niyan" sabi ko naman.

Tahimik naman kaming nakalagpas dun.

- - - - - - - - - - -

Matapos ang isang oras na paglalakad, napansin naming malapit na kami.

Ang tahimik din, dagdag pa yung kadiliman ng gabi. Pero sandalian lang yun kasi nakarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Kinabahan ako hindi dahil may namamaril. Kundi dahil malapit yun sa pinagtigilan namin kanina.

Sandalian kaming nagkatinginan ni Chris.

"Pre masama kutob ko dito, dalian na natin!"

Pagkasabi pa lang ni Chris nun e mabilis na kaming tumakbo, wala na kaming pake sa mga zombie na nakakapansin samin dahil baka nanganganib na yung mga kasama namin.

Bago pa kami makadating eh nakita namin yung van papunta sa direksyon namin.

Nakahinga naman kami ng maluwag dahil parang ligtas naman sila.

Kaso lang hindi sila tumigil at dinaanan lang kami. Impossible namang 'di nila kami nakita.

Anong nangyari?

Nowhere to Run: Zombie Apocalypse (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon