Chapter 3: Breakout

218 10 7
                                    

Update ulit! Hoho, since weekend naman at wala ako masyadong ginagawa. :D

Btw, ang meaning ng " - - - - - - - " ay fast forward. Baka madalas ko siyang magamit sa storyang to. Soooo ayan na! Mag enjoy sana kayo. :)

************

MITCH'S POV

Pababa na ang elevator sa Ground Floor.

Kanina pa ako hindi maka-imik. Pinapangunahan ako ng takot, sadyang hindi ko matanggap ang mga nangyayari ngayon.

"Wow, buti pa ang elevator may GF" Biro ni Matt.

Nakita ko na lang ang "GF" sa elevator, meaning nasa Ground Floor na kami. Buti pa to si Matt nakakapagbiro pa kahit ganito na ang sitwasyon. 

Agad agad ko na lang diniinan ang close button para hindi muna bumukas at tinignan ko lang sila.

"Mitch?" Cloe.

"Guys, I'm staying here." Matipid kong sagot.

"Ano ka ba Mitch! Kailangan natin agad lumabas dito, baka makulong pa tayo." Pilit akong pinapaintindi ni Ace pero bakit ba? Ayoko pang mamatay!

"Bitawan mo na yan, pag kabukas ng elevator tatakbo na tayo. Dederetso tayo sa parking lot at sumunod ka kay Bryan sa kotse niya." Hinila ako ni Matt palayo sa mga buttons ng elevator.

"Run as fast as you could, hindi natin alam kung gano kadami ang nasa labas." Ace.

"Game na pre, gusto ko ng umalis dito." Sabi ni Bryan tsaka hinawakan ang kamay ng nakakabatang kapatid niya na si Bea.

Hindi pa ako handa, tumungo na lang ako.

"Hindi sila nakakatakbo Mitch. Don't worry hindi nila tayo mahahabol." Inabot sakin ni Cloe ang kamay niya kaya inabot ko na din ang sakin. Nanlalamig din ito tulad ng sakin, alam kong takot siya pero tinatago nya lang.

Napabuntong hininga na lang ako at hinintay bumukas ang elevator.

Pagbukas nito ay agad agad kaming nagtakbuhan, hindi nga mali ang inaakala namin dahil mas madami talagang zombie dito maske sa entrance pa lang.

Nasa bandang likod ako kaya nakikita ko kung anong pagpipilit nilang makalabas sa entrance sa pag papalo nila sa mga zombie ng armchair. Sigaw lang kami ng sigaw ni Cloe at ni Bea. Pero hindi ko inaasahang mas malakas pa ang tili ni Matt samin.

"KYAAAAAAH! MGA FUCK YOU KAYO! BITCHES!" Sigaw ni Matt.

"Wag ka nga magsisigaw diyan! Pinapapunta mo lang yung ibang zombie dito!" Sita ni Ace sa kanya. Agad naman siyang tumahimik at nag zipper pa sa bunganga.

"Sa mura na lang bumabawi ng english!" Pang aasar pa ni Bryan.

Agad din naman kaming nakalabas sa entrance at dumeretso sa parking lot. Hindi lang mga zombie ang nakita namin dito pati na din ang iba't ibang grupo ng estudyanteng nag bubuwis buhay.

"Bryan isakay mo na sila sa kotse! Tutulungan lang namin ni Matt yung iba pang buhay!" Ace.

"Waaaaaaag! Sumakay na din tayo sa motor moooooooo!" Pamimilit ni Matt pero hinila na siya ni Ace papunta dun sa kabilang grupo.

"Dalian nyo pre! Sabay na tayong umalis dito!"

Sobrang daming zombie ang nakapalibot samin. Pati yung gate palabas eh may mga nag kukumpulan.

Nowhere to Run: Zombie Apocalypse (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon