MATT'S POV
"Nasaan na ba sila Ace? Gabi na oh" hindi ako mapakali dahil kanina pa sila wala.
"Wag ka nga magalala. Si Ace yun, hindi yun si MATT na gagawa ng katangahan." Pangaasar pa sakin ni Bryan habang tumatawa. Talagang diniin pa sa pangalan ko ah.
"Ulol mo." tsaka ko siya pinakyu.
"Wag na kayo mag alala diyan. Sumama na kayo dun tsaka kumain." sabi samin ni manong Carlo.
Lumapit naman kami sa grupo na nag sisikainan na.
"Wala pa sila?" tanong ni Cloe.
"Namimiss mo na ba?" tanong ko naman pabalik. Kaso tinignan lang ako ng masama.
"Hahaha joke lang, wala pa sila e." sagot ko na lang.
"Mahal na mahal kasi yung motor niya, 'di maiwan iwan." sabi ni Bryan.
Pwede nga naman niyang iwan na lang yung motor tsaka kakandong na lang yung mga babae para magkasya hahahaha. Mga naiisip ko talaga, genius.
"Ngiting manyakis" Mitch.
"Anong manyakis ka dyan!" Pag angal ko dahil open minded lang naman ako ah! Natapunan lang ng green ink hihi.
"Oh tignan mo tinamaan, manyakis talaga" pangaasar pa niya. Natawa naman yung mga kumakain. Sabagay joke lang nga naman kasi yun. Hindi totoo diba hahaha.
Kumuha na lang ako ng sandwich. Gusto ko sana mag kanin kaso walang paglulutuan. Baka mapanis lang yung mga pagkain waaaa.
Nakita ko namang umalis yung magkapatid. San kaya pupunta yun? Ah basta ako kumakain.
"May mga tao." sabi ni manong Carlo sabay turo dun sa direksyon ng may mga naglalakad tao.
Lima sila tapos may mga hawak na baril. Parang mga sundalo ah haha.
Mukang napansin din nila kami dahil palapit sila dito. Lumapit din naman si manong Carlo dun.
Napatigil ako sa pagkain ng hampasin ng baril si manong Carlo sa muka at nawalan ata ng malay.
Napatayo kami ng tatay ni Brian tsaka hugot ko ng baril sa likod ko.
"Anong kailangan nyo?" tanong nung tatay ni Brian.
"Supplies" tipid na sagot nung lalaking nasa harap, siya ata yung leader.
"Kunin nyo na ang lahat, wag nyo lang kaming saktan. Nandyan sa van yung mga pagkain namin."
Nag signal naman yung leader nila na icheck yung van at agad naman silang kumilos. Mga ilang sandali ay lumabas din sila ng malaman na may mga pagkain nga.
"Kayong dalawa, sumama kayo." sabi nung lalaki sabay turo kay Mitch at Cloe.
"Hah!? Bakit kami sasama, nakuha nyo naman na yung mga pagkain namin!" pag angal naman ni Mitch.
"Wag nyo na idamay ang mga babae, please lang makukuha nyo na yung mga pagkain at van." pag mamakaawa nung tatay ni Brian.
"Ayaw nyo ha?" mabilis namang lumapit yung lalaki kay manong Carlo at pinaputukan agad to sa ulo kaya nagsigawan naman yung mga babae.
Napapikit na lang ako.
Tangina! Ganun lang nila kabilis inalisan ng buhay si manong Carlo.
Hindi ko naman magawang tutukan sila ng baril dahil lima silang may hawak at baka madisgrasya pa yung iba.
"Manong..." Bulong ni Cloe dahil lumuluha na siya.
"Hindi pa ba kayo sasama?" tanong nung lalaki sabay tutok naman sakin ng baril.
Nang makita ko yun, para akong inalisan nanaman ng kaluluwa sa katawan. Labas pasok talaga tong kaluluwa ko pero seryoso, pinapawisan ako ng malamig. Kabang kaba ako sa susunod na mangyayari.
"W-wag! Sasama na kami!" Pag pigil naman ni Mitch.
"Wag Mitch! Di mo alam kung anong gagawin nila sa inyo!" Mga manyakis sila!
"Manahimik ka dyan manyakis!" sabi nung lalaki. Aba walangya, ako pa yung naging manyak.
"We'll be alright" sabi ni Mitch.
Lumapit naman yung dalawang lalaki at hinatak hatak lang sila sa van.
Umalis naman agad sila ng mapasok sila lahat.
Syete....wala akong nagawa.
BINABASA MO ANG
Nowhere to Run: Zombie Apocalypse (2016)
FanfictionAnong gagawin mo kung sa isang iglap lang nag iba ang takbo ng buhay mo? Pano nga kung totoong nangyari ang Zombie Apocalypse. Pupursigihin mo bang mabuhay? O harapin na lang ang masaklap na katotohanan. © NatalSanJose