MATT'S POV
"Guys, if you want to go out of this place. I have a plan." Medyo kinabahan ako sa sinabi ni Ace. Gusto kong umalis pero natatakot pa din ako sa mga zombie.
"Teka, lalabas tayo diyan?!" Takot talaga ako lumabas. T________T
"Uminahon ka lang Matt. Makinig ka muna sakin." Napatango na lang ako sa sinabi niya, para ba kasing sigurado siya sa plano niya.
"Okay, sasabihin ko muna kung anong plano natin para makaalis dito."
"I'll state the facts. First, bulag sila at nakakarinig lang sila. Second, hindi sila nakakatakbo. Third and the most important, once na nakagat ka nila kakalay ang virus sa katawan mo at magiging zombie ka na din. I don't exactly know when you'll turn into one of them. Hindi ko din alam kung may paraan para maiwasan to." Malinaw nyang in-explain samin.
"Now for the plan. Sisimulan muna nating maghanda ng mga gamit na makakatulong satin paglabas. Maghanap kayo ng maliliit na bagay na makakagawa ng ingay." Ace.
"Anong gagawin natin diyan?" Tanong ni Mitch
"Ito ang magsisilbing distraction sa mga zombie, ihahagis natin to malayo sa elevator para dun sila pumunta at makababa tayo." Namangha ako sa sagot ni Ace. Akalain mo nga naman kahit tatamad tamad pumasok sa klase pero may utak pa din!
"We have to try our best na maging tahimik, dahan dahan na lang tayong maglakad para makasigurado." Dagdag pa niya.
Wala na din kaming choice. Kung gusto naming makalabas, kailangan naming pilitin.
Matapos ang ilang minuto ay nagsimula na din kaming mag handa sa paglabas, naipon namin ang mga bakal galing sa mga sinirang upuan at kanya kanya kaming dala ng arm chair.
"Sure na ba talaga to? Maghintay na lang kaya tayo ng police dito, may pupunta naman siguro diba?" Tanong ko sa kanila.
"Sa tingin mo ba uunahin tayo ng mga police na yan? Kung pinasok na tayo dito ng gulo syempre meron na din sa labas." Naiinis na sagot ni Ace.
Nabalot kami ng panandaliang tahimik, tinignan ko sila isa isa. Alam kong lahat sila ay natatakot pa din.
"Guys, just follow my lead." Ace.
Ayst! Bahala na si Lord! T________T
Sumenyas na si Ace ng countdown sa kanyang mga kamay.
3....2....1
ACE'S POV
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at tinignan ang mga zombie. Konti na lang sila kumpara kanina nung lumabas ako.
Kumuha ako ng isang bakal kay Cloe at tinapon to sa direksyong malayo sa elevator. Pumasok muna ulit ako sa kwarto at hinintay silang makalagpas.
Pagkatapos masiguradong nakalagpas na sila lahat ay sinensyasan ko na sila maghanda.
"Be quiet." Bulong ko sa kanila.
Dahan dahan ko ulit binuksan ang pintuan at hinintay ko muna sila makalabas bago ko sinara.
Nanguna na akong maglakad ng mabagal papunta sa elevator. Sumunod naman sila sakin at nagiingat din para hindi makagawa ng kung anong ingay.
*BRRRRRRRRRRRRRRRRRRRNNNNNG* *BRRRRRRRRRRRRRRRRRRRNNNNNG*
Para akong tinakasan ng kaluluwa ko ng marinig ang ring ang cellphone ko. Tengene leng, bakit ngayon pa?
Impossibleng hindi to narinig ng mga zombie dahil napakatahimik dito. Shit!
BINABASA MO ANG
Nowhere to Run: Zombie Apocalypse (2016)
FanfictionAnong gagawin mo kung sa isang iglap lang nag iba ang takbo ng buhay mo? Pano nga kung totoong nangyari ang Zombie Apocalypse. Pupursigihin mo bang mabuhay? O harapin na lang ang masaklap na katotohanan. © NatalSanJose