Chapter 7: Live

149 8 1
                                    

ACES'S POV

Andito kami nila Bryan at Matt sa garage nila at tinignan yung van habang nasa loob pa din ng bahay yung iba.

"Dude ang kintab neto ah, parang bago pa din!" Matt

"Bago talaga yan, hindi pa nga ako nakakasakay diyan e." Pagtatama naman ni Bryan.

Sa tingin ko ay 7 lang ang pwedeng magkasya sa van na to ng nakaupo lahat. Minivan lang kasi to. 

Pagkatapos namin tignan ay nagpasya muna kaming lumabas, malaki din ang bakuran nila kaya tumambay muna kami dito.

"Oy ace, musta na kayo ng minamahal mong binibini?" Tanong sakin ni Bryan habang nakangiti na abot sa tenga.

"Yieee, aminin mo na kasi sa kanya." Dagdag pa ni Matt.

"Mga ulul, hindi to ang tamang oras para umamin sa kanya. Nagkakagulo na nga yan pa iniisip nyo." Ako.

"Sa loob ng dalawang taon, walang tamang oras na dumating?" Bryan.

"Ehh? Dalawang taon mo na siyang gusto dude?" Sabi naman ni Matt na para bang nagulat, this year niya lang din naman kasi nalaman dahil hindi pa namin siya kaklase noon. 

"Pfft." Napatungo na lang ako table.

Mga ilang sandali ay may tumawag na samin para mag almusal kaya agad naman kaming pumasok sa bahay.

- - - - - - - - -

MATT'S POV

Andito na kami lahat sa kusina para kumain. Hohoho ang sasarap ng pagkain sa harap ko. Para bang hindi sila mauubusan pati sa dami.

Masayang nag kwekwentuhan ang mag-aama, pati din si Ace at Cloe. Si Mitch at manong Carlo naman ay tahimik na kumakain.

"Manong Carlo. Matagal na po bang alam ni dad na mangyayari to?" Tanong ko kay manong Carlo dahil kalapit ko naman siya. May mga gusto din akong malaman tungkol kay dad.

"Hindi ako sigurado, pero sa tingin ko ay hindi.Sagot niya sakin. "Kasi kung oo, sana matagal ka na niyang nilayo dito." dagdag pa nito.

"Ahh, siguro nga po." Ako.

"Mabait ang tatay mo, naaalala ko pa ngang nag kwento siya tungkol sayo. Tanging pangalan mo lang ang alam ko. Hindi ko akalaing ikaw pala yun.

"Talaga? Tulad po nang?" Ganun pala si dad.

"Tulad ng wala ka daw pag-asa sa pagsunod sa yapak niya bilang chief dahil takot ka daw humawak ng baril" Pabiro niyang sabi kaya natawa naman ako. Totoo kasi yung sinabi niya.

Hindi naman sa takot ako humawak ng baril, ayoko lang talaga.

Pagkatapos naming kumain ay naghanda na din kami nila Ace at Bryan. Pati na din si Cloe.

Napagkasunduan naming kaming apat na lang ang pumunta. Tutal minivan lang yun, para magkasya ang mga magulang ni Cloe at dito muna tumigil kina Bryan.

Nauna na ako lumabas ng bahay at umupo muna. 

Naisip ko ulit si Dad... 

Sana manlang nakita muna siya bago siya nawala. 

Iisipin ko na lang na masaya na siya kasama si Mom dahil alam ko namang yun talaga ang mangyayari. Pero hindi muna ako susunod ah? Hahaha!

Nowhere to Run: Zombie Apocalypse (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon