Chapter 8: Moving On

155 10 0
                                    

*****************************************

Ayun! Ngayon lang nakapag update, haha sorry na ho. Nasira kasi tong laptop ko.

Osiya eto na! Enjoy. :)

******************************************

ACE'S POV

Nang bumagal na sa pag mamaneho si Bryan ay napaalis na ang higpit sa paghawak ko sa katawan ng nanay ni Cloe.

Sinandal ko muna to sa kaliwang parte ng inuupuan namin at lumapit kay Cloe.

"Cloe..." tawag ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig dahil hagulgol pa din siya sa pagiyak.

Napakasaklap ng pangyayari. Ako pa mismo ang pumatay sa nanay niya.

"I'm sorry.. sorry talaga Cloe." Hindi ko na din kinaya, pati sarili kong luha ay umaagos na.

Napapikit na lang ako para pigilan pa ngunit nagulat ako ng niyakap ako ng mahigpit ni Cloe habang nakasandal ang kanyang muka sa dibdib ko.

"Ace.. w-wala na si mommy. Wala na si mommy." Iyak pa din siya ng iyak kaya di siya makapag salita ng maayos.

"Iiyak mo lang..." Yun nalang ang sinabi ko sa kanya. 

Mga ilang sandali lang ay medyo kumalma na siya sa pagiyak at tumingala sakin.

"B-bakit mo nga pala sinama si mommy?" Tanong niya sakin.

"Kailangan mo din sigurong magpaalam ng maayos, saka ilibing ng maayos ang mommy mo." Sagot ko sa kanya.

"Sorry Cloe, dahil ako yung pumatay sa kanya.." Paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Hindi ka dapat nag so-sorry, magpasalamat pa nga dapat ako. Kung pinairal ko yung kahinaan ko siguro wala na din ako." Sabi niya. "Kaya salamat Ace... madaming salamat." dagdag pa niya.

Napatingin naman siya saglit sa katawan ng nanay niyang wala ng buhay.

"Naiinis lang ako kasi wala ako sa tabi niya nung mga oras na yun."

"Wala kang kasalanan Cloe kaya wag mong sisihin sarili mo." Paninigurado ko sa kanya.

"Pero si Daddy... wala siya sa bahay." Sabi pa niya.

"Alam kong hinahanap ka din niya, kaya hindi magtatagal e magkikita din kayo." ako.

"Sana nga lang siya pa din yung daddy ko pag nagkita kami." Sabi niya ng may halong kalungkutan

"Wag ka mawalan ng pag-asa Cloe, andito lang ako."

- - - - - - -

Hindi nagtagal ay nakaabot din kami sa bahay nila Bryan.

Agad naman kami pinagbuksan ng gate ni manong Carlo na nakaabang samin.

Bumaba kami habang buhat buhat ko ang katawan ng mommy ni Cloe.

Akmang nagulat ang mga tao na hindi namin kasama kanina dahil alam nilang isang katawan ng zombie itong buhat ko at hindi nanay ni Cloe.

Pero hindi ko na sila pinansin. Dumretso na lang ako dun sa bakuran nila na malawak at pumwesto sa dulo.

Dito ko na kasi ipaghahanda ng libingan ang nanay ni Cloe, nakapag paalam na din ako kanina kay Bryan na dito na siya sa bakuran nila ilibing at pumayag naman siya.

Nowhere to Run: Zombie Apocalypse (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon