Chapter 6: Reunion

204 10 4
                                    

ACE'S POV

Patuloy pa din kami sa pag dr-drive palabas ng manila. Tanging dito na lang ang natitira naming pag-asa para makaalis sa kaguluhang ito.

Madadaanan din namin ang bahay nila Bryan at Cloe sa rutang dinadaanan namin.

"Dude, malapit na ba tayo kina Bryan?" Tanong ni Matt na angkas ko.

"Hindi ko din alam e, ngayon lang din ako pupunta sa bagong bahay nila." Sagot ko.

Magka-kapit bahay kami dati ni Bryan, kaso simula nung namatay ang mga magulang ko ay nag apartment na lang ako.

Nabalitaan ko ding lumipat na din sila. Kaya natuwa talaga kami nung naging magkaklase kami sa highschool.

Napatigil kami pagkatapos lumiko dahil tumigil din ang kotse ni Bryan.

Agad naman nag tuon ang pansin ko sa harapan at napakadaming zombie dun. Mukang narinig ata ang makina ng kotse at motor ko kaya papunta na sila sa direksyon namin.

 "Umikot na lang tayo!" Sigaw samin ni Bryan habang nakalabas ang ulo sa kotse.

Sinundan ko na lang siya at patuloy nakabuntot sa kotse niya.

Pagkatapos ng mga ilang liko ay ganun din ang humarang sa daanan namin. Grupo ng madaming zombie.

"Dude wala na tayong dadaanan!" Sabay turo ni Matt sa likod namin dahil andun na din ang ibang grupo ng zombie.

Shit, hindi din kayang ipilit dumaan ng kotse dahil titigil lang ito sa dami ng mababanga.

Pinaandar ko ang motor papunta malapit sa pintuan ng kotse at nakitang nag papanic na si Bryan.

"Pre umalis na kayo diyan! Pumasok na lang tayo dito!" Sabi ko at tinuro ang building sa tapat namin.

"Lalo lang tayong mapapahamak diyan! Pilitin na nating umalis dito hanggat kaya pa." Bryan.

Maliit na lang ang chance namin lalo na't naka motor lang kami ni Matt.

"Ay oo nga pala!" Dagdag pa nito na para bang may naisip na paraan.

Agad siyang lumabas at binuksan ang likod na parte ng kanyang kotse. Nakita kong nilabas niya ang isang lalagyan na gas ang nasa loob.

"Lumabas na kayo diyan!" Utos ni Bryan sa mga nasa loob ng kotse.

Agad naman silang naglabasan at halatang nagtataka sa kinikilos ni Bryan.

"Dude anong gagawin mo?" Tanong ni Matt.

"Basta! Sinong may panyo diyan?" Bryan.

Nagabot naman si Cloe sa kanya ng panyo at binuhusan ng konting gas at pinasok sa container at may nilabas pa ding mahabang parte ng panyo.

Sinilaban niya ang mahabang panyo at pinaandar ang kotse ng walang nagmamaneho.

Pagkabunggo ng kotse sa grupo ng zombie ay agad naman itong nagapoy at sumabog.

Napayuko naman kami sa lakas ng pagsabog at nakita na lang naming konti na lang ang mga nakatayong zombie, kayang kaya nang lagpasan!

"Pano na to?! Tatakbo na lang tayo?" Mitch.

"Malapit na ang bahay namin, kaya nang takbuhin." Sabi ni Bryan 

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig yun.

"Mauna na kayo, mag papaingay lang kami dito para hindi kayo ang habulin. Makakaabot din naman kami agad." Sabi ko sa kanila.

"Dude ingat k-" Akmang pababa na si Matt sa motor at tinitigan ko siya ng masama.

Nowhere to Run: Zombie Apocalypse (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon