Chapter 2:

24.5K 513 14
                                    

Maggie's POV:

Umaalingawngaw ang sigawan at hiyawan sa buong arena. At kung hindi pangalan ng honey ko ang isinisigaw, number naman ng jersey niya at team nila. Hindi ko na lang pinapansin. Pero hindi ko mapigilang mapahiyaw kapag nakakashoot siya o kaya nar'rebound niya yung bola o kahit nagd'dribble siya. Kras na kras ko talaga siya simula ng nag college ako sa Morrison University. Varsity player kasi siya sa school namin at wala ring palya ang mga napanood naming mga laro niya noon pa man. Pero, kahit kailan hindi niya ako napansin. Minsan naisip ko, pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Then, why?! Char lang, hindi naman naging kami at higit sa lahat di nga ako kilala. Minsan naiisip ko para na akong stalker. Nah, masyado pala kong maganda para maging stalker. I am his admirer and his future wife, and he will be my husband, the father of my children.

Hay! Imahinasyon ko umaariba nanaman!

"Bakit kasi hindi mo subukan humingi ng tulong sa parents mo?" Wika ni Andrea pero nasa court ang tingin.

Intense yung game lalo na at last quarter na.

108-110 in favor of White Destiny (team ni honey ko)

"What do you mean?" Balik tanong ko sa kanya habang tutok pa din ang atensyon sa court.

"Why don't you try to request to your dad sa birthday mo na i set ka ng date dyan kay Fajardo?"

"Besh, it isn't that easy. Bukod sa sobrang busy nina dad, I tried that idea before when I turned 18. Siya ang escort ko. But I don't think he still remember that."

"And of course I don't want to sound so desperate for his attention. Ganon ba ako kapangit para bilhin ang oras niya, para lang mapansin ako??" Madramang saad ko.

"Ang arte mo, syempre out of all people here madami ding magaganda. At for sure sa dami na ng nakasalamuha niya may possibility talaga na hindi niya matandaan yung gabing yun."

Napabuntong hininga na lang ako.

At maya maya nga ay nakahabol ang team ng kalaban pero at the end of the game nanalo pa din ang honey ko. Hihi!

Malakas na hiyawan at palakpakan ang aming narinig.

Bago pa man ako makatayo ay narinig ko siyang nagsalita.

"Sa pagkakaalam ko may nalilink sa kanya na model." Narinig kong sambit niya.

"Besh, that was a year ago. Wala namang nag confirm regarding that issue. So, gora pa din. Hihi" sagot ko saka tumayo.

"Bahala ka nga tumandang dalaga." Natatawang sagot niya habang naglalakad na kami palabas ng arena.

"Kaibigan ba talaga kita?" Inis na tanong ko sa kanya nang may biglang umakbay sa akin.

"Guys, let's have dinner before we head home. Nagugutom na ako." Aniya ni Cath.

"Tara!" Sabay sabay naming sagot.

Mabuti na lang talaga supportive ang mga beshies ko. Sa lahat ng games na napanood ko di pwedeng wala akong kasama. Nakakatuwa din naman tong mga to.

"Bahala ka nga tumandang dalaga."

"Bahala ka nga tumandang dalaga."

"Bahala ka nga tumandang dalaga."

"Bahala ka nga tumandang dalaga."

Hindi pa din nawawala sa isip ko ang sinabi ni Andeng at pilit pa din itong isinisigaw ng utak ko.

Aaminin ko isa si James sa dahilan kung bakit di pa ko nagkakaboy friend ulit.

Hayyyssst! Hanggang pagiging fan girl na lang ba ako?

Asa ka pa kasi eh. Tudyo ng utak ko

-----

Nasa restaurant kami nang mag ring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ito. Si Ate Cha kaya agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko para sagutin sa labas sandali yung tawag.

"Hello, little sis. Did I disturb you?" Nag aalalang tanong nito.

"No, ate. Why'd you call?"

Kilala ko kasi si Ate, hindi siya tatawag kapag hindi importante. Sobrang busy din kasi siya sa mga business ng pamilya namin.

"You're on a vacation right?

"Yeah. Ate, will you say i---"

"Little sis, I am asking a favor on you. Please stay with my best friend at Palawan."

"What?! Si Miko??" Gulat na tanong ko. Nawiwindang na ta ang ate ko.

No way! Sigaw ng utak ko.

"Nope. She just really needs someone right now to talk to. Buti nga nakumbinsi ko magpahinga muna. She's so down. Hindi naman ako makakapunta kasi dad needs me here too. Baka magpakalango lang sa alak yun."

"But ate---"

"And don't worry I will give you a reward that you'll surely love. Bye! Love you! By the way tomorrow is your flight and everything is ready. Pack your things. Mang Robert will pick you up tomorrow morning."

Yun lang ay binaba niya na ang tawag. Hindi man lang ako pinasagot.

What the heck?! Ano gagawin ko dun? Baby sitter? Yaya? Chaperone? Ugh! Ni hindi ko nga kilala yun eh!

Naihilamos ko na lang ang aking mga palad sa aking mukha at wala sa sariling bumalik sa loob ng restaurant.

-----

Kobe Paras as Jameson Fajardo

Credits to the owner of the photo

-----
A/N: Thank you guys for reading! Please don't forget to vote and leave your comments. Love yah guys 😊

G6 [Series 1]: My Dream Guy's Girlfriend [girlxgirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon