Credits to the owner of the picture
-------
Nikki's POV:
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin habang nakaupo ako sa buhanginan hawak ang bote ng iced tea sa kanang kamay ko na pinatimpla ko na lang kay Aling Ising, dahil hindi ko mahanap yung mga whiskey dito sa sa rest house nina Charity sa Palawan at ang box na pilit na ipinadala at inilagay ni Charity sa maleta ko, ang nasa kaliwang kamay ko. Si Charity kasi ang nangunguna nguna sa pag aayos ng gamit ko, na hinayaan ko na lang dahil kapag may kulang at may hindi ako nadala siya ang malalagot sa akin, nakuha niya pang ilagay tong box kesa sa mga importanteng gamit ko. and then the curiosity starts to fill my mind.
Hay, ang sarap sa pakiramdam ng ganitong simoy ng hangin, yung papagabi na. Nakakarelax, nakakawala ng pagod damhin yung hanging mabining dumadampi sa aking katawan.
Napapapikit na lamang ako, at pilit na dinadama ito, pero agad din akong napamulat nang makita ko ang ngiti sa labi ng babaeng matagal ko nang hindi nakikita, kahit balita, wala. Sa sandaling ipinikit ko ang aking mga mata, ay nakita ko kung gaano ako kasaya sa piling niya, at ganon din siya, yung mga araw na nahahagkan ko pa siya, at ramdam ko pa ang init ng yakap niya, maging ng palad niya kapag hawak ko ang kamay nito, yung pakiramdam na ang tagal kong hindi na muling naramdaman sa loob ng ilang taong lumipas. Sa loob ng ilang taong iyon, hindi ko na alam kung ano yung pakiramdam na maging masaya, yung masasabi mong totoo, at hindi pilit, yung tinatawag nilang "Genuine Happiness". Yung wala ka ng iba pang mahihiling, kasi nasa sa iyo na yung matagal mo ng pinapangarap at hinihintay.
Napatingala na lamang ako nang maramdaman kong may isang pamilyar na bagay ang gustong pumatak mula sa aking mata, kasabay ng muling pag inom ng iced tea sa boteng hawak ko, na hindi ko na pinagkaabalahang isalin.
Sa loob ng ilang taong lumipas, muli kong naramdaman yung pamilyar na hapdi sa dibdibko na parang kahapon lang naganap ang mga bagay na yun, dama ko yung sakit sa isiping wala na siya sa buhay ko, ito ba talaga ang gusto ng tadhana? Ang tumanda ako mag isa? Na sa tuwing gigising ako, hindi ko na masisilayan ang ngiti niya, ang mga ngiti niyang nagpabihag sa puso ko, sa puso kong hanggang ngayon ay siya pa din ang hinahanap hanap.
Mula sa naisip ay hindi ko na napigilan pa ang luhang pumatak sa mga mata ko. mga luhang nagpapahiwatig ng sakit at pangungulila, na agad ko na ring pinawid as I drink this damn bottle of iced tea again, at pinanood ang paglubog ng marahang paglubog ng araw na minsan naming pinagsaluhan.
Why does everything reminds me of her? Ang babaeng hindi nawala sa puso ko.
Then, the sudden vibration of my phone inside my pocket, ang nagpabalik sa akin sa katinuan. I grabbed my phone to read the message.
From: Peter
The buyer of your house wants to meet you, ASAP.
Am I sure about it? tanong na paulit ulit na naglaro sa aking isipan.
To: Peter
Tell that certain person, that I am in a vacation.
Sent √
Muli akong napaisip, should I really sell that house? That house that is giving me so much to remember, that house which helped me to look forward, and look for what might happen as the years passed by, the house that I once dreamt to spend the rest of my life living with the person I love, am I going to sell it? If I did, there's no backing out.
I stretched my arms when I felt dizzy, and sleepy, but as I slowly put my arms down ay isang bagay ang nasagi ko na tumawag sa aking atensyon, ang kahon na dapat pala ay bubuksan ko,
BINABASA MO ANG
G6 [Series 1]: My Dream Guy's Girlfriend [girlxgirl]
RomanceDiana Margarette Sandoval is an avid fan of Jameson Fajardo who happens to be the most popular and well known basketball player in the field of basketball. Margarette swears to herself that one day James will realize her existence and finally be clo...