"Hi Ma'am Maggie. Mabuti po at napasyal kayo." Masayang bati sa akin ni Mang Ador, driver ng pamilya namin kapag nandito kami sa Palawan. Siya at si Aling Ising n kanyang asawa ang aming katiwala sa rest house namin dito. Yup, tama kayo. Pumunta ko ng Palawan gaya na rin ng sabi sa akin ni Ate Cha susunduin ako ni Mang Ador pag dating ko ng Palawan.
Hayyy. Kung alam mo lang Mang Ador. Wala akong planong pumunta dito kung hindi lang ako kinulit, pinangakuan at KINONSENSYA ng magaling kong ate.
Yeah, kinonsensya ako, kesyo mag isa lang daw si Nikki panikki don. Baka daw kung anong maisipan na gawin non. Duh, di naman ako nagpapunta sa kanya don. Pero syempre nakonsensya din ako. At pinangakuan ako na siya ang sasagot ng ticket ko VIP for the whole season. Naisip ko di na din masama. Ang mahal din kasi ng ticket lalo na kapag every game ng honey ko present ako. Kaya andito ako ngayon.
"Ma'am ayos lang ho kayo?"
Tumango lang ako at ngumiti sa matanda saka sumakay sa kotse na nakaparada sa harap ko. Umupo na ako sa back seat.
"Kanina pa ho kasi kayo nakatulala." Sagot nito nang makasakay sa loob ng kotse.
"Okay lang ho ako Mang Ador. May naisip lang po ako." Sagot ko at tumingin sa labas ng bintana.
Naging tahimik ang aming byahe hanggang sa makarating kami sa rest house.
Gabi na rin kasi nang makarating ako dito. Hapon kasi flight ko papunta dito. Kaya pagod na pagod ako.
Habang naglalakad ako sa buhanginan ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Papasok na sana ako sa loob para makapagpahinga. Bukas ko na lang hahanapin si Nikki pero may nakita akong bulto ng katawan na nakasalampak sa sahig.
Agad akong lumapit dito at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko ang mga bote ng alak sa buhanginan. Lumapit ako sa babaeng halos halikan na ang buhangin sa pagkakadapa dito.
Umupo ako sa tabi niya at tinitigan ang kanyang mukha.
Siya na nga siguro si Nikki. Gosh, ang ganda niya! Para siyang diyosang bumagsak sa dalampasigan. Pero ang lakas uminom. Wait, what did I just say?
Napakunot noo na lamang ako ng mapansin kong nakabikini lang siya.
Hindi ba siya giniginaw?
Hindi ko alam kung ano ang nag udyok sa akin para hawiin ang ilang buhok na tumabing sa kanyang napakagandang mukha.
Ano ba itong pinag iisip ko??
"Hmmmm" ungol nito.
Mahina kong tinapik tapik ang kanyang braso para gisingin siya pero tanging ungol lang ang tinutugon nito.
Dahil sa mabait ako ipinulupot ko sa batok ko ang mga braso niya at iniyakap ang braso ko sa bewang niya kaya ganon na lamang a g kuryente na bumalot sa daliri ko nang magdampi ang aming mga balat at inalalayan siyang tumayo. At ang bruha di man lang nagising.
Tsansing! Sigaw ng mahadera kong isip na agad ko namang iwinaksi.
My God! Ang bango niya! At ganon na lamang ang paninigas ko sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko at mas lalo niya pang isiniksik ang kanyang mukha doon. At nagdulot iyon ng kakaibang init ng pakiramdam sa akin.
Oh shit! Ano bang nangyayari sayo Margarette! Pilit kong pinapagalitan ang aking sarili
Maya maya lang ay naramdaman ko ang kanyang paggalaw. Ang bigat niya kaya! Kahit na sexy siya ang bigat niya kasi buong lakas siyang nakasandal sa akin. Para tuloy kaming magkayakap.
Naramdaman ko ang unti unti niyang pagtanggal ng braso niya sa batok ko.
"Can you walk?" Nag aalalang tanong ko.
"Leave me hik a hik lone."
Aba at siya na nga itong inaaalala siya pa suplada
Akmang tatalikod siya nang ma off balance siya dala na rin ng kanyang kalasingan. At huli na ng marealize kong nasa bewang niya ang mga braso ko kaya bumagsak kami sa buhanginan napapikit ako at napaibabaw ako sa kanya habang ang mga braso ko parang nakadikit na sa bewang niya at nang imulat ko ang aking mga mata nagulat ako nang nagtama ang aming mga labi at mataman siyang nakatitig sa akin. Bigla akong napatayo at napatakbo papasok sa loob ng rest house at nagtungo sa kwarto ko.
Napatampal ako sa noo ko nang maalala ang pangyayari kanina at frustrated na umupo sa kama ko.
Oh gosh! What just happened?! Yung first kiss ko wala na ng ganon ganon na lang!
-----
Jessica Clements as Cassandra Nicole Cordova 😍
Credits to the owner of the photo
A/N: Thank you guys for reading! Please don't forget to vote and leave your comments. Love yah guys 😊
BINABASA MO ANG
G6 [Series 1]: My Dream Guy's Girlfriend [girlxgirl]
RomanceDiana Margarette Sandoval is an avid fan of Jameson Fajardo who happens to be the most popular and well known basketball player in the field of basketball. Margarette swears to herself that one day James will realize her existence and finally be clo...