Start na ang Tempo Classico para sa practices nila. May collaboration of course ang mga officers. Kaya naman tuwang tuwa si Sai, kasi makakasama nya sa stage ang best friend n'ya, si Aaron, si Nicole, ang buong Tempo Classico officers at si Seth.
Medyo hindi s'ya na-excite sa part na makaka-collab n'ya si Seth, kasi ubod ito ng sungit at hindi namamansin. May pagkamoody at basta. Hindi n'ya talaga ma-explain.
"Ano, kelan daw kayo magpa-practice ni Pres?" tanong ni Brent kay Sai.
Kanina pa kasi nakatitig habang nakapout si Sai kay Seth at medyo bored na din kasi hindi talaga n'ya alam kung paano ia-approach ang huli.
"Lapitan mo. Para may mapag-usapan na kayong kakantahin. Sa may part pa naman ng promenade 'yung kanta n'yo." - utos ni Brent.
"Ayoko. Baka kainin n'ya ako". pagmamaktol ni Sai. "Bahala s'ya kung ayaw n'ya. Meron naman na tayo kanta at may kanta na din kami ni Nicole. Kami din ni Aaron."
"Linawin natin 'yung part ni Aaron, ha? May kanta na kayo, pero hindi kayo, okay?" paglilinaw ni Brent.
"Whatever. Basta." pagmamaktol nito, nang mapansin ang sinabi ni Brent about sa kanila ni Aaron. "Alam mo kanina ka pa, ah? Selos ka no? Huy! Selos s'ya. ang cute mo sa lagay na yan babs. Wahaha! Selos ang babs ko." - pang aasar ni Sai, saka sinundot sundot ang tagiliran ni Brent.
"Hindi ah. Ambisyosa." Pero patuloy pa din sa pag sundot sundot si Sai sa tagiliran n'ya. "Sai, ano ba? Tumigil ka. Haha! Nakikiliti ako." Pero kinikiliti na din neto si Sai.
Habang nakikita ito ni Seth, ay napapailing na lang s'ya sa gilid ng room na kinaroroonan nila, dahil sa hindi n'ya alam na dahilan.
Tapos biglang dumating si sir Caleb, at may kasama itong sobrang pamilyar sa mata nina Sai at Brent. As in, gulat silang dalawa. Tapos bigla na lang humiyaw si Sai dahil sobrang na-excite s'ya.
"Kyaaaaa!!!! Shiaaaaaaaaaaaaa! OMG!" - sigaw ni Sai. tapos napahagos pa ito sa kinaroroonan ni Shia.
"Oh, hi." -maikling saad lang nito. Pero lumapit ito kay Sai para i-hug ito. "You look familiar. Parang I saw you somewhere."
Biglang sumingit si Seth.
"S'ya 'yung may video na nag-trend online because her face does not suit her voice." - saad ni Seth. Natatakot lang ito na baka masabi ng kuya n'ya ang pinakaayaw n'yang malaman ng lahat.
"Ahh. 'Yung kumunta ng Ice Cream? Well. Yeah. angelic ang face mo, but you rap very well. The song has a strong hiphop sound and unique rapping. Kaya pala." komento ni Shia. "But still I think I have seen you somewhere else. Younger you?" saad ni Shia, na kunwari pang nag iisip.
Napapangiti si Sai, kasi 'yung ultimate crush nyang singer, heto at kilala ata s'ya. Plus kinakausap s'ya, at pinuri pa s'ya. Pero itong si Seth ay todo iling. Parang may gustong ipahiwatig sa kuya n'ya. Which na gets naman ni Shia, kaya nanahimik na ito.
"Well, anyway. I'll be with your practice starting today until dry run." - saad ni Shia.
Nangningning ang mata ng lahat, especially Sai, maliban kay Seth.
"Iko-coach mo po ba kami?" - tanong ni Justin.
"Why not? Pero do I need to coach you pa ba?" nakjangiting saad nito. "Just call me kuya Shia."
At saka sila nagkanya kanyang chika kay Shia. Pero naiwan sina Seth at Sir Caleb.
"Bakit naman si kuya pa, Cal? Anytime, pwedeng sabihin ni kuya ang sikreto mo." - tanong ni Seth kay Sir Caleb. Close kasi talaga sila kaya kapag nag-uusap sila, Cal lang ang tawag nito.
YOU ARE READING
String Attached By Sweetest Harmony 💕🎶 (ON HOLD)
General Fiction(ON-GOING) Do you believe that music can change man's perspective? Do you agree that opposites do attract? Do you believe in every love story, there's music in it? Abangan natin ang kwento nina Sai at Seth. 😍 Any scene, names, and places mentioned...