"Bryll."
JNaalala ni Sai ang boses ng lalaking nagtawag sa kanya nito. Hindi n'ya nilingon, pero alam n'ya na yung lalaking walang lakas ng loob ang nagtawag sa kanya.
---------------------------------------------------------
Patuloy pa din sa pangungulit si Sai na bakit Bryll ang tawag sa kanya ni Seth, pero hindi n'ya ito sinasagot. Hanggang sa paglabas sa pinto, kinukulit pa rin n'ya ito.
"Sai. Manahimik ka na." pakiusap ni Seth.
"Kilala mo ako. I mean, kilala mo na ako before. Seth naman. Bakit Bryll ang tawag mo sa'kin?"
Hindi pa din tumitigil si Sai sa kakatanong kaya hinawakan ni Seth ang braso nya at sabay silang lumabas ng room.
"Ano'ng ginagawa mo? Bitawan mo ako. Huy! ano ba?!" saad ni Sai tsaka inaalis ang pagkakahawak sa kanya ni Seth. Pero masyado itong mahigpit. "Baka makita ka ni Brent."
"Ano mo ba si Brent? May dapat ba s'yang ika-selos? ika galit?" seryosong tanong ni Seth.
Natigilan naman si Sai. Bakit nga ba magse-selos si Brent?
"Magagalit s'ya. S'ya lang pwede humawak ng kamay ko." pagmamatigas nito at pilit kinakalas yung pagkakahawak sa braso n'ya. "Ano ba, Seth?"
"Bakit boyfriend mo ba s'ya?" humigpit lalo ang pagkakahawak nito sa braso n'ya.
"Magagalit si Aaron. Bitawan mo na ako." p[akiusap ni Sai.
"Bakit din magagalit si Aaron? Kayo na ba? Di ka naman n'ya nililigawan."
"Seth. Nasasaktan na ako." saad ni Sai, at nanghihina na ito, dahil sobrang higpit na talaga ng pagkakahawak sa braso n'ya.
Napalingon si Seth kay Sai at nakita n'yang namumutla ito. Ganun ba kahigpit ang pagkakahawak n'ya sa braso nito?
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Seth kay Sai kasi nakita nyang namumutla talaga ito.
Nasa labas na sila ng room noon at papunta na sa studio. Sakto naman na magkasama sina Brent at Aaron kasi hinahanap nila si Sai, kaya nakita nila ang dalawa na magkasama at hindi maganda ang itsura ni Sai.
"Sai!!" humahagos na saad ni Brent ng makitang namumutla si Sai. "Anong nangyari? Naipit ba s'ya? May tinali ba sya sa kamay n'ya? Mahigpit ba ang pagkakahawak mo sa kamay n'ya? Anong nangyari?" kinakabahang tanong ni Brent.
"I think, Seth gripped her arms hard." sabi ni Aaron ng makita ang marka ng kamay nito sa braso ni Sai.
"Shit. Hindi nag-flow 'yung mga dugo ni Sai. Tabi! Dadalhin ko s'ya sa clinic." nagmamadaling binuhat ni Brent si Sai, at nabunggo ang dalawang lalaki. Umiling lang si Aaron kay Seth, tsaka sumunod kay Brent papuntang clinic.
(A/N:) hindi ko alam kung tawag d'yan. Pero ganyan kasi ako nung highschool. Pag sobrang tagal na grip 'yung braso ko, nahihilo na lang ako bigla. Tapos nagkakaroon ng mark (parang lumobo)'yung pagkakahawak sa'kin. Basta di ko alam kung ano tawag. Pero ang lakas n'ya makawala ng energy. Kasi parang naiipit 'yung mga veins. ewan ko ba. Ganun kasi dati, buti nawala na.
"What have I done?" napa-face palm na lang si Seth sa nagawa n'ya.
Sa clinic,
"Mag-rest ka na muna." saad ni Brent. "Sa dami kasi ng mamamana mo sa papa mo, yan pa."
"di naman ako nahimatay. OA neto. Nawalan lang ng energy. Diko naman ikakamatay." pagbibiro pa nito. "Huwag mo na lang sasabihin kay Mama. Baka sisihin n'ya na naman Papa ko. Diko pa nga nakikita."
YOU ARE READING
String Attached By Sweetest Harmony 💕🎶 (ON HOLD)
Ficção Geral(ON-GOING) Do you believe that music can change man's perspective? Do you agree that opposites do attract? Do you believe in every love story, there's music in it? Abangan natin ang kwento nina Sai at Seth. 😍 Any scene, names, and places mentioned...