10

16 1 0
                                    


(Brent's POV)

"Bakit ang sungit n'ya na naman? Wala naman akong ginagawa sa kanya e. Napahiya ako, babs." umiiyak na sumbong sa'kin ni Sai.

Naiinis ako bakit s'ya umiiyak. Napapahiya naman s'ya dati, pero hindi s'ya umiyak. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, napaka strong n'ya. Na kahit anong mangyari, ano man ang sabihin ng iba, hindi s'ya nagpapatalo. One in a million nga s'ya diba? Kaya naiinis ako, kasi ngayong umiiyak s'ya, naluluha din ako. At nagagalit ako ngayon sa Seth na 'yun. Wala s'yang karapatan.

"Wag ka ng umiyak. Iiyak din ako. Sige. ayaw mo ako makitang umiiyak diba? Kasi ang pangit kong umiyak? diba?" panakot ko. Pero masama talaga loob ko. Never ko pang pinaiyak to. Tapos ganun ganun lang, umiyak na s'ya sa sinabi ni Seth.

Napatingin naman s'ya sa'kin, tsaka s'ya tumahan. O diba, effective.

"Huwag mo na lang sabihin sa iba na umiyak ako." pakiusap n'ya.

Malamang. Alangan ipagsabi ko pa sa iba. Hay!

Bumalik na kami sa room. Tapos sila ayun, patapos na kumain. Hindi na kami kumain ni Sai, kasi nawalan na kami ng gana.

"Sai!". Sabi ni Aaron. "eepal na naman 'to.". "Kaya mo bang mag-practice? Kung hindi, pwede ka naman ipaalam kay Sir."

"Kaya ko naman. Para natanggihan lang ng pagkain, aayaw agad ako?" sabi naman n'ya. Tumingin naman ako sa kanya ng ''Yan-ang-kilala-kong-Sai look'. Tapos ngumiti s'ya. Pero tiyak kong mag-aaway na naman ang dalawang 'yun sa practice nila mamaya. Ang tinutukoy ko, 'yung kwagong si Seth.

"Ubusin n'yo na 'yang ulam. Di na kami kakain ni Brent. Lalabas na lang kami mamaya." Sabi pa ni Sai.

Napalingon naman ako sa kanya. Oo. Lalabas daw kami. Kaya napalingon naman ako kay Aaron, napatingin s'ya kay Sai. Tapos si Seth, natigilan sa ginagawa. Tsaka s'ya nag-salita.

"Nagagawa pang mag-date samantalang hindi pa okay ang performance." sabi n'yang di lumilingon samin. Napa smirk na lang sina Russel, Justin at MArtin.

"Ano bang problema mo kay Sai?" tanong ni Russel.

"Napaka moody mo lately, Seth. Akala namain we're okay na here. Since magtu-2 months na tayong magkakasama sa club?" tanong din ni Nicole.

"Pre, kung may galit ka kay Sai, of course, hindi namin alam ang dahilan, sarilihin mo na lang." singit ni Justin.

Hindi ko na pala kailangan mag-salita kasi may mga representative na ako. Si Sai naman nasa likod ko, ramdam ko, naluluha na naman s'ya.

"Hayaan n'yo na. Masama lang siguro naging araw n'ya." sabi naman ni Martin.

This time, hinarap naman kami ni Seth.

"Bakit lagi n'yo akong pinagkakaisahan? May masabi lang ako, kampi na kayo lahat kay Sai. Wala ba akong karapatang mag labas din ng saloobin ko towards her?" tanong nya samin, at seryoso ulit s'ya. "You don't know how much fear I have when facing you. Pero nakipag kapwa tao at nakipag kaibigan pa din ako. Takot akong ma-judge pero isang salita ko lang, andami n'yo ng nasasabi. Tigil na muna natin ang practice today. Mag-practice na lang tayo kapag okay na ang lahat." sabi n'ya tsaka s'ya umalis ng room.

Napatunganga kami sa sinabi n'ya. May fear pala ang taong 'yun at 'yun ay socialization. Di ko namalayan, sinundan pala ni Sai si Seth.

(Seth's POV)

Wala akong planong magpa-awa sa kanila, kasi i'm never expressive of what I really feel. Pero this time, hindi ko na kinaya. Weak ako pagdating sa ganyang usapan specially, wala naman akong ginagawa. Pero lately din kasi parang ang sungit ko sa lahat, which I don't know why. Diko namalayan, comfort room pala ang pinuntahan ko. Paglabas ko ng CR, nagulat ako, may biglang yumakap sa'kin.

"Sorry." saad n'ya.

Yakap yakap n'ya ako ngayon, and I remember the feeling 6 years ago. 

"Push yourself to do more. Dahil walang ibang gagawa n'yan para sa'yo, kundi ikaw. Hindi lang ito ang audition na pwede mong salihan. Gaya ng sabi mo, pamilya kayo ng singers. Hindi ka lang na-accept ngayon, pero sa iba, baka pag-agawan ka pa. Cheer up!" 

Mga salitang binitawan n'ya kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob humarap ulit sa tao. Kaya nagawa kong makapag audition dito sa Andrews. Kaya nagawa kong ipakita ang talent ko. Kaya nagawa kong magmahal. 

"Sai." sabi ko.

Nilingon n'ya ako.  Hinila nya ang kamay ko at nagpunta kami sa isang bench.

"Sai. Sorry."

Nakatingin lang s'ya sa'kin at halatang naguguluhan.

"Sorry kung napakamoody ko lately." tsaka s'ya tumango. I think gets n'ya na kung bakit ako nagso-sorry.

"I now understand you. Pero wag mo asahan na magbabago in an instant. I mean, makulit at madaldal talaga ko. So, sorry din. Lalo na kapag sa tingin mo kinakampihan nila ako."naka pout na saad nya.

Bakit ba ang hilig mo mag-pout? ang cute mo, sobra. Ano ba yan. Hays! 

Nahuli ko na lang 'yung sarili kong nakatitig sa kanya. Tapos naalala ko 'yung Sai 6 years ago na sobra kung mangulit kay Brent.

{FLASHBACK}

"Hindi nga. Alam mo dapat ang kantahin mo dun, kanta ni GDragon. Bagay sa boses mo 'yun. Wag ka na maghanap ng ibang kanta. Kahit anong kanta ni GD. Andami naman d'yan."

"Ayoko nga. Ang kulit naman neto e."

"Ayoko na. Di na ako mag-o-audition. Di ko na kakantahin 'yung sinabi mo."

"Oo na. Sige na kakantahin ko na. Okay na?"

Tumawa naman ang batang Sai, tsaka naman tumawag si Mommy sa'kin.

"Baka nga hindi ako singer. Baka nga hindi ako katulad n'yo, Mom. If I can't be a singer, marami pa namang iba d'yan. Kalilimutan ko na lang ang pagkanta."

Tapos lumapit s'ya sa'kin. 

"Push yourself to do more. Dahil walang ibang gagawa n'yan para sa'yo, kundi ikaw. Hindi lang ito ang audition na pwede mong salihan. Gaya ng sabi mo, pamilya kayo ng singers. Hindi ka lang na-accept ngayon, pero sa iba, baka pag-agawan ka pa. Cheer up!"   


"Uy! Ano na? Nakikinig ka ba?" untag n'ya sakin. 

"Ay. Ano nga 'yun?"

"Kako, magpapakabait na ako. Susunod na ako every practice. Wag ka na ding masungit sa kanila. Lalo na sa'kin. Iwasan ang kunot noo at void na expression. Nakakaless ng kagwapuhan."

And there she go again, smiling like an angel.

Have I also mentioned before that she's an angel when she's rapping? Nung audition n'ya 6 years ago, ang galing n'ya lang. Kinanta n'ya 'yung Ma Boy ng Sistar. As in kinanta n'ya ng s'ya lang. That time, I had my eyes on her. Never akong nagkagusto sa iba. Kineep ko s'ya. Kahit ako lang nakaka-alam. 

"Okay. I'll try na magpakabait na din ako."

Sabi ko na lang. Pero naka ilang pangako na din ako kina mommy n'yan, hindi naman ako bumait. 




(A/N:) Para sa mga silent readers d'yan, comment comment din. :) Open naman ako sa improvements. Dahil ang sabaw ng story ko. wahahah. Vote, add to Library n'yo na din. Salamat! :*

String Attached By Sweetest Harmony 💕🎶 (ON HOLD)Where stories live. Discover now