(Sai's POV)
3 weeks na lang bago yung Acquaintance Party, kaya this time, totoo na. Makikipagbati na talaga ako kay Seth. Naisip ko na naman 'yung kanta. Hays! Sa totoo lang hindi ko kasi alam kung paano kakantahin 'yung kantang 'yun, hindi ko alam kung paano yung tamang emotion, kasi hindi naman ako broken hearted.
So, heto na. Andito na ako sa school. Papuntang Tempo Classico room. Tapos, ayun. Andun nga sila. Yung 6 boys namin, nagpapractice na ngayon.
Ang galing nilaaaa. 😍 nakaka Inlove silang panoorin, specially Aaron. Bakit ba ang hot ng lalaking to? Okay. Sige. Aaminin ko. Crush ko na si Aaron. Naging crush ko s'ya nung umamin s'ya sa'kin. Joke man 'yun or hindi that time, nagkaroon ako ng interest sa kanya. Dahil sa boses n'ya at sa looks. Well, hindi naman talaga pangit si Brent. In fact, gwapo s'ya at napaka kwela. Pero hanggang friends lang talaga ang tingin ko sa kanya, at ganun din naman s'ya.
Hays. Balik tayo sa mga boys. Idagdag mo pa sina Russel, Martin, Justin, Brent and Seth. Isang napakagwapong group to in the near future.
N/P: Climax by iKON 😍
(a/n:) kunwari yung Tempo Classico boys ang kumakanta. Sa mga parts nila? Hmm. Brent (B.I, of course <3), Seth (Junhoe), Aaron (DongHyuk), Russel (Bobby), Justin (YunHyeong), and Martin (JinHwan). Isipin n'yo na lang ganyan boses nila. haha! Sorna. Totoo na 'to. Waaaah! Naluluha ako sa kantang 'yan. Ever!
Nakatitig ako sa kanila and napansin ako nina Brent and Aaron. Sabay silang ngumiti sa'kin.
Diba? Bidang bida ang dating ko sa mga lalaking to. 😂 mga Knights. Kaso walang armors. HAHA! Kala mo naman nasa panganib ako, diba? Feeling damsel in distress. 😂😂😂😂😂
"Practice na tayo ng kanta natin?" yaya sakin ni Aaron. Nagniningning ang mata nya habang tinatanong ako. Napangiti naman ako.
Actually, napakagwapo niya. Masaya ako kapag nilalapitan or kinakausap nya ako. Idagdag mo pang concern sya lagi sakin. Nakakataba lang ng puso.
"practice tayo?" ulit na tanong nya sakin. Pero bakit hindi ako maka-oo? Hindi ba dapat, tuwang tuwa ako ngayon kasi nga 'girl, yung crush mo', inaaya ka. Pero bakit hindi pa din ako sumasagot? Nginitian ko na lang s'ya. Ng bahagya.
"Mukhang ayaw nya." Tsaka tumawa si Brent. "Tayo na lang ang mag practice?" yaya sakin ni Brent. Jusko naman. Lagi na namin pinapractice, kailangan pa ulit namin mag practice? Pero hindi rin ako um-oo sa kanya. Ano ba?
Papalit palit lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Paano naman, maayos na yung Palette namin ni Brent, then, maayos na din naman yung Dream namin ni Aaron. May gusto akong mag aya sakin. Pero asa pa ako. Hanggang di ako ang lumalapit, di yun papayag na mag practice kami.
May biglang tumikhim sa gilid. Napalingon kaming Tatlo.
Gahd! Narinig ba n'yang pinagdasal kong s'ya ang mag aya sakin?
"Tayo na lang ang mag practice, Sai." yaya ni Seth. Hindi ito nakatingin samin. Naka focus s'ya sa lyrics ng kanta.
Oo. Si Seth. Si Seth Apollo Santiago ang nagyaya na magpractice kami. OhhEmmGee. Diko alam kung totoo 'yung narinig ko, pero yung puso ko parang kakawala sa dibdib ko. Partly, natuwa ako na kinilig na kinabahan. Ewan ko. Parang hindi normal. Natuwa ako sa pag-yaya n'ya sa'kin. Gusto ko ng sumama, pero hindi ako makagalaw.
"Ano bang nangyayari sa'kin? Huy! Hindi to normal. For Pete's sake."
Namalayan ko na lang na nakatitig ako kay Seth, at nakalapit na s'ya sa'kin. Hinawakan n'ya na naman ang braso ko, tsaka kami pumunta sa studio. Sumama naman ako sa kanya ng walang sabi sabi. Nakatingin lang sa'kin sina Aaron at Brent.
YOU ARE READING
String Attached By Sweetest Harmony 💕🎶 (ON HOLD)
Ficción General(ON-GOING) Do you believe that music can change man's perspective? Do you agree that opposites do attract? Do you believe in every love story, there's music in it? Abangan natin ang kwento nina Sai at Seth. 😍 Any scene, names, and places mentioned...