12

14 1 0
                                    

Sai's POV

Ito na yung araw na magpapakita na sa school yung muse. Hindi naman ako naeexcite. Actually, pinipilit kong ma excite, pero wala talaga. Feeling ko nga mataray sya, lalo galing pa sa New Zealand. Baka iba ang ugali, baka tarayan kami lahat.

Pero tong tukmol kong best friend, aba! Nakatingin talaga sa pintuan. Halatang halata na excited. Naiinis ako. Kasi naman, never in my life na ganyan s'ya ka-excited sa taong first time n'yang makikita. And look at him now, parang ewan na naka-abang sa pintuan.

Maya maya pa, nag gather silang boys at nag usap usap. Lumapit naman sa'kin si Nicole.

"Ngayon ko lang sila nakitang ganyan ka-excited. Grabe 'yung attention nila sa muse natin. I somehow hate her na." saad ni Nicole. Parehas pala kami ng feels. Ewan ko ba. Feeling ko bully talaga 'yung muse.

"Same here. Feeling ko nga mataray talaga 'yung muse. We'll see."

So, eto na nga. May dumating ng sasakyan sa harap ng gym. Isang Mustang GT350. Mukhang mayaman pa ata 'tong muse namin.

Bumukas 'yung pinto. Lumabas s'ya. OH! EMM! GEE! Ang ganda naman n'ya. Sobra. Cool chic. Nagkatinginan kami ni Nicole. 'Yung mga boys, ayun, tulala. Maski kami ni Nicole. Iba charisma n'ya. Bakit ang ganda n'ya? Bakit ang cool n'ya tignan?

"Bakit bukod s'yang pinagpala?" singit ni Nicole.

Ganun ka-ganda 'tong muse namin. Kasi ang ganda na ni Nicole, pero iba 'yung puri n'ya sa muse namin (maganda din ako, excuse me). Pero iba kasi ganda neto. Hay! Grabe naman!

Nakapasok na s'ya ng gym, nakasunod naman ang mga boys sa kanya.

Nga pala. Maliban kay Seth. Mukhang hindi s'ya interesado. Sumunod lang s'ya dahil hinila na s'ya nung iba.

Isa pa itong Aaron na ito. Akala ko ba ako ang crush n'ya? Bakit nangunguna sila ni Seth sa paghabol habol sa muse namin? Nakakirita naman 'tong mga 'to. Ramdam ata ni Nicole na inis ako, kaya inakbayan n'ya ako.

"Bagong dating kasi s'ya kaya sa kanya attention. Hayaan mo na muna. Baka maganda lang talaga s'ya at walang talent. You know." sabi n'ya sakin, tapos tumawa. Tumawa din ako. Umakyat na sa stage 'yung muse at magpapakilala.

"Hi everyone!" taray naman. British accent si ate. "I am Bettina Margarette Rodrigo. You can address me with Bettina. I am an exchange student from Wellington University. I can play the piano and flute. You can ask me about anything later. Thank you!" Okay. S'ya na. Wala ako masabi.

(A/N:) One of her nicknames is "Human Gucci" due to the fact that she often wears expensive clothing from Gucci. She's the princess. Yes. Literal. YG Princess s'ya, tapos s'ya pa ang muse ng Tempo Classico, edi kakaiba.

"I hope you all get well with each other

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I hope you all get well with each other." saad ni Sir. "Bettina, you can leave your things so you can practice with them." Tumango naman s'ya.

Nagstart na kami mag-practice. As usual, buwis buhay na prcatice na naman po kami. Walang magre-rest hanggang hindi namin perfect ang bawat prod namin. Ang chance lang ng rest namin ay 'yung interval every after ng part namin.

So eto na nga. 4th part na. Ang OA ko lang sa part na puspusan at buwis buhay diba? wahaha. Pang apat pa lang na part, pero pagodaaaa na kami. Kasi naman, naka unang set na kami kanina. Nag blockings na ang boys (Brent, Russel, Aaron, Martin, Justin), nasa gili muna si Bettina. Lumapit na naman sa'kin si Nicole.

"Maganda, mayaman, can play piano and flute. Tignan muna natin talent." natawa ako sa sinabi n'ya. Naninibago ako kay Nicole. Haha! Parang gusto n'ya din malaman kung may flaws din ba si Bettina.

NP: Maxstep by PYL Younique

[Bettina] hands up in the air!
[Martin] Hwanhohago majihaera
[Bettina] Makji mara nal
[Martin] Chwego gyeongjireul kyeongheomhara
[Bettina] throw it in the air!
[Justin] Keobuhalsurok pagodeureo
[Bettina] Jeoldaejeogin neo

"whoah! Maganda din boses. Hintayin natin sumayaw." sabi na naman n'ya. Baka hindi ko mapigilan 'yung tawa ko, ma-offend sila. Tumigil ka na Nicole.Hahaha!

[Russel] this is specialist Bettina!

[Bettina] Naega meonjeo yeoreonwasseo gechilgo heomnanhan gireun nae dojeon
Geunyang kajyeobeorimyeon neomu jaemi eopji
Saneul myeot gaejjeumeun neomebwaya alji
Jeongsangeman buneun baram neukkyeobolkka? Norabolkka?

Nagkatinginan kami ni Nicole.

"Okay! Total package 'tong si Bettina." Komento n'ya. Napanganga na lang kami kasi naman sayaw at rap kaya n'yang pagsabayin. FLAWLESS! Well, kaya din naman namin. It's just that, iba talaga si Bettina. Napapa-english tuloy ako. Iba charisma n'ya. Hay! Napabuntong hininga na lang ako tsaka umupo sa gilid, naghihintay ng susunod kong part. Ayoko panghinaan, pero baka di rin ako sumikat after ng acquaintance party na ito.

(SETH's POV)

Kanina ko pa pinagmamasdan si Sai. Parang aligaga. Dahil ba kay Bettina? Feeling ko nga dahil kay Bettina. Kanina pa kasi sila nag uusap ni Nicole at pareho silang aligaga. Pero they have nothing to worry kasi magkakaiba naman sila. I mean, they're doing good sa kanya kanyang field nila. Nairita din ako sa dalawang asungot na'to. Grabe kung guluhin nila si Sai, pero parang mga ewan na nakatingin sila ngayon kay Bettina. Bigla nilang kinalimutan si Sai. Ano na? Option ba tingin nila? Lalapitan ko na lang si Sai after ng prod namin.

Pagkatapos ng practice ng PYL Younique, at lahat kaming boys sa group, biglang umupo si Brent sa tabi ni Sai. Naunahan na naman ako. Lagi na lang. Nagliwanag naman mukha ni Sai. Tapos sumandal si Brent sa balikat n'ya. Isa rin 'tong babaeng 'to e. Nakalimutan ba n'yang for a while nakalimutan din s'ya ni Brent? Ayaw pa nilang umamin kung sila o hindi. Kesa ganyan silang PDA dito sa school. Ito namang Brent, kumukulo dugo ko sa kanya. Kaya n'ya isnabin si Sai kapag may ibang tao, tapos ngayon? Parang walang nangyari ah! Nakuyom ko 'yung plastic bottle na hawak ko tsaka ko ibinato sa kawalan. Alam kong napalingon sila sa'kin, kasi wala namang rason para magalit ako. Pero nainis talaga ko e. At ito namang si Sai, napakadaling mauto. Napakadaling magbago ng mood pagdating kay Brent.

Naramdaman kong may lumapit sa'kin. Tapos hinawakan ako sa balikat.

"Hoping it's Sai."

"You okay?" paglingon ko, si Bettina. May ganitong side pala 'tong babaeng 'to?

"Yeah. Fine. Just... just leave me alone." saad ko. Nakakuyom pa din ang palad ko, at naiinis pa din ako.

Lumayo naman s'ya. Hindi na ako lumingon kina Sai at Brent. Hindi ko na lang inintindi kung ano 'yung naramdaman ko. I know, mawawala din ito eventually.

3 days from now, acquaintance party na. Kaya heto kami, gugol ang oras sa practice. Nagulat na lang kami lahat ng magsidatingan ang mga stockholders, parents ng iba samin. Tinginan sila as usual, ako naman tumingin lang sa parents ko.

"Akala ko ba nung last time dapat sila pupunta. Why now?" tanong ni Justin. Lumingon naman s'ya sa'kin.

Oo nga naman. Daddy at Mommy ko, stockholders, pero hindi ko natanong. Nagkibit balikat lang ako.

"Guys, I want you to meet our 17 stockholders of Andrews School of Arts and Music. Major and minor stockholders. Alam n'yo naman siguro na without them, this school is not possible and will not run for 50 years now. I also want you to meet the schools owner, Mr. Ronaldo Rodrigo."

Pagkarinig namin sa word na Rodrigo, napalingon kami kay Bettina.


------------------------------------------------

(A/N:) read read read. vote vote vote. KAMSAHAMNIDAAAAAAAA~~~ 😍😍😍

String Attached By Sweetest Harmony 💕🎶 (ON HOLD)Where stories live. Discover now