6

21 2 0
                                    

3 weeks na ang nakaraan simula nung kinuha ni Sai ang lyrics kay Seth, pero hindi pa sila nagsisimulang mag-practice na magkasama.

Ang katwiran ni Sai, kaya n'yang kantahin ang piece na iyon, kailangan lang n'ya ng tamang emotions.

Si Seth naman, hanggat di lumalapit si Sai ng kusa, hindi sila magpapa-practice ng sabay.

Napansin ito nina Caleb at Shia.

"You should be practicing na sabay diba? Paano n'yo malalaman how to modulate your voice, and 'yung emotions n'yo dapat magtugma." saad ni Shia.

"Ayaw lumapit ng tao sakin e. Bakit ko sya lalapitan?" -pagsusungit ni Seth.

"Halika na. Paglalapitin ko na lang kayo." saad ni Caleb.

Hinawakan nito sa braso si Seth at dinala ito sa kinaroroonan nina Sai at Aaron.

Naging busy kasi si Brent lately kasi inaayos n'ya yung kakantahin nung limang boys sa officers. Kaya naiwan sa pangangalaga ni Aaron si Sai.

(A/N:) Pangangalaga? wahaha. Gustong gusto po ni Sai, kasi nagwapuhan s'ya kay Aaron. 😍😍

"See? Mas gusto n'yang kasama si Aaron, kahit maayos na 'yung kakantahin nila. Pero never lumapit sakin ang babaeng 'yan." pagsusungit na naman ni Seth.

"Paano kasi lalapit sayo e salubong na 'yang kilay mong makapal." saad ni Sai.

"Ganito din naman kilay ni Brent pero gusto mo s'yang kasama. Sabihin mo na lang kasi kung ayaw mo pala na may part tayo sa production, para matapos na."

"Brent is my kambal-tuko. At kahit gano pa s'ya kapangit, mas gusto ko s'yang kasama."

"Edi kayo na lang kumanta."

"Bakit ba lagi kayong nag-aaway? Pwede bang this time, magkasundo naman kayo?" pagrereklamo ni Caleb. "4 weeks na lang, Acquaintance Party na. Pero wala pang finalize plan. Wala pang matinong practice. Huwag n'yong hintayin na makialam ako sa mga kanta ninyo dahil hindi ninyo magugustuhan." maririning na ang galit sa boses nito.

Natahimik naman ang lahat. Bigla namang nagsalita si Sai.

"Sorry, Sir. Sorry, Seth" nakayukong saad ni Sai. "Magpractice na tayo. Lika na." saka neto hinawakan si Seth sa kamay at nagpunta sa studio nila para magpractice.

(A/N) akala n'yo lang yan. Jusko! Napakakulit nitong si Sai.

Pagdating sa studio.

"Napaka-sungit mo. Saksakan ka ng sungit. Ang gwapo mo sana kung di ka lang asal babae. Nakakainis ka. Alam mo bang daig mo pa ako kung mag-taray? Kala mo lagi kang may dalaw. Isa 'yan sa reason kung bakit di kita nilalapitan. Napaka pihikan mo. Ni hindi mo man lang kinakausap 'yung ibang officers. Tapos pag ipapatawag mo kami sa meeting, kay Kuya Shia ka pa magsasabi para sabihin sakin, e pwede ka naman magsabi na lang sa'kin, kaya ko naman sila tawagin kahit iba ibang section tayo. Makipag kapwa tao ka naman. Hindi 'yung nagpapaka seryoso ka d'yan. Halimaw ka ba para magmukmok ka d'yan na para kang manlalapa ng tao? Umayos ka naman." tuloy tuloy na saad ni Sai.

Ito namang isa, dahil naingayan na, sumagot naman ito, pero patuloy pa din sa pagdada si Sai.

"Stop it. you're hurting my ear." saad nito habang tinatakpan ang tenga n'ya, pero patuloy pa din si Sai sa pagsalita.

"hkHKDYOJDljmlbakHOdi[Xlk:cnkcbIgtsOIPJQLDNKABKgxijpkclbKXIHoc" SAI

(A/N:) Kunwari 'yan yung mga sinasabi na Sai, kasi marami nga daw.

"Sai, stop it. You're hurting my ears. Stop it, would you?" pakiusap neto pero patuloy pa din ito sa pagsasalita at patuloy din naman ang paglapit ni Seth sa kanya.

"Basta matuto kang makisama, hindi lahat ng tao natutuwa sa pagiging tahimik mo. Ako na lalapit sa'yo. Okay na. Pero makipagkaibigan ka din" patuloy pa din si Sai sa pagsasalita pero napapaatras s'ya dahil palapit ng palapit si Seth sa kinaroroon n'ya.

"Bryll, stop it!" bulyaw ni Seth kay Sai, pero nakapaloob na si Sai sa dalawang braso ni Seth habang nakasandal na ang mga ito sa pader.

(A/N:) imagine n'yo na lang. Basta I find it sweet wahaha basta 'yung mga kadalasang eksena na kala mo magkayakap sila, or maghahalikan, ganern.

"When I said stop it, you should stop. You're hurting my ear, Bryll." seryosong saad ni Seth habang nakakulong pa din sa mga nakasandal na kamay nya sa pader si Sai. "I heard what you said. Oo, masungit ako, pero it doesn't mean na hindi ako marunong makipag kapwa tao. I have my friends. Sadyang, wala pa lang nade-develop sa school na ito. Do I need to rush things? It's been a month since nag start ang school year, kailangan ko ba agad ng maraming kaibigan?"

Si Sai naman ay napapalunok na lang at nanginginig sa takot. Di nya akalain na ganito pala si Seth kapag nagalit. Pero di nya maiwasang kiligin kasi naaamoy n'ya si Seth at napapatitig s'ya rito dahil sobrang gwapo ni Seth sa paningin n'ya. Nang may bigla s'ya naalala.

"Bryll? You called me Bryll. Tama ako diba? Bryll ang itinawag mo sa'kin." naguguluhang tanong ni Sai.

Inalis naman ni Seth ang pagkakasandal ng kamay nya sa pader at umayos ito ng tayo.

"No. I never said that."

"Narinig ko. Tinawag mo akong Bryll. Isang tao lang ang nagtatawag sa'kin ng Bryll. Narinig ng dalawang tenga ko."

"Hindi kita tinawag na Bryll. Bryll ba ang pangalan mo?" maang-maangan na tanong nito.

"Sabi mo, 'Bryll, stop it'. Oo. you called me by my very first name. Bakit mo ako tinawag na, Bryll?"


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(A/N:) Nawawalan ako ng eksena wahaha kainis. ito talaga crisis ko ever since. I mean, lahat naman ng writer, nagi-start pa lang or batikan na, parang napipiga ang isip sa pag isip ng scenes. Kailangan kong mainspire. 😂😂😂😂


(A/N:) Para sa mga silent readers d'yan, comment comment din. :) Open naman ako sa improvements. Dahil ang sabaw ng story ko. wahahah. Vote, add to Library n'yo na din. Salamat! :*  


String Attached By Sweetest Harmony 💕🎶 (ON HOLD)Where stories live. Discover now