(Sai's POV)
"Lolo." saad ni Bettina. Lumapit s'ya kay Mr. Rodrigo tsaka ito nag-mano at bumeso.
"Ah! Kaya." bulong ni Nicole. Diko man lang namalayang nakalapit na s'ya sa'kin.
Now I know, kung bakit s'ya ganyan ka-talented, kayaman, ka-ganda. Kasi nasa sa kanya naman na pala lahat. Galing sa kilalang pamilya. Gaya ng parents ni Seth. Gaya ng parents nilang lahat. Including Brent. Yes, anak mayaman. May kaya din naman kami ng mommy ko. She runs a business, successful. Pero I am not from a happy family. Wala akong daddy. I mean, meron, pero diko nakilala. Samantalang sila, ayan, kumpleto. Nandito ang parents ng iba sa'min. How I wish pinursue din ng mommy ko pag-kanta.
Kasalukuyan ako ngayon sa pag iimagine habang nagpapakilala samin ang mga stockholders.
{FAST FORWARD}
Napansin ko na kinakausap isa isa ni Mr. Rodrigo ang mga tao dito sa gym. Malamang kakausapin din n'ya ako. Kasalukuyan n'ya ngayong kinakausap si Brent. Mukhang nawiwili ang matandang Rodrigo. Dumako ang tingin nila sa dako ko. Napalingon ako, at ako lang ang tao dun. Tinatawag ako ni Brent.
"Sai! Halika." masayang tawag sa'kin ni Brent. Ngumiti naman ako kaagad. Tsaka ako pumunta sa pwesto nila.
"Mukhang napaka-masayahin n'ya." sabi ni Mr. Rodrigo.
"Ako po?" tanong ko. Sabay kamot sa ulo.
"Oo, iha. Ikaw nga. You remind me of someone actually." saka nag isip ang matanda. "You remind mo of that bubbly Sam... Samantha Morgan? Tama. Si Samantha Morgan."
Nagkatinginan kami ni Brent.
"Mommy ko po?" tanong ko.
"Mommy mo? What a small world. Anak ka ni Samantha?" tanong ulit ng matanda tsaka ito tumawa. "Para kang mama mo."
"Bakit n'yo po kilala ang mommy ko?" naguguluhang tanong ko. "Wala po kasi akong maalala na may kakilala ang mommy ko sa school na ito. Dahil po ba sa business ni mommy? Bumibili po ba kayo ng damit sa mommy ko?" Yes. My mom runs a clothing business. It's called Morgan's. Magtatanong pa sana ako ng biglang lumapit sina Mr. and Mrs. Santiago.
"Sorry to interrupt you, guys. We have an emergency meeting. So if you'll excuse us." marahang saad ng mommy ni Seth. Ang ganda ng mommy n'ya. At ang gwapo din ng daddy n'ya. May pinagmanahan pala talaga si Seth.
"Bakit kilala niya si Mama Sam?" tanong sa'kin ni Brent. Mama tawag n'ya sa mommy ko.
"Diko din alam e. Nagtaka nga ako e. Bakit n'ya kaya kilala mommy ko? Hmm. Tatanong ko na lang sa acquaintance party. Andun naman daw sila diba?" tumango lang sa'kin si Brent.
Ginather ulit kami ni sir Caleb sa baba ng stage para sa isang announcement.
"We only have 3 days before the said event. I hope lahat kayo ay okay, and I hope you give your best. I'll give you a day to rest para hindi kayo ma-over-fatigue sa day ng performance. Just give your best shot." sabi ni sir samin.
"Yes, Sir!" saad naming lahat.
"Additional. After the said event, diretso tayong lahat sa villa nila Seth. We will celebrate there."
Nanlaki naman ang mata ni Seth.
"Bakit sa villa? Pwede namang sa inyo." sagot n'ya kay Sir. Nasanay na kami sa way ng pakikipag usap n'ya kay sir.
"Well, your parents suggested it. We will spend the night at their villa, then next day is the celebration."
Umikot na naman ang mata nito. Tsaka ito lumapit kay Sir, at may binulong. Na-curious kaming lahat. Pero, ano pa nga ba.
YOU ARE READING
String Attached By Sweetest Harmony 💕🎶 (ON HOLD)
General Fiction(ON-GOING) Do you believe that music can change man's perspective? Do you agree that opposites do attract? Do you believe in every love story, there's music in it? Abangan natin ang kwento nina Sai at Seth. 😍 Any scene, names, and places mentioned...