Noong unang panahon ang buong mundo ay pinamumunuan at nasa ilalim nang mga Diyos at Diyosa ng Olympus. Ang katiwasayan at katahimikan ay napapanatili sa pamamagitan ng mga 'immortality stones' na pagmamay-ari nang mga Diyos at Diyosa.
Ang mga batong ito ay siyang nagbibigay kahulugan sa bawat Diyos at Diyosa at ang bawat bato ay may kani-kanila at natatanging kapangyarihan na ginagamit nila para sa pagbalanse ng mundo.
Bawat Diyos at Diyosa ay may 'immortality stone'. Ito ay nakabaon sa mga katawan nang mga Diyos, ito ay napakahalaga dahil ito ang nagbibigay balanse sa mundo na maaari ring gamitin para sa pagsira nito.
Aphodite's POV
Tumulo ang luha sa aking mata habang naghahawak kamay kasama ang iba pang mga Diyos nang Olympus, nagsagawa kami nang isang 'death ceremony' para sa isang immortal, ito ay ang kapatid ko, kapatid kong si Poseidon. Naging bato siya at naging istatwang diamante pagkatapos na pagsamahin namin ang aming mga kapangyarihan.Nandito sina Hera, Zeus, Ares, Athena, Hephaestus, Artemis, Apollo, Demeter, at ako, si Aphrodite.
Pagkatapos namin ay Pinatawag na agad kami nang aming amang si Zeus sa 'Olympian's Hall'
"Sino ang hangal na pumatay kay Poseidon?!" paglalakas boses ni Zeus, napuno nang kidlat ang kanyang mga mata at mararamdaman mo sa buong 'Olympian's hall' ang pag libot nang kuryente.
"Pinatawag ko kayong lahat sapagkat isang Diyos lamang ang makakapatay sa katulad niyang Diyos, kung kaya, gusto kong malaman kong sino siya at bakit niya ito ginawa". hindi parin nawala ang mga kidlat sa nagbabaga niyang mga mata
'Siya si Zeus ang pinuno nang mga Diyos at Diyosa nang Olympus, meron siyang kapangyarihan na higit sa lahat, siya ang nagmamay-ari nang 'weather immortality stone', na siya ang nagpapanatili nang pagkalma at pagbalanse nang panahon at klima sa mundo. Sandata niya ay ang 'Lightning bolt', isa sa mga pinakapangyarihang sandata sa Olympus. Kaya niyang manipulahin ang panahon at kidlat.
"Nagkakamali ka, sapagkat nandiyan pa ang mga Nymphos, sila ay may kapangyarihan ding pumatay nang isang Diyos" sabat naman ni Ares.
Siya si Ares ang Diyos nang Digmaan, apoy ang kapangyarihan niya, siya rin ang nagmamay ari sa mga 'jaya' ,mga asong apoy na naninirahan sa mga bulkan. Hawak niya ang 'war immortality stone' na noon ay ginamit para sa digmaan pero ngayon ay para sa katiwasayan nang mundo. Sandata niya ay ang 'Bloodthirster', isang espada na gawa sa mga dugo nang mga pinatay na kalaban ni Ares sa panahon nang 'Trojan War'.
Ang mga Nymphos naman ay ang mga makapangyarihang mga nilalang sa 'Nypoona'. Sila ang mga makapangyarihang mga engkantada. May lakas sila na katumbas sa lakas nang mga Diyos at Diyosa nang Olympus.Mula noon ay magkakampi na ang mga Nymphos at mga Diyos. May kakayahan silang manipulahin ang lahat na elemento sa mundo ang tubig, apoy, lupa, at hangin.
"Ang mga Nymphos? Akala ko ba ay kaibigan at kakampi natin sila?" tanong naman ni Hera
Siya si Hera ang Diyosa nang mga kababaihan, pagkasal at pamilya. Siya ang minamahal na asawa ni Zeus, siya ang ikalawa sa mga diyos na dapat bigyan respeto. Mahinahon siya at mapagmahal. Hawak niya ang 'Family immortality stone' na siya ang nagpapatibay nang mga pamilya sa mundo. Sa akala mong mahina siya dahil sa pisikal niyang kaanyuan, huwag kang magkamali dahil ang pagiging ikalawa sa trono 'is not just for show', sapagkat ang kapangyarihan niya ay higit sa lahat maliban nalang kay Zeus. Sandata niya ay ang 'echo staff' kaya niyang manipulahin ang mga kapangyarihan nang mga 'immortality stones' kung kinakailangan.
"Bakit mo naman nasabi ang mga bagay na iyan Ares?" pahabol naman ni Athena
Siya si Athena ang Diyosa nang Kaalaman at Digmaan. Siya ang pinakamalakas na Diyosa sa pakikipagdigma. Hawak niya ang 'knowledge immortality stone' na siya ang nagbibigay sa mga tao sa mundo nang talino at kaalaman.Siya rin ang Diyosa na puno nang stratehiya. Sandata niya ay ang 'Shield and Sword of Justice' ang sandata na pumupuksa sa kahit anong kalapastangan.
"Sapagkat narinig ko mula sa aking 'jaya' na may namatay rin na isa sa mga Nymphos at isa sa atin ang pinaniniwalaan nilang pumatay dito." naglibot ang apoy sa katawan ni Ares
"Kalapastangan hindi natin magagawa ang mga bagay na iyon, yan siguro ang dahilan kung kaya't naghihiganti sila!" yumanig ang sahig sa pag dabog ni Hephaestus.
Siya si Hephaestus ang Diyos nang apoy at paggawa ng kagamitan. Siya ay ang tagapaggawa nang mga sandata at kalasag nang mga Diyos. Wala siyang hawak nang kahit na ano mang 'immortality stones' sapagkat siya ay isang tao lamang na ginawang Diyos ni Zeus. Siya ang ama nang mga Apoy, at kahit siya ang gumagawa nang sandata, ay walang siyang sariling armas.
Nanahimik ang buong paligid hanggang sa nagsalita nang mahinahon si Zeus.
"Kung sa gayon ako ay makikipag ugnayan ako sa mga Nymphos upang mapatunayan ko na totoo ang mga sinasabi ninyo." biglang kumidlat at nawala na ang Diyos ng Kahawaan.
------------------------------------------------------
leave a comment, vote and continue reading Tnx.. :)
BINABASA MO ANG
Daughter of Aphrodite (On Hold)
FantasyThe world was ruled by the Greek Gods, leaded by Zeus the god of them all and the father of gods. Find and unfold the righteousness of gods turn into unrighteousness. Discover and know Aphrodite more, the one who will fight for what is right, and th...