(8) Ikawalong Yugto

321 21 6
                                    


Ikawalong Yugto: Poseidon's End

Poseidon's point of view

(At the underwater kingdom)

Nakaupo ako ngayon sa trono at dinadaing ang mga bagay na nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na kaya kaming pagtaksilan nang sariling naming kapatid.

-flashback-

(Ang pagpupulong sa loob nang Olympian's Hall)

"Ang mga Nymphos" nabigla ako sa paggaganti nang loob ni Ares at nakita ko pang nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Paano mo naman nasabi iyan" pagtatanong ko sapagkat ako ay nagitla.

Hindi na namin napagpatuloy ang usapan nang biglang dumating ang aking alagad na inutusan kong mag imbestiga sa nangyaring pagnanakaw nang stone of judgement.

"May kailangan kang malaman aking hari" sabay luhod nito

Kaya pinagpabuti ko na lang na umalis sa pagpupulong at kitang kita ko rin ang panlalaki nang mata ni Ares sa aking alagad kaya ipinagpabuti nalang namin na sa underwater kingdom niya na lang ipagpatuloy ang kaniyang pagsasalaysay tungkol sa kaniyang mga nalalaman.

(At the underwater kingdom)

"Magsalita kana"

"Mahal na hari may naglililo po sa inyo at sa pamilya niyo." nakayuko nitong sabi

Doon palang ay kinilabutan na ako at parang gusto ko na lang siyang paalisin para hindi ko marinig ang kaniyang sasabihin.

"Si Diyos Ares po mahal na hari" Pagkarinig ko palang nang pangalan na iyon ay naramdaman ko nalang na may namumuong mga butil ng tubig sa aking mga mata. Hindi puro galit ang nararamdaman ko kundi may halo itong pagsisisi.

Ano ba ang naging pagkukulang ko para kami ay pagtaksilan niya?

May nagawa ba akong mali kaya naging ganito siya? Ilan lang ito sa mga katanungang naglalaro sa aking isipan.

"Paano mo naman nalaman" nagbabasakali akong hindi ito totoo, sana nga.

"Sa daanan papunta sa silid ni Zeus ay may nakita kaming mga yapak, mga yapak na animo'y nangsusunog at di kala-unan ay nalaman din naming pinagmamay-arian ito nang mga jaya na siyang mga alagad ni Ares." pagpapaliwanag nito

"Makakaalis kana" utos ko habang nakatalikod dito,
hindi ko kasi gustong may nakakakita sa akin kapag ako ay umiiyak.

Simula paman ay may nararamdaman na akong kakaiba sa kaniya, sa mga kilos palang at sa mga titig niya ay alam ko nang kahina-hinala na ang mga ito.

At kahit ako ay nag-sisisi at naaawa sa kaniya kailangan paring managot ang may sala at dapat pairalin ang hustisya, kaya mag handa ka Ares.

-End of flashback-

Kinagat na nang dilim ang kapaligiran, at tahimik na ngayon ang aking kaharian. Dito muna ako namalagi sa ilalim nang karagatan, sa underwater kingdom.

Daughter of Aphrodite (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon