A/n: In this chapter you will know the quantity of the traitors, and I'm sorry for the delay same reasons :)
Ikapitong Yugto: The Evil Plan
Third person's point of view
"Akala ko ba patay na siya? Mga hangal!" nagpupuyos sa galit na sigaw nang isang nilalang sa dalawang nasa kaniyang harapan at bahagyang nakayuko
"S-Sigurado po kaming patay na s-si Athena, nakita po namin ang katawan niyang wala nang m-malay" pautal na sagot ni Ares sa nilalang na tinuturing nilang pinuno
"Walang malay?! Dapat walang buhay! Mga tanga!" nag aalab nang galit ang mahihinuha mo sa mga mata nang kanilang pinuno
"H-imala na lang kung makakaligtas pa siya sa forbidden quant na ikinast ko s-sakaniya" sabi naman nang katabi ni Ares na halata mong kinakabahan din.
"Huwag niyong minamaliit ang Diyosang iyon, napakadulas noon at mahirap talunin, eh bakit nawala ang katawan niya akala ko ba sabi niyo na mababalitaan ko na lang na patay na si Athena pero bakit ito nawawala?" tanong naman ulit nang kinikilala nilang pinuno
"Si Aphrodite!" nabigla naman sila nang napalakas ang boses nang katabi ni Ares
"Tama, baka may alam siya na tinatago niya lamang para maprotektahan si Athena." dagdag naman ni Ares
"Pwes alamin nyo mga bobo! Speaking of Aphrodite, Ares natalo at natakasan kapa nang pinakamahinang Diyos? Nakakahiya ka." mas napayuko pa si Ares dahil sa sinabi nito.
"Ngayon, paano na natin matutupad ang ating pinaplano kung miski kahit isang diyos ay wala kayong mapatay!" namuo ang pagkagalit at pagkainis sa mga mata nito.
"S-Si Poseidon na po ang pinaplano naming p-patayin, masyado nasiyang maraming nalalaman at pinapa-imbestagahan pa niya talaga ang mga nangyayari" hindi matingnan ni Ares sa mata ang kanilang pinuno.
"Siguraduhin niyo lang na sa pagkakataon na ito eh magtagumpay na kayo."
(Isang araw bago namatay si Poseidon)
Aphrodite's point of view
Kinaumagahan nun ay naghanda na kami agad para bumalik dito sa Olympus kasi kailangan naming manmanan ang mga ikinikilos ni Ares.
Kaka landing palang namin nina Alleria ay tumambad na agad sa amin si Ares.
Tiningnan niya kami habang nakangisi na parang ga*o.
"Mauna na kayo sa silid Aphrodite" tugon ni Athena habang seryosong tinitingan niya ang nakangising si Ares
Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na kaya akong saktan nang sarili kong kapatid, alam ko ang galit na nararamdaman ngayon ni Athena kasi ito rin ang dinaramdam ko.
Umalis na nga ako at dali daling nagtungo sa silid ko kasama si Alleria, ayoko ko mang iwan si Athena nang nag iisa pero alam ko na kaya niya naman ang sarili niya. Half hype beast kaya iyon.
Athena's point of view
"Hmm buhay kapa pala?" tanong niya saakin, hindi ba obvious?
"Bakit naman hindi? Eh ikaw lang naman kinalaban ko at tsaka naghingi kapa talaga nang tulong oh my gods and goddesses. Ganoon naba ako kahirap talunin?" tinaasan ko siya nang kilay at napahagikhik ako.
BINABASA MO ANG
Daughter of Aphrodite (On Hold)
FantasyThe world was ruled by the Greek Gods, leaded by Zeus the god of them all and the father of gods. Find and unfold the righteousness of gods turn into unrighteousness. Discover and know Aphrodite more, the one who will fight for what is right, and th...