Unang Yugto: Blake
(Limang araw bago ang kasalukuyan)
"Bilisan mo!" nagwawalang sigaw ng amo ko. Kaya nilakaran ko ng mabilis, pasan pasan ang mabigat na kahon ng isda na kakakuha palang kaya preskang-preska pa.
"Ito na ang bayad mo." Akmang kukunin ko na sana ang perang nasa matabab niyang mga kamay nang bigla niya itong binitawan.
"Ay, patawad nabitawan ko". sabay halaklak na parang demonyo.
Isa akong suguan o masasabi mo ring isa akong bayarang alipin. Ako si Blake, simula noon ay ganito na ang pamumuhay ko, naninilbihan ako para makakalap nang pera na gagamitin ko para ako ay mabuhay. 'Not to mention my chubby and shitty girl boss', oo babae siya, babaeng ipinaglihi sa lalake kaya naging lalake din ang hitsura niya. Matagal tagal narin akong naninilbihan sa lalaking ito ay este babae, wala eh, no choice kaya kailangang mag-tiis.
Palabas na ako nang palengke, nang biglang may dalawang lalakeng tumambad sa unahan ko. Nagsusuntukan, nagdudumugan at parehong may hawak na kutsilyo na parang magpapatayan.
Nagmadali ako upang sila'y awatin nang bigla akong natali sa kinakakatayuan ko. Isang maputi, at makinis na kamay ang nakita ko na humawak sa mga balikat nang dalawang taong umaalburoto na sa galit.
Ang dalawang akala mo na magpapatayan na ay naging animo'y mga aso na sumusunod sa kanilang amo.
Napailing ako sa kagustuhan na masilayan ang kanyang mukha.
"Hindi dapat kayo nag aaway, dapat ay nagmamahalan kayo" isang mahinhin na boses ang lumabas sa kanyang mga pulang labi.
Nahimasmasan ako nang biglang umilaw ang kanyang mga mata ng kulay rosas habang siya ay nakikipag- usap at nakatitig sa dalawang palengkero.
"Patawarin mo ako kaibigan" agad na sabi nang isa.
"Ako rin kaibigan, ipapaumanhin mo, mahal na mahal kita aking kaibigan" sagot naman nang isa.
Halos malaglag ang panga ng mga tao ng matuklasan iyon, hindi kapani-paniwala ang mga nangyari na para bang may dumapong isang himala. Ang panandaliang katahimikan ay nasundan din nang malakas na pagtatawanan. Katulad ko, yung iba ay nagtataka sa babaeng ito. Nasulyapan ko siya na parang may namumuong ngiti sa kanyang mga pisngi.
'Parang pamilyar siya saakin' sabi ko sa sarili ko.
Nanakaw nalang siguro ang atensiyon ko nung nakita ko na umilaw ang kanyang mata kaya hindi ko napansin ang angkin niyang kagandahan. Gandang hindi pangkaraniwan at gandang masasabi mong higit sa lahat.
Sinubukan kong humakbang patungo sa kaniya pero nagulat ako ng biglang igalaw niya pataas ang kanyang kamay at ito'y ibinuka, at nabalot at napalibutan ito nang nagsusulputang pulang mga rosas, at bigla niyang kinipot ang kaniyang kamay.
Napalibutan siya ng malakas na hangin kaya ako ay napaatras ng isang hakbang. Kalaunan ay sumilakbo ang tila mga 'red sparkling dusts' sa paligid na nagtagal lang ng maiksing panahon.
"Anong nangyari?" nagtatakang tinig ang narinig ko sa taong nasa likuran ko.
Labis ang pagtataka ko nang mapagtanto ko na lahat nang taong nasa lugar na ito ay tila nakalimot sa nangyari.
Ipinagpaliban ko na ang lahat at hinanap ko agad ang babaeng iyon at nahagip ko siya na mabilis na naglalakad palayo.
"Padaan po" Naglakad ako habang nakabaling parin ang tingin sa babaeng iyon.
Nagpatuloy ako sa pagsunod sa kaniya hanggang sa napalingon siya. Nagkatitigan kaming dalawa, unang sulyap niya palang ay marami nang emosyon ang nahihinuha ko.
Binawi niya agad ang kaniyang tingin na animo'y ayaw niyang malaman ko na tiningnan niya ako. Halong pagtataka at pagkagulat ang mahihinuha mo sa kanyang tingin. Binilisan niya pa ang paglalakad.
Sa ikalawang pagkakataon, ay napalingon siya ulit. Tiningnan ko siya nang parang gusto ko siyang makilala at makausap, pero sa halip na tumigil siya ay mas napabilis pa ang lakad niya hanggang siya ay tumakbo na. Makikita mo talaga ang pag talon talon nang kanyang kulot at mapulang buhok.
Sinigurado ko parin na hindi siya mawawala sa aking paningin. Hanggang sa makarating kami sa daongan nang mga barko, kung saan ang mga pasahero ay kakababa pa lamang.
Sa dami nang tao ay hindi ko na siya nakita. Dumiretso lang akong lumakad sa gitna nang pagkukumpulan nang mga tao, at may nakita akong isang babaeng nakadapa.
Mapula at kulot ang buhok nito, kaya hindi ako maaaring magkamali na siya na nga yung babae.
"Binibini maaari ba kitang tulungan?" sabi ko sa kaniya sabay nang pag alok ko sa kanya ng ang aking kamay.
Ibinigay niya saakin ang kanyang kamay at humarap.
Laking gulat ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.nang hindi pala siya ang hinahanap ko.
---------------------
Hindi parin mawala-wala sa isipan ko ang babaeng iyon kahit na ngayong papauwi na ako. Pakiramdam ko kasi, kilala ko siya ng husto pero hindi ko lang maalala kung saan, kailan at anong pagkakataon.
Bigla akong nahilo at nakita ko nalang ang sarili kong bumabagsak.
(A loud voice continually speaks)
"Lumayas ka! Wala kang karapatan, hindi ka karapatdapat dito, pasalamat ka yan lang ang parusa mo!"
Marami ang nagsusumigaw at pinapalayas ako dahil ako raw ay isang traidor, pero may nasulyapan ako sa gilid, isang babaeng umiiyak at pilit na ipinagtatanggol ako at nais na ako'y ipagtanggol at huwag palayasin. Di ko namalayan tumulo na rin pala ang luha ko.
------------------------------------------------------------------
please vote, comment and continue reading tnx..😄
BINABASA MO ANG
Daughter of Aphrodite (On Hold)
FantasyThe world was ruled by the Greek Gods, leaded by Zeus the god of them all and the father of gods. Find and unfold the righteousness of gods turn into unrighteousness. Discover and know Aphrodite more, the one who will fight for what is right, and th...