Ikalimang Yugto: Athena is missing
Aphrodite's point of view
May narinig akong usapan sa loob nang Olympian's Hall na nasa gilid ko. Kaya pinuntahan ko ito.
Nakita ko sina Hera, Poseidon, Ares, Hephaestus at Zeus na nagkukumpulan sa gitna at nag uusap nang masinsinan.
May nangyari kina Alleria at Athena randam ko yun, kaya itatanong ko ito.
Nilapitan ko sila at magsasalita na sana ako ng biglang tumingin sa akin si ina at tinanong agad ako.
"Gising kana pala Aphrodite, alam mo ba kung nasaan si Athena?" aba yun din pala ang pinag uusapan nila.
"Ano ba ang nangyari kagabi?" dagdag naman ni Ares na nakakunot ang noo.
"Ang alam ko lang ay may umatake saamin ni Alleria kagabi at ginamot kami ni Athena, at hindi ko na alam ano pa ang nangyari pagkatapus nun" pagpapaliwanag ko sa kanila na siyang nagpakunot pa nang kanilang mga noo.
"Umatake? Sino!?" nagulat naman kami sa biglaang pagsigaw ni Zeus.
"Relax, hindi ko nalaman kong sino ito sapagkat nakamaskara itong itim ang tanging nakita ko lamang ay ang kanyang mga kamay na nagbabaga" mahinahun naman na tugon ko, haaay si Zeus talaga kapag nagsasalita parang aatakihin sa puso, siguro kong hindi ito Diyos matagal na itong patay.
"Baka ang mga Nymphos!" mas nagulat pa kami sa biglaang pagsigaw ni Ares.
"Paano mo naman nasabi ang mga bagay na yan?" pagtatanong ni Poseidon.
Naputol naman bigla ang aming usapan nang biglang may pumasok na isang nilalang na puno ng mga kaliskis.
"May kailangan kang malaman aking hari." sambit nito sabay luhod, siguro alagad ito ni Poseidon na nanggaling sa Underwater Kingdom.
"Kailangan ko ng umalis paumanhin." Pagpapa-alam saamin ni Poseidon. Umalis na nga ito.
At sabay rin nito ang biglaang pag-alis nina ina, Ares, at Hephaestus at ni Zeus na bigla namang ninakaw ng kidlat.
Ikinabahala naming lahat ang nangyari, sapagkat si Athena ay mailap na lumilisan ng Olympus ng hindi nagpapa-alam.
Kaya naiwan ako ditong mag isa. Hindi parin mawala sa isipan ko na baka may nangyaring masama kina Athena at Alleria kaya bumalik ako sa Santuary of Intelligence at nagbabasakaling makahanap ng mga bakas na maaaring tumulong saakin upang malaman kung ano ang nangyari sa kanila.
Pagkapasok ko ay wala naman akong nakita hanggang sa mahagip ko ang isang espada sa sulok ng silid kaya lumapit ako, at napagtanto ko na ang espadang ito ay ang sword of justice ni Athena at mas lumakas pa ang kutob ko ng pagharap ko at nakita ang lamat-lamat na pader.
May nangyaring labanan dito. Dali- dali akong nag-ayos ng sarili para pumunta sa mundo ng mga tao.
Nasa entrada na ako nang maalala kong wala pala si Alleria at wala ako kakayahang lumipad. Haaay naku.
Nag-isip ako at dali-dali kong tinungo ang silid ni Hermes, hindi mo maaaninag ang kanyang gawi siguro nandoon parin siya sa mundo at nagtuturo ng pagnanakaw. Kinuha ko ang pares nang flying shoes na nakalatag sa ilalim ng lamesa. Alam kong ayaw na ayaw ni Hermes na pinapakialaman ang mga gamit niya kaya,
.
.
.Sorry Hermes, ibabalik ko rin naman eh kaya panghihiram lang ang tawag dito at hindi pagnanakaw.
BINABASA MO ANG
Daughter of Aphrodite (On Hold)
FantasyThe world was ruled by the Greek Gods, leaded by Zeus the god of them all and the father of gods. Find and unfold the righteousness of gods turn into unrighteousness. Discover and know Aphrodite more, the one who will fight for what is right, and th...