Ikalawang Yugto: Forgotten
Aprodite's point of view
Tumakbo ako nang mabilis kaya ako ay nadapa, isang boses ang narinig ko sa aking likuran at inalokan pa ako ng kamay para ako ay tulungan.
Kinabahan ako dahil baka ako ay mabuking niya, dali-dali akong nagbago nang mukha para ako ay hindi niya makilala.
Sa aking pagmamadali, hindi ko tuloy nabago pati ang aking mapula at kulot na buhok.
Nilingon ko siya, nakita kong nakatitig siya saakin nang maagi, mga titig na parang nalilito. Gusto ko mang humiwalay sa mga nakakatigatig niyang mga mata, pero ito ay hindi ko magawa.
Wala ni isang letra ang lumabas sa aking mga bibig, nagkatitigan kami nang matagal at biglang nasagi sa isipan ko 'Posible kayang nawala ang kanyang mga alaala?'
- flashback-
Kaming mga Diyos ay hindi dapat magkaroon nang anumang koneksiyon sa tao sa madaling salita kami ay hindi dapat makilala nang kahit na sinong tao.
Pero heto ako ngayon hinahanda ang aking sarili para bisitahin ang mundo. Bakit? Kasi kung akala mo na nasa 'immortality stones' lang ang lahat ng trabaho para sa katiwasayan nang mundo ay nagkakamali ka.
Sapagkat kailangan din naming mga Diyos na panatiliin ang balanse sa mundo. Tulad nalang ni Poseidon na kailangang magpanggap bilang isang mangingisda para lang mapanatili ang mabuting kalagayan nang mga karagatan.
Si Poseidon ay ang Diyos ng mga Karagatan, tubig ang pangunahing kapangyarihan niya. Kaya niyang lunurin ang buong sanlibutan gamit lamang ang mga karagatan nito. Sa tubig lagi siya namamalagi at hawak niya ang 'water immortality stone' o tinagawag na watowa siya ang nagpapakalma sa mga karagatan. Isa siya sa pinakamabuting Diyos, itinutuwid niya ang lahat nang pagkakamali at kalapastangan. Sandata niya ay ang 'Water Trident" na galing pa sa pinakalalim lalimang parte nang karagatan, ito ay parang malaking tinidor pero mas matibay, pulido at ang nagpapalakas sa kapangyarihang tubig ni Poseidon.
Nandito ako ngayon sa Olympus na nasa ibabaw nang mundo, sa katunayan nga napakaibabaw.
Ang Olympus ay ang lugar kung saan kami nalikha at lumaki bilang isang Diyos, pero ngayon ang ibang Diyos at Diyosa nang Olympus ay nagtayo na nang sarili nilang mga tahanan o di kaya nanirahan sa isang lugar kung saan malapit ang kanilang mga tungkulin.
Katulad nalang ni Artemis na nakatira sa gitna nang kagubatan kung saan siya lang ang nakakaalam.
Si Artemis ay ang Diyos nang mga Hayop at Pangangaso. Sing lakas niya ang mga leon at sing bagsik nang mga buwaya. Kaya niyang mag anyo nang kahit anong hayop, pagpana ang panglaban niya. Malakas siya tuwing bilog o maliwanag ang buwan. Hawak niya ang 'Nature immortality stone' na siyang nagpapanatili nang malusog na kapaligiran. Sa lahat nang Diyos kay Apollo siya pinakamalapit.
Ako naman ay nakatira dito sa Olympus. Ang Olympus ay nagsisilbing lugar kung saan nagtitipon tipon ang mga Diyos.
Lumabas na ako sa aking silid suot suot ang 'ring of confusion' na may kapangyarihan na ginagamit upang malimutan ang mga bagong pangyayari ng kahit sinong mang mortal na magagamitan nito.
Sumakay na ako sa aking pulang 'pegasus' na si Alleria. Kailangan ko siya sapagkat wala akong kakayahang lumipad katulad nila Zeus at Hermes.
Lumipad na nga kami at ibinaba niya ako sa isang kapatagan kung saan walang makakakita saamin.
"Paalam Alleria" sambit ko, lumipad na nga siya pabalik nang Olympus.
Nagsimula na nga akong maglakad lakad para pagmasdan at imbestigahan ang paligid ligid, hanggang sa makarating ako sa isang palengke.
Pagpasok at pagpasok ko palang ay alam ko nang may tatrabahuhin nanaman ko.
Nadatnan ko kasi agad na may dalawang palengkerong nag aaway, kaya bilang Diyosa nang Pag ibig, ay nilapitan ko sila, nagsalita nang iilang bagay, ginamitan lang naman nang kakaunting kapangyarihan at wala nang problema.
Pero naramdaman ko na may nakatitig saakin, nang simula kung hanapin kong sino, laking gulat ko nang nakita ko ay si...
.
.
.
.
Garen.
Si Garen ay ang Diyos nang Pagbabalat-kayo at Kagwapuhan. Hindi katulad ang kapangyarihan niyang pag iiba nang anyo sa ibang Diyos sapagkat siya ang 'master of transformation', malawak ang sakop nang kapangyarihan niya, kaya niya maging anong hayop, bagay, tao, at kahit anong Diyos.
Wala siyang kahit na ano mang 'immortality stone', hindi dahil sa tao lang siya kundi dahil magkapareho sila nang kapangyarihan ni Hera na kayang manipulahin ang mga kapangyarihan nang 'immortality stones' kung ito ay gugustuhin niya.
Ang kanyang kapangyarihan na pag iba nang anyo ay siyang ginagamit niya rin sa pakikipagdigma, sapagkat kapag siya ay mag iiba nang anyo ay iiba rin ang kanyang mga kapangyarihan, kapag gusto niya maging si Zeus ay magkakaroon din siya nang kapangyarihang tulad ng kay Zeus kaso ngalang ay hindi niya nakuha ang isang daang porsyento ng lakas at hindi niya na kailan pa makukuha. Sapagkat pinalayas at kinuha na ang kanyang kapangyarihan ni Zeus sapagkat binantaan niya ang buhay nang Asawa nitong si Hera, na kung nakuha niya sana ang isang daang porsyento ay maari sanang siya ang naging pinakamalakas na Diyos, malakas pa kaysa kay Zeus.
Sinubukan kong gamitin ang 'ring of confusion' pero wala itong naging epekto sa kanya, kasi nakalimutan ko na sa mga mortal lang pala tumatalab ang 'ring' na ito.
Kahit na tao na siya ngayon, nananalaytay parin sa dugo niya ang pagiging Diyos.
-end of flashback-
Nagsimula na akong maglakad lakad patungo sa kapatagan kung saan ako ibinaba ni Alleria, habang ibinabalik parin nang aking isip ang mga nangyari noon.
"Aprodite! Pumunta kana ngayon sa Olympus, may kailangan kang malaman." sigaw ni Alleria habang ako ay papalapit palang sa kaniya.
"A-Ano, ba ang nangyari?" bigla kong tanong.
"Ah basta, dalian mo sumakay kana" Alleria
-------------------------------------------------------------------------------
please guys, vote, comment and continue reading tnx hahaha
BINABASA MO ANG
Daughter of Aphrodite (On Hold)
FantasyThe world was ruled by the Greek Gods, leaded by Zeus the god of them all and the father of gods. Find and unfold the righteousness of gods turn into unrighteousness. Discover and know Aphrodite more, the one who will fight for what is right, and th...