A/N: a must read chapter. Sorry po kung na delay ang pag-update ko nito nirerefine ko pa kasi ang mga drafts ko at inaaral ko pa rin ang wikang filipino para mas maging magaling ako rito. Pero asahan niyo mag uupdate na ako. :)
***
Ikaanim na Yugto: The Traitor
Aphrodite's POV
Sobrang kaba ang aking naramdaman. Tila tumakbo ng kusa ang mga paa ko ng nakita kong papalapit na siya saakin, kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa aking paroroonan.
Hindi ka man lang nakapagpasalamat sa kanya, sabi nang konsensiya ko. Oo nga na gui-guilty ako.
Pero hindi mo naman kailangan ang tulong niya, kayang kaya mo naman patumbahin sila ng mag-isa, sabi naman nang isip ko. Oo nakakausap ko ang isip at konsensiya ko huwag kayong ano.~haha~
Tama, hindi naman ako nangailangan ng tulong niya kaya walang rason para pasalamatan ko siya.
Pero tinulungan kaniya siguro naman deserve niya kahit thank you man lang, sabat naman nang konsiyensiya ko.
Nagui-guilty na talaga ako. Nang may bigla akong naalala, at yun ang nagpabakat ng kalungkutan sa aking mga mata.
Pinilit ko na lang ang aking sarili na mag-pokus sa paghahanap kay Athena, at pinili ko munang limutin ang kung ano mang bagay na bumabagabag saakin.
-------------------------------
Akma na sanang babati saakin ang isang amazonian, ng makita akong pumasok pero napahinto ito ng nakita ang aking gawi."Dito po Diyosa Aphrodite" pabulong nitong tugon. Pumalapit ito sa pader at may tinulak na parte ng pader at may namuong lagusan na merong hagdanan pababa. Kaya pumasok ako at tinahak ang hagdan.
"Sabi ko na nga ba nandito kayo" sambit ko nang makita kong nakahiga si Athena sa isang orbil, nasa giliran naman niya si Alleria. Lumapit ako kanila at sila ay niyakap.
"Ano ba nangyari Athena?" Medyo taranta kong tanong.
"Diba ang umatake sainyo ni Alleria ay nakamaskarang itim? Alam ko na ngayon kung sino siya, alam ko na kung sino ang traidor at malakas din ang kutob ko na siya rin ang may kinalaman sa pagkawala ng stone of judgement. Di ko alam kong ano ba dapat ang magiging reaksiyon ko sa sagot nito. Nakatitig lang ako sa kaniya at hinihintay na ipagpatuloy niya pa ang paghahayag.
"Ang taksil ay si
.
.
.
Ares." Napako ako sa aking kinatatayuan at tila tumigil ang aking paghinga. Ano? Bakit? sabi ko sa isip ko.
"Yun din ang hindi ko alam Aphrodite", nagulantang ako sa naging biglaang tugon ni Athena, nakalimutan ko, na kaya niya palang pasukin ang isipan nang sinuman in other words she's a mind reader.
BINABASA MO ANG
Daughter of Aphrodite (On Hold)
FantasyThe world was ruled by the Greek Gods, leaded by Zeus the god of them all and the father of gods. Find and unfold the righteousness of gods turn into unrighteousness. Discover and know Aphrodite more, the one who will fight for what is right, and th...