Author's Notes

24 1 0
                                    

Inspired by the movie, The Thieves, ang nobelang ito. Medyo challenging na samahan ng romantic twist lalo na at nakakaaliw ding mag-focus sa ibang aspeto tulad ng kalakaran sa pagnanakaw at maging sa stunts. Pero sana ay magustuhan niyo pa rin kung pa'no ko pinagsama ang romantic at thriller plots (na sobrang challenging.)


Nakapaloob din dito kung paanong hindi natin dapat hinahayaang i-define ng trabaho ang buhay natin. Kung loser ka sa trabaho, hindi ibig sabihin no'n loser ka rin sa totoong buhay. At kung successful ka sa trabaho, 'wag ka masyadong mayabang dahil hindi kasunod no'n na successful ka rin sa buhay.


Hindi ko alam kung bakit pero in-e-entertain ko talaga 'yong process ng "psychoanalysis." Iyong iisipin mo muna kung bakit ginagawa ng isang tao ang isang bagay bago siya husgahan. Sa nobelang ito, ipapakita na hindi dapat natin hinuhusgahan agad-agad ang mga "masasamang" tao sa lipunan. 'Di ko alam kung ako lang ba pero hindi ko talaga nakikitang masasamang tao ang mga nagnanakaw. Ewan. Siguro sa past life ko, na in love ako sa isang magnanakaw.

Anyhow, I hope you enjoy reading.

The ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon