7

5 0 0
                                    

"DALAWANG layer ang dadaanan. Pero, 'yong likod, kita mo? Masyadong makapal."


Oo Ben. Nakikita ko. Ikaw? Nakikita mo ba kung pa'no nagdurugo ang puso ko ngayon?


"Alam mo ba na 95% ng safe crackers, sa likod dumadaan?"


Alam mo rin ba na 95% of the male population, may gusto sa akin? Pero bakit naman sinama mo pa ang sarili mo sa 5%?


"Mas madali kasi sa likod pero kailangan ng heavy equipment—" pambibitin ni Ben dahil uminom muna siya ng tubig sa bottled water. Hindi niya tinakpan ang bote pagkalapag niya sa mesa kaya may dumapo na langaw doon. Parang gusto kong huliin 'yong langaw na lumipad na palayo. Nakakuha kasi siya ng halik galing kay Ben. Akin lang dapat ang halik na 'yon! Akin!


"—at mas matagal. Mas malaki rin ang chance na mahuli sila."


Ga'no ba kalaki ang chance na mahuli ko ang langaw na 'yon para mabawi ko ang particles ng lips mo na nakuha niya. O kaya, ga'no ba kalaki ang chance na mahuli ko ang pagtingin mo? Ano ba Ben? Wala ka ba talagang balak na tumingin man lang sa 'kin?


"Pero kung professional ka, sa harap ka dadaan."


I let out a deep and loud sigh.


"Na-bo-bore ka na ba?"


"H-Ha? Hindi a."


"Magpahinga ka na kung na-bo-bore ka."


Bakit parang nagtatampo siya?


"Hindi ako na-bo-bore. Gusto ko nga 'to, eh. Gusto ko magkasama tayo."


Huli na para bawiin ko ang nasabi. Sabagay, kanina pa naman ako umamin. Hindi tanga si Ben para hindi makuha na lowkey na 'kong nagtatapat ng nararamdaman para sa kanya. At hindi rin ako tanga para hindi ma-gets na lowkey na rin niya 'kong binabasted. Okay lang. Hindi ko naman priority ang pakikipag-boyfriend.


"Okay. Sabi ko nga, kung pro ka, dito ka sa harap dadaan. Mahirap pero mas mabilis. Alam mo kung bakit? Mas matigas ang harapan kasi may glass relocker. Kapag binasag 'to ng drill, may wire na nakadikit dito na magbabagsak ng bigat at tuluyan na 'tong magsasara. 'Di mo na mabubuksan. Kaya pang-pro 'tong harap. Kasi kung pro ka, alam mong wala ka nang second chance."


Parang tayo. Wala ng second chance. Because I just blew the first chance.


Umamin ako sa kanya kanina. Or at least, partly.


"Pa'no mo naman nasabi na gusto kita?"


"Hindi ba?"


The ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon