5

7 0 0
                                    


"SIGURADO ka bang gusto mong akyatin 'to?" Pakiramdam ko ay minamaliit ako ni Ben sa tanong niyang 'yon. Nasa ibaba kami ngayon ng Mt Tapyas at hindi pa kami humahakbang ni isang step ng bundok. May stairs kasi ang Mt Tapyas kaya madali lang akyatin ito.


"Bakit? Sa tingin mo ba, hindi ko kaya?" Itinaas ko ang braso at tinapik-tapik ang biceps ko, kung meron pa mang natira do'n.


Two years ago ako natutong mag-martial arts para sa teleserye ko na pinalabas lang last year. Ang kaso, simula nang matapos ang shooting namin, hindi na rin ako nakapag-train. Nabawasan na ang nabuo kong muscles hanggang sa tuluyan na 'yong nawala. Kaya may mga bashers ako na nagsabing peke lang ang muscles ko sa TV dahil hindi naman daw nila nakikita 'yon sa akin kapag lumalabas ako sa mga guestings at mall shows. Ang 'di nila alam, nawala na lang talaga ang muscles ko. Medyo natagalan kasing i-air ang teleserye naming 'yon ni Piolo dahil natagalan sa pag-edit dahil isa itong fanta-serye.


"Pa-pindot nga." Pinindot ni Ben ang biceps ko at lumubog lang ang daliri niya. Hindi naman niya itinago ang pagtawang halatang nang-iinsulto lang. "Wala naman, eh. Tama siguro 'yong sinabi ni Vanilla na peke lang ang muscles mo do'n sa La Luna Primera. Inaway-away pa siya ni Ube no'n. Si Vanilla naman pala ang nagsasabi ng totoo."


Humakbang ako palapit kay Ben at tumingala sa kanya. Mas mataas kasi siya sa 'kin kaya siguro minamali-maliit niya lang ako. Inabot ko ang collar ng damit niya at hinila 'yon palapit sa akin pero ni hindi man lang siya gumalaw. Mas lalo akong nainis sa pagmamatigas niya kaya tumingkayadako para mapalapit pa lalo sa mukha niya.


"Totoo 'yong biceps at triceps ko sa La Luna. Nakita mo naman ang martial arts skills ko 'di ba? Gusto mo ba 'kong subukan uli?"


Mabilis niyang tinanggal ang mga kamay ko. "Hindi na. Pagtitinginan lang tayo. May mga tumitingin na rin sa'yo. Nakikilala ka ata sa katawan mo. Bakit ka ba kasi nag-sportsbra at shorts ka pa? Sa tingin mo ba, maitatago mo ang pagkatao mo sa likod ng cap, shades, at face mask?"


"Eh, ito ang tamang gear sa pag-akyat ng Mt Tapyas, eh." Itinuro ko ang babaeng pababa ng hagdan na pawisan at halatang nanggaling na sa taas. "O kita mo siya? Pareho lang kami, 'di ba?"


Tumingin sa 'kin ang babae na mukhang narinig ang sinabi ko. Mabilis naman akong niyakap ni Ben na halatang kinabahan na baka makilala ako ng babae.


At ando'n na naman 'yong kakaibang kaba sa dibdib ko.


"Umakyat na nga tayo. Tara na." Nauna na ako sa kanyang humakbang. Kailangan kong lumayo muna kay Ben. Kailangan kong pansamantalagang dumistansya at mag-isip ng iba. Isa iyon sa mga tactic na tinuro sa akin ng isang direktor para hindi raw mahulog ang loob ko sa leading man ko.


Wait. Does that mean I'm falling for Ben already?


"Masyado kang mabilis." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ben mula sa likuran ko. "Sele—"Madam!"


Tumigil ako sa pag-akyat at nilingon siya. "Oh?"


"Masyado kang mabilis."

The ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon