Author's Notes:
Super unplanned ang update but let there be light. Char! Enjoy. :)
"TAMA na!" paulit-ulit kong sigaw sa pagitan ng pag-iyak ko. "Tama na! Tumigil na kayo!"
Hindi ko na masyadong makita si Ben na ilang metro ang layo sa 'kin dahil sobrang nanlalabo na ang mga mata ko kakaiyak. Kanina pa 'ko umiiyak na halos katumbas na ang limang teleseryeng ginawa ko na lagi akong inaapi at umiiyak. Pero kahit kanina pa 'ko ngumangawa rito ay hindi naman tinitigilan ng mga hinayupak na 'to ang paninipa at panununtok kay Ben. Isa sa mga nananapak ngayon kay Ben ang lalaking nakita ko sa Hongkong International Airport bako kami makapag-board pabalik ng Pilipinas.
"Tama na! Mapapatay niyo na siya!"
"Hep! Itigil niyo muna." Si Olive Oil iyon. Nakaupo ako sa isang silya habang nakatali ang buo kong katawan. Tumayo sa harap ko si Olive Oil pero dahil pandak, halos magkasingtaas lang kami ngayon.
"Hi Selene. Ako nga pala si—"
"Olive Oil. Kulang na lang kawali panghampas ko sa ulo mo." Nalaman ko agad na siya si Olive Oil dahil ito lang naman ang sinusunod ng mga lalaking naka-black suit.
"Kilala mo na pala ako. It's a pleasure to meet you." Inilahad niya ang kamay na halatang nangloloko lang dahil pa'no ko naman siya makakamayan kung nakatali ang buo kong katawan. Bigla kong naisip na kagatin ang kamay niya para makaganti man lang ako ng sakit sa ginagawa niyang pambubugbog kay Ben. Kakagatin ko na sana siya nang makita ang tattoo sa gilid ng kamay niya.
Spider?
Naiwan akong nakatitig sa tattoo niya hanggang makalayo siya sa akin at maglakad palapit kay Ben. Natigil ako sa pag-iyak at natabunan ng pagtatanong ang mga mata ko. Bakit siya may tattoo ng Spider?
"Salamat Ben ha. Hindi mo lang inihain ang sarili mo sa 'kin. Sinama mo pa si Selene. Ang galing mo talaga! Kuhang-kuha mo ang mga itinuro ko sa'yo dati, ah. Nag-recruit ka pa talaga."
Biglang may humagis na katawan ng isang lalaki sa harap ko. Nakatali rin ang buong katawan nito at halatang nawalan na ng malay dahil sa labis na pambubugbog. Si Pandan iyon. Sigurado ako.
Pero anong ibig sabihin ni Olive Oil sa sinabi niya? Anong mga itinuro niya kay Ben? Spider ba si Olive Oil? Siya ba ang nagpasok kay Ben sa grupo?
"Nakailang nakaw ka rin sa 'kin at sa mga alipores ko. Sa tingin mo ba habangbuhay mo 'yong magagawa? Bobo lang ang mga alipores ko pero hindi ako. Hinding-hindi ka na uli makakapagnakaw sa 'kin dahil papatayin na kita ngayon din!"
"'Wag!" Muling bumaling si Olive Oil sa 'kin. "'Wag. Nakikiusap ako. Pakawalan mo na kami. Please!"
BINABASA MO ANG
The Thief
Mystery / ThrillerHi. Ako si Selene Mendez. 26 years old. Popular actress. Bata pa man pero inisip ko nang mag-retire sa showbiz dahil kontento na 'ko sa accomplishments ko. Lalo na nang kunin ako ni Jackie Chan bilang isa sa main actors sa susunod niyang pelikula...