9

5 0 0
                                    

Author's Notes:

One time tinanong ako ng partner ko kung anong ginagawa ko. Bakit 'di ako nagre-reply sa mga texts niya. Bakit 'di ako nagpaparamdam. Sabi ko: "Nag-u-update sa Wattpad, kahit wala namang nagbabasa. Hehe."

I know for now it's true. Pero naniniwala ako na someday, ang ire-reply ko na sa kanya, "Nag-u-update sa Wattpad, kasi milyon-milyong readers ang naghihintay."

:) I don't have a good life, but I still believe that dreams do come true... :)



"WHERE?!"


"Left! Left!"


Kumaliwa si Vanilla dahil sa sinabi ng Chinese. May isa namang intersection pero bago ko pa siya uli masaktan ay nagsabi na siya kung saang direksyon ang tutunguhin. Swiftly namang kumanan si Vanilla base sa turo ng daliri ng Chinese.


"'Di ko alam na magaling kang magmaneho."


"'Di ko alam na magaling kang mag-torture."


Natigilan ako at napatingin sa Chinese. Mukha na itong nanghihina dahil marami na ring nawalang dugo dito dahil sa sugat sa hita. Pumunit ako ng kapiraso sa suot kong gown at saka ibinalot iyon sa sugat ng lalaki. Hinubad ko rin sa Chinese ang suot niyang suit pantapal sa sugat.


"'Di ko alam na magaling ka ring magkumpuni ng nasira mo, ah."


"Tumigil ka na nga. Medyo nakokonsensya na 'ko. Ang boss lang naman niya ang masama, hindi siya. Hey you! You listen to me. Stay out of Olive Oil's business and fix your life! Okay?!"


Tumangu-tango ang Chinese. Maya-maya ay bigla itong sumigaw at may itinuturong bodega. Mabilis namang nag-preno si Vanilla.


"Is that where they are?"


Nang tumango ang lalaki ay mabilis kaming bumaba ni Vanilla ng van. Maingat kaming naglakad patungo sa bodega. Dahil butas-butas ang yero na nagsisilbing haligi ay nasisilip namin ang loob. Hindi malinaw ang mga mukha pero clearly, may mga tao. At marami sila. May nakita akong baril na nakatutok pero hindi ko alam kung sino ang may hawak at kung kanino nakatutok.


Jusko! 'Wag niyo pong pababayaan sina Ben at Pandan.


"Pandan?!"


"Ssssshhh."


Sabay na itinapal ni Pandan ang mga palad sa bibig namin ni Vanilla na parehonng nanlalaki ang mga mata. Nahuli ko sa peripheral vision ko na inalis ni Vanilla ang kamay ni Pandan sa bibig niya pero hinayaan ko lang na maiwang nakatakip ang kamay ni Pandan sa bibig ko dahil abala ako sa ibang bagay. Abala ako sa paghahanap kay Ben. Kung nakatakas si Pandan, siguradong nakatakas din si Ben.


"Pa'no ka nakatakas?"


The ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon