NAKAUPO akong muli sa parehong silya na inupuan ko sa conference room nang mag-usap kami kanina ni Jackie Chan. Pero hindi na si Jackie Chan ngayon ang kasama ko sa kwarto.
"Kumusta ka na?"
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
"Wala kang pinagbago. Ang ganda mo pa rin."
Ni hindi ko alam kung pa'no ako nakabalik dito sa kinauupuan ko sa conference room.
"Okay ka lang ba? Hindi kita napapanood sa TV. Hindi ka na rin nag-a-update sa Instagram mo."
Gusto ko man siyang sagutin ay hindi ko magawa. Parang naubos na ang lahat ng energy ko pagkakita pa lang sa gwapo niyang mukha.
"Selene..."
Napaka-tantalizing pa rin ng mga mata niya. 'Yong parang may mga sariling buhay na inaakit ka kahit hindi naman 'yon ang intensyon ng nagmamay-ari sa kanila.
"Pwede ko bang hawakan ang mga kamay mo?"
Hindi ako sumagot pero hinawakan pa rin niya ang kamay ko. At para akong wire na isinaksak sa isang outlet na biglang pinalibutan ng kuryente.
"Ben," sa wakas ay may lumabas ng tinig sa bibig ko. Akala ko ay puro hangin lang ang ilalabas nito. Mula sa mga kamay ko ay lumipat ang mga mata niya sa mga mata ko. "Anong nangyari sa'yo?"
Nagtataka ako kung bakit hindi ko siya niyayakap kahit na iyon ang lagi kong naiisip na agad gagawin kapag nakita ko siya. Siguro ay mas nangunguna lang 'yong kagustuhan kong malaman kung anong nangyari sa kanya, kung safe na ba siya, at kung hindi na ba uli kami magkakahiwalay pa.
"Hinuli ako kasabay ng paghuli kay Olive Oil. Ikinulong kasabay ng pagkulong sa kanya. Hindi ko naman masisisi ang pulisya dahil tulad ni Olive Oil, isa rin akong kriminal dahil naging magnanakaw ako."
"Pa'no ka nakawala? Tumakas ka ba? Tsaka, 'di ba maraming bayaran si Olive Oil sa gobyerno? Pa'no kung makawala siya? Babalikan niya ba tayo?"
"Patay na si Olive Oil."
"Ha?!"
Daig ko pa ang kinakatay na manok sa lakas ng boses ko dahil sa gulat sa narinig. Parang nabawasan kung 'di man tuluyang nawala ang pangamba ko sa dibdib. Hindi naman sa masaya ako sa kamatayan ng lalaki pero alam kong babalikan at babalikan nito si Ben. At hangga't hindi ko nasisiguro ang kaligtasan niya ay hinding-hindi mawawala ang aking pangamba.
"Someone assassinated him. Malamang na mga alipores din niya ang may gawa. Takot na magsalita si Olive Oil tunkgol sa kanila."
BINABASA MO ANG
The Thief
Mystery / ThrillerHi. Ako si Selene Mendez. 26 years old. Popular actress. Bata pa man pero inisip ko nang mag-retire sa showbiz dahil kontento na 'ko sa accomplishments ko. Lalo na nang kunin ako ni Jackie Chan bilang isa sa main actors sa susunod niyang pelikula...