"MAMA Chix. Gising!"
Inalug-alog ko ang balikat ni Mama Chix para magising siya. Nang idilat niya ang mga mata ay mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil siguradong sisigaw siya nang malakas. Ayoko pa namang malaman ng mga kidnappers namin sa labas ng kwarto na gising na kami.
"Nasaan tayo?" bulong ni Mama Chix.
"Hindi ko alam. Pero may pumasok kanina ditong maliit na lalaki at tiningnan kung gising na tayo. Nagkunwari akong tulog."
Dahan-dahan kaming umusod ni Mama Chix palapit ng pinto at sumilip sa maliit na butas nito. Anim na tao ang nasa labas.
"Selene, mamamatay na ba tayo? Ayoko pa Selene. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makita ang mga magiging apo ko sa'yo."
"Mama Chix, kumalma ka nga. Hindi tayo mamamatay. Ibibigay ko kung anong gusto nila." Bigla kong naisip ang pera ko sa stock market. Handa akong ibigay lahat ng pera ko mabuhay lang kami ni Mama Chix.
"Sino ba ang mga taong 'yan? Bakit hindi sila mga pangit? 'Di ba laging pangit ang mga kidnappers?"
Umiling-iling ako sa tinuran ni Mama Chix. Hindi ko alam kung natatakot ba siya o ano. Masyado niyang in-a-apply ang pelikula sa totoong buhay. Pero tama naman siya. Bukod sa maaayos ang hitsura ng mga tao sa labas, wala rin akong nararamdamang masama vibe mula sa kanila. Hindi sila naninigarilyo o umiinom ng alak. Hindi rin sila nag-do-droga o naglalaro ng baraha. Kumakain sila ngayon na parang isang pamilya. Sino ba sila?
"Uy, gwapo 'yong isa, oh. Nakita mo? 'Yong blonde 'yong buhok? Mukhang british. Parang 'yong jowa ni Iza Calzado. Sigurado, siya ang boss."
Pinakatitigan ko nga ang lalaking blonde ang buhok. Gwapo nga. Matangkad. Hindi naman kaputian pero hindi rin moreno. Mukhang batak ang katawan. Sigurado rin ako na sa loob ng white t-shirt niya ay six-pack abs. And God knows what's inside his black pants.
Marahan kong pinagsusuntok ang sentido. Bakit ganito ang mga pumapasok sa isip ko ngayong nasa peligro ang buhay ko? Gano'n na ba ko ka-tigang sa lalaki? Sabagay, limang taon na rin ang nakalilipas simula ng magka-nobyo ako. Pagkatapos akong saktan ng hinayupak kong ex ay nagfocus na ko sa career ko at sa pagtulong sa mga maralitang Pilipino.
"Tingnan mo 'yong matandang babae na nag-aahin ng pagkain. 'Di ba parang pamilyar siya? Hindi ba nag-artista 'yan?"
"Hindi ko po makilala, Mama Chix. Dapat ikaw ang nakakaalam kasi parang magka-edad kayo, eh."
"Hoy! Halata namang mas bata ako dyan, 'no?"
"Halata ring mas bata sa 'kin 'yong dalawang 'yon. Kita mo 'yong babae at lalaki? Parang mga teenager pa lang. Isang pamilya ba 'tong mga 'to?"
"Mukha nga. 'Yong matandang babae ang lola o nanay nila. 'Yong gwapong lalaki ang kuya at siyang bumubuhay sa kanila. Pagkatapos, bunso o kambal 'yong magkatabing babae at lalaki. 'Yong payat na lalaki na maitim katulong nila. Kung meron mang mukhang masama sa mga 'yan, 'yong maliit na lalaking mataba at punung-puno ng pimples ang mukha. Teka," hinawakan nito ang kanang mata. "Parang 'yon ang sumuntok sa 'kin kanina, ah."
BINABASA MO ANG
The Thief
Mystery / ThrillerHi. Ako si Selene Mendez. 26 years old. Popular actress. Bata pa man pero inisip ko nang mag-retire sa showbiz dahil kontento na 'ko sa accomplishments ko. Lalo na nang kunin ako ni Jackie Chan bilang isa sa main actors sa susunod niyang pelikula...