Kabanata 2

30 3 0
                                    

Serendipity Raine Donacao

Maaga akong pumasok sa University namin dahil ako ang may hawak ng susi. Mahirap na baka mapagalitan pa ako.

Pagpunta ko don ako palang ang tao. Kase yung isa ahas. Tss kawalang gana. Inirapan ko sya at dirediretsong binuksang ang pinto. Pero bago pa man ako makapasok hinawakan nya ang braso ko.

"Raine, may problema ba bat di nyo ko pinapansin nitong mga nakaraaang araw. May mali ba akong nagawa? Kahapon naggala pala kayo di nyo man lang ako sinabihan. Nagtataka lng kami ni Mommy eh." Sabi nya habang inaayos ang buhok nya. Peste! Mananampal na ako! Hindi masamang mahalin ang nanay pero utang na loob 2nd year college na kami imma paden sya? Ugh!

Humarap ako ng maayos sa kanya at tinitigan sya.

"Hindi lahat ng bagay kailangan naming sabihin sayo." Malamig kong sabi sa kanya tska pumasok na sa room.

Naupo ako sa upuan ko at tiningnan ang cellphone ko. Nakita ko namang online si Alynna kaya agad ko syang chinat.

"Len. Pasok na." Sabi ko at hinintay ang reply nya.

"Wait. Nagsusuklay na ako." Sagot nya at nagpadala pa ng picture na may mukha nya. Nangasim naman ang mukha ko sa nakita ko. In-off ko ang phone ko at tumungo. Kainis. Sinira ni Jace ang araw ko. Si Jace ay dati naming kaibigan na ang tingin samin ay kopyahan lang. Lahat ng scores nya sa exam, tumataas dahil samin. Siniraan pa kami patalikod. At kung bakit di sya nahuhuli? Connections. Favoratism. Palibhasa prof ang nanay nya.

"Ang tagal mo!" Reklamo ko ng makita si Alynna.

"Traffic eh." Sabi nya habang binababa ang bag.

"Utot mo! Lapit lapit ng bahay nyo eh traffic ka dyan!" Sabi ko habang sya natawa naman. Napatingin sya sa may pwesto ni Jace at napairap nalang.

"Bitchy inside.." bulong nya at naupo na kasabay ng pagkalikot sa phone nya.

Maya maya dumating na si Angie kasunod si Bianca.

"Annyeong (hello)." Sabi nya habang nagpapacute. Iwww!

"Kadiri ka oy!" Bulyaw ko sa kanya.

"Late na naman si Sica." Ani Bianca at umayos na sa upuan nya.

"Ano pa nga ba? Malamang anong oras nanaman natulog yon kakawattpad naadik na sa mga billionaire" Sabi ni Angie sabay irap.

"Tigilan mo nga yan Angie! Para kang tanga di ka naman marunong umirap! Piling ka ah" Malakas na sabi ni Alynna. Skandalosa talaga to aba. Buti na lng wala pang masyadong tao.

Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga kaklase namen.

"Aba, Wala pa rin si Sica? Anong oras na ah?" Mahinhin na sabi ni Bianca.

"Ano ka ba Bianca! Di ka pa ba nasanay? Baka nga maliligo pa lang yon eh" Sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko.

"Sabagay."

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na rin ang Prof namin sa Filipino. Patay! Thursday nga pala ngayon terror pa naman to si Ma'am Berdan. Nagkatinginan na lang kaming apat dahil alam na namin ang mangyayari kay Sica.

Napatigil sa pagsasalita si Ma'am Berdan sa harap ng biglang bumukas ang pinto ng room namin. Masama nyang tinignan ang taong nasa pinto na hindi man lang kumatok bago pumasok.

"Aba Ms. Biason! Aga natin ngayon ah!" Sabi ni Ma'am habang plastik ang ngiti.

"Ah Hehehehe Puti mo ngayon Ma'am ah!" Naaninag kong palihim na natawa si Alynna kaya naman pasimple ko syang sinipa sa paa at pinandilatan ng mata. Tinakpan nya naman agad ang bibig nya at humarap sa pinto.

"Ano't ngayon ka lang? Maaga ka para bukas." Sarkastikong tanong ni Ma'am Berdan.

"Ah eh.. wala po akong masakyan Ma'am?" Palihim akong nagpigil ng tawa dahil sa painosenteng muka ni Sica.

"Sige maupo ka na." Tugon ni Ma'am na agad naman sinunod nung isa. Nagstart na magdiscuss si Maam at umayos na kami lahat.

"Pst! Bat ka late? Di ako naniniwalang wala kang masakyan.." bulong ni Alynna kay Sica.

"Nagbasa ako ng billionaire kagabi. Grabe ang possesive ni Boy." Rinig kong sabi ni Sica na kinikilig pa.

"Hoy nagdidiscuss si Ma'am!" Pabulong kong suway sa kanila. Tumigil lang sila at nagpatuloy lang ako sa pakikinig.

After ng dalawang oras natapos din si Maam sa discussion. Sumunod ang next subject na Phil His kung saan lahat kami ay inaantok. Napasulyap naman ako kay Bianca na tila ba inaantok na din at tumungo na dahil di na kinaya. Si Angie naman kanina pa tulog. Si Sica nagsecellphone kahit kaharap ang Teacher. Tss tigas muka talaga. Samantalang si Alynna naman ay kunot noo at halos walang kurap na nakikinig kay Prof Julie. Nagkaganyan lang sya nung makabasa ng History Fiction na libro. Pero dati yan ang numero unong natutulog kapag history subject na. Feeling nya daw sya yung character sa nabasa nya dun sa story na napunta sa nakaraan at babaguhin ang tadhana ng isang binibining nakagawa ng kasalanan at dun sya makakatagpo ng maginoo na mamahalin sya kahit galing pa sila sa magkaibang panahon hayyyy... Imagination nitong kaibigan ko sarap nang batukan eh.

"Pst Raine. Paano kung mapunta tayo sa ibang dimension one day, anong gagawin mo?" Sabi nya habang kagat kagat ang ballpen nya at walang kurap na nakatitig sa projector. Bigla namang nagising ang diwa ako at kinurot sya.

"Puro ka kabaliwan. Makinig ka na nga lang." Pabulong kong sigaw sa kanya.

"Nagtatanong lang ako. Hindi yon imposible. Duhh." Sabi nya habang umiirap.

"Hindi bagay sayo tanga." Inambaan nya naman ako ng suntok at ganun din ako sa kanya. Napatingin naman samin si Sica at tinaasan nya kami ng kilay.

"What the hell are you guys doin'? Para kayong tanga!"Sabi nya habang hawak ang cellphone nya. Natawa nalang kami pareho ni Alynna at nakinig na sya.

Nangalumbaba ako at napatitig sa projector. Sa totoo lang kagabi ko pa iniisip ang tungkol sa Maxfiy. Bakit parang masyadong misteryoso yung school. Ayoko mang maniwala sa sinabi ni Angie pero gag* nalang siguro yung may ari kung lolokohin nya yung mga tao diba?

"Class dismissed." Parang may sarili buhay yung pwet ko at agad na napaangat ng marinig yung salitang dismissed. Nagsitayuan na din yung mga ka-blockmate namin at dumiretso na papuntang cafeteria.

"Bilisan mo dyan uy." Sabi ni Angie kay Bianca na inaayos ang gamit nya.

"Wait lang kasi!" Sabi ni Bianca na ikinatawa ko dahil maliit yung boses nya tapos sumisigaw pa sya.

Natapos sya pag aayos ng gamit nya at lumabas na kami para pumunta sa cafeteria.

"Guys iihi lang ako." Paalam ni Alynna sabay takbo.

"Ano ba yan!" Reklamo ni Sica kay Alynna at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad papuntang bench. Ganto kami, kapag wala yung isa, hihintayin ng lahat bago gawin ang isang bagay. Naupo kami sa waiting area at doon inantay ang taong inidoro na si Alynna.

~~~~~~~~

Forbidden History Where stories live. Discover now