Kabanata 4

18 2 0
                                    

Angielyn Mae Fausto

Sabay sabay kaming pumunta sa dati kong school at dumiretso sa may lawa.

"San may cr? iihi ako."Tanong ni Sica.

"Sa dulo dun sa bahay na creepy." Sabi ko habang nginingitian sya ng nakakaloko.

"You bitch!" Tinawanan ko nalang sya dahil nabakas ko na hindi sya natutuwa sa sinabi ko.

"Tara ihi tayo huehue!" Hyper na sabi ni Alynna. As if iihi talaga sya? As far as i know kaya yan nagyayaya ng ganyan ka-hyper dahil may gagawin yang kalokohan. I mean, may gagawin NA NAMAN syang kalokohan

"Iihi ka talaga?" Tanong ko habang hindi pinapahalata ang naiisip ko.

"Hehe oo." Sabi nya habang mahigpit na hinahawakan ang bag nya. Tss. May laman yong pintura pustahan.

"Sige.. Sasamahan kita.. Dun sa lugar kung saan walang ibang makakarinig ng sigaw mo.." sabi ko at nginisihan sya. Nawala naman ang ngiti sa muka nya na ngayon ay biglang nabalot ng kaba.

"Tsk! Huwag ka ngang ganyan!" Sabi nya habang lumalayo saken. Tiningnan ko si Bianca at nakangiti lang sya ng nakakaloko sa ginagawa ko. Lumapit ako kay Alynna at hinawakan ko ang balikat nya sabay labas ng gunting mula sa bulsa na ikinabago ng ekspresyon ng mukha nya.

"Matalas yung gunting.. Pwede nang pansaksak tska panghiwa." Sabi ko habang nakangisi padin.

"Angielyn Mae kase naman eh. Kayo kaya ang takutin dyan!" Sabi nya habang isang dipa na ang layo mula samin ni Bianca. Natawa nalang kami dahil sa taglay nyang kaduwagan.

"Iihi ako!" Sigaw ni Sica.

"Edi umiihi ka! Dyan ah sa lawa!" Sigaw ni Raine na sinundan nya ng walang tunog na tawa. Nahawa nalang kami ng halakhak ng marinig naming tumawa si Bianca.

"You bitches.." duro samin ni Sica.

"Oy.. Iihi kase ako.." seryoso nyang sabi kaya sinamahan na namin sya sa may maliit  bahay malapit sa pinagtatambayan din naming bahay.

"May tao?" Tanong nya.

"Wala ngang nakatira diba?" Sabi ni Alynna na hinihila ang braso ni Sica at Raine papalapit sa dun sa bahay.

"Uy tangi nakakatakot sya." Sabi ni Sica at akmang hahakbang pabalik sa tambayan namin pero hinarangan ko sya.

"Paiihiin ka talaga sa cr nyang takot mo eh noh?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Sumimangot lang sya at lumakad na ulit papalapit dun sa bahay.

"Whaaaaa! Wrong turn!" Sigaw ni Alynna.

"Paano kaya kung may wrong turn noh? Tapos may mga dala dala silang chainsaw at palakol. Tska itak! Whaaaa! Im gonna run! Dashi run run run!" Sabi nya habang binigyan pa kami ng sample sa pagsayaw. Nangasim naman ang mga mukha namin sa nakita namin lalo na si Sica.

"Oo tapos ikaw yung unang unang kakainin satin." Sabi ni Bianca na ikinatawa naming lahat. Nag pout lang si Alynna na lalong ikinaasim ng muka ko.

"Iw di bagay." Sabi ko at tumawa lang sya. Naglakad lang kami hanggang sa narating namin ang maliit na bahay sa dulo ng lawa. Yung pinagtatambayan kase namin nasa gitna tapos kita sya ng mga tao, eto kase tago tapos natatakpan ng mga puno puno at medyo masukal ang labas.

"Baka may ahas ah?" Tanong ni Alynna.

"Baka may psychopath ah?" Sagot ko at nginisihan sya. Inirapan nya lang ako at kinatok ang pinto.

"Tao po. Makikiihi lang po.. Tao po?" Sabi nya. May naaninag naman akong parang tao sa loob kaya sinilip kong mabuti. Kinusot ko ang mata ko at tiningnan muli ang bintana na basag na ang salamin. Sa ikalawang pagkakataon ng pagsilip ko, wala na akong nakita. Baka namamalikmata lang ako.

"Wala namamg tao eh. Saan ako iihi?" Tanong ni Sica habang hawak ang puson nya.

"Makiihi nalang tayo sa canteen baka pwede magsabi tayo." Sabi ko habang papahakbang pabalik. Tumataas ang balahibo ko sa lugar na toh. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

"Yun naman pala eh. Bakit pa tayo pumunta dito?." Reklamo ni Raine.

"Aba yan ah si Alynna-"

"Guys bukas na yung pinto." Naputol ang sasabihin ko nang biglang sumabat si Alynna. Lumingon ako at nakita ko sya sa tapat ng pinto na hanggang tenga ang ngiti.

"Pasok na us? Ihi na you?" Maloko nyang sabi habang nakangiti.

"There was never an us. And there will never be an us." Malamig na sabi ni Biamca habang papasok ng bahay.

"Edi wala duhh." Sabi ni Alynna at sumunod na kay Bianca papasok. Sumunod naman si Sica at agad hinanap ang banyo. Napalingon naman ako kay Raine na kanina pa tahimik mula nang makarating kami dito. Ramdam kong hindi din maganda ang nararamdaman nya. Tahimik lang syang nag oobserba sa paligid nang bigla syang magsalita.

"Sabihin mo kay Sica bilisan. Palabasin mo na si Bianca at Alynna. Bilisan mo." Sabi nya habang nakatingin lang sa paligid. Hindi sya tumitingin sakin. Napasulyap nalang ako sa kalangitan at napansin kong medyo kumulimlim samantalang kanina tirik na tirik ang araw.

"Hindi ka papasok?" Tanong ko at tanging iling lang ang sinagot nya habang nakatingin padin sa paligid.

Nagmadali akong pumasok sa loob at nakita kong may tinitingnan si Bianca na mga pictures. Seryoso syang nagmamasid sa mga taong nasa litrato na parehong hindi naman namin kilala. Napukaw ang atensyon ko sa luma at makapal na kwaderno na nakalagay sa may ilalim ng maliit na tukador na sa unang tingin ay mapapagkamalang libro. Kukunin ko sana ito para tingnan kubg anong nakasulat ng may magsalita sa likod ko.

"Hindi nyo dapat ginagalaw yan." Nakita kong seryosong nakatingin si Raine sa kwaderno at samin.

"Umalis na tayo dito. Mukang uulan pa yata. Nasaan si Alynna at Jessica?" Tanong nya at kibit balikat lang ang sinagot ko. Naglakad sya paakyat sa tatlong baitang na hagdan at sumunod naman kami ni Bianca. Naabutan naming nagtatalo doon si Alynna at Jessica.

"Tara na kase mapapagalitan tayo ng may ari sa ginagawa mo eh." Suway ni Sica kay Alynna at tinapon ang pintura nito sa may gilid.

"Konti lang naman eh." Katwiran ni Alynna at kinuha muli ang pintura sa bag nya pero nahablot agad yon ni Sica at tinapon ulit sa mas malayo.

"Alynna wag nang pasaway!" Galit na tugon ni Sica at wala nalang nagawa si Alynna kundi sumunod.

"Alynna napaka pasaway. Pag tayo naabutan ng ulan ainasabi ko sayo masasapak kita." Sabi ni Raine at nakita ko naman si Bianca na sinisipat parin ang bawat sulok ng buong bahay May iilang dahon na nakakalat sa sahig, mga dingding at kahoy na inaanay na, at bintanang sira sira.

Pababa palang kami ng biglang may narinig kaming ingay. Napatitig kami sa may pinto na unti unting lumilikha ng tunog na kalaunan ay kumalabog na sa lakas ng pagkakasara.

"Hindi! Hindi! Hindi! Wag!" Sigaw ni Raine at patakbong kinalabog ang pinto at pilit itong binubuksan. Nataranta na kaming lahat. At nagsitakbuhan papuntang pinto.

"Buksan nyo toh! Tulong!" Sigaw ni Raine at kinakalabog ang pinto. Lahat kami nagbabakasakaling sa ginagawa namin ay makalabas kami. Agad nagdilim ang buong paligid at umulan ng malakas kasabay ang pagdagundong ng kulog at matatalim na kidlat. Pumasok ang ilang tubig ulan mula sa bubong ng bahay dahil may butas na ito.

"Nababasa tayo!" Sigaw ni Alynna habang patuloy ang pagkalampag sa pinto. Maya maya lang buong pwersang hinila ni Raine ang doorknob at nasira ito dahilan ng pagbukas ng pinto. Kasunod nito ang pagtigil ng ulan maging ng kulog at kidlat. Agad kaming lumabas at agad kaming nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay ligtas na kami. Napalingon ako sa paligid at nag obserba. Teka bat parang may mali, Maxfiy ba toh?

~~~~~~~~

Forbidden History Where stories live. Discover now