Serendipity Raine Donacao
Nagbalik kaming magkakaibigan sa sala at naupo ako sa tabi ni Ate Serene. Tahimik lang akong nagmamasid sa bahay nila at hindi sya kinakausap. Eh ano ba kaseng sasabihin ko sa kanya diba?
"Uy mag usap naman kayo lahat kami dito nagdadaldalan eh." pabibrong sabi ni Angie at tumawa sila ni Ate Lyn. Dinedma ko lang sila at nagpatuloy sa pagmamasid sa bahay. Maya maya hinampas na ako ni Ate Serene. Sinimangutan ko sya at hinampas din.
"Anong problema mo?" tanong ko at kinurot nya naman ako. Gumanti ako at nagkurutan kami. Sakitan pala ah..
"Aray tang*na!" Sabi nya sabay hawak sa braso nya na sinuntok ko.
"Oh ano baket ha sinong nauna?" Maangas kong sagot gumanti ulit sya at ganon din ang ginawa ko. Kala nya ah. Hindi ako papatalo.
"What the fvck are you guys doing?" Napatigil kami at tumunghay. Nakita kong taas kilay na nagtatanong samin si Ate Celine at Sica. Tsk! Yung mag past self at future self na parehong maganda. Aruy.
"Eto kase ah nauna!" Dinuro ko si Ate Serene at pinanliitan sya ng mata.
"Oh baket ha binibiro ka lang eh!" Sabi nya habang ginagalaw yung bibig. Yung gawain ko kapag medyo naiinis ako na ano. Kaya kapag nakikita ako nung apat na ganun, natatakot na sila. Hehehe.
"Parang tanga.. Ay naku Ate Celine tara na nga iwan na natin yan parehong baliw." Sabi ni Sica at tinutulak palayo si Ate Celine. Aba loko toh ah! Sya baliw! Nuno nya!
"Yeah.. Ay tara may ipapakita ako sayo bilis!" Napangiwi nalang ako sa inakto ni Ate Celine. Kala ko pa naman ipagtatanggol nya ako kay Ate Serene yun pala pareho lang sila ni Sica. Si Sica nga talaga sya.
Humarap ako kay Ate Serene at natawa nalang kami pareho sa ginawa namin kanina. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya at pinisil ang braso nya. Hehehe antaba ni Ate Serene.
"Hindi ka ba magtatanong kung bakit kayo napunta dito? Kung anong gagawin nyo?" Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa tanong nya. Matapang akong tao pero hindi ko maiwasang matakot sa pamamalagi namin dito. Sa loob ng sampung buwan na mananatili kami dito, hindi ko itatangging nag aalala ako hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa mga kaibigan ko. Dayuhan kami sa panahong ito. Hindi namin kabisado ang mga pangyayari dito at mga tao dito. Hindi kami sanay. May kasama pa naman akong kay bata bata pa makakalimutin na. Ultimo bahay nakalimutan. Yung isa naman bubuyog na kagagaling lang sa break up. Matino naman sya eh, kaso mahirap na baka mapagkamalan pang grade 3. Yung isa naman madiskarteng bobita. Tapos yung isa sosyal na sus! English ng english. Bagay sya sa panahong toh. Hayst ka stress sila. Ako lang talaga matino samin. Tahimik ako pero nag iisip ako noh! Hindi lang talaga halata pramis.
"Raine tinatanong kita." Napabalikwas ako sa muling humarap kay Ate Serene na ngayon ay hinihintay ang sagot ko. Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim bago sumagot.
"Bakit ano bang gagawin namin dito? Baka nga nananaginip lang kami eh. Hirap paniwalaan." Sininghalan nya ako at humarap ulit sakin. Totoo naman kase eh aba! Ang hirap talagang paniwalaan. Sino ba naman kaseng tanga ang mapupunta sa ibang panahon diba? Sa movies at libro lang naman nangyayari tong nangyari samin.
"Maniwala ka na. Maniwala na kayo. Hindi naman siguro kami tanga para iprank kayo diba? Hindi pati kayo nananaginip. Gusto mo sampalin pa kita para malaman mong gising ka eh." Grabe naman tong si Ate Serene ang brutal masyado.
"Oh ano?" Inambaan nya ako ng sampal pero nakaiwas ako. For sure malakas yan manampal. Siguro naman volleyball player sya dati diba? Kase volleyball player ako noh. Ako sya.
"Oo na naniniwala na ako. Kahit sobrang hirap. Bakit ba kami ang napili nyo? Bakit hindi nalang iba?" Nanliit ang mata nya at ginalaw galaw ang bibig nya. Hehehehe naiinis siguro sya. Ghad! Natatawa ako.
YOU ARE READING
Forbidden History
Mystery / ThrillerSa mata ng karamihan isang simpleng eskwelahan lamang ang Maxfiy Academy. Maganda ang turo, mababait ang mga guro subalit may kaakibat na malaking sikreto. Limang mag-kakaibigan ang sumubok na alamin kung ano ang tinatago ng paaralan na ito. Samaha...