Kabanata 8

29 1 0
                                    

Alynna Faith Rio

Nagising ako ng hating gabi dahil nakaramdam ako ng uhaw. Tumayo ako at nag unat. Sinilip ko ang orasan at nakita kong 3:19 na. Hindi na pala hating gabi. Madaling araw na pala. Sinilip ko ang mga kaibigan ko at lahat sila pare parehong mahimbing ang tulog. Si Raine, yakap yakap ang unan nya. Si Sica, naka earphone habang balot ng kumot. Si Angie naman nakadapa at nakadantay sa unan habang si Bianca naman ay mahinang humihilik. Napangiti nalang ako sa kanila at nagdesisyon nang lumabas ng kwarto.

Malamig ang sahig at medyo malamig na ang hangin dahil  madaling araw na. Nagsuot ako ng tsinelas at dumiretso sa kusina. Ang dilim ng buong paligid at may hamog pa sa labas. Naglakad ako sa maiksing pasilyo at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Naupo ako saglit at inisip ulit ang kwentuhan namin ni Ate Faith kanina.

*Flashback*

"Ate may tanong ako. Bakit hindi drawer ang tawag sa taong magaling mag drawing?" Tanong ko sa kanya. Nagpipigil ako ng tawa. Kunot noo syang humarap sakin at sabay hagalpak ng tawa. Natawa na din ako. Yan gusto ko sa kanya eh, pareho kaming joker. Hahahaha!

"Anong tawag sa prito ng mga taga France?" Tanong nya habang tunatawa padin.

"Ano ate? Hahaha." Tanong ko. Nagkatinginan kami at sabay na tumawa.

"Edi french fries! Hahahahaha!" Natawa nalang din ako at ganun din sya. Nag apir kami at nang mahimasmasan kaming dalawa. Doon na ako nagsimulang seryosong magtanong sa kanya.

"Ate Faith? Ano bang klase ng misyon ang gagawin namin?" Tanong ko.

"Huwag kang tanong ng tanong. Kayo nalang ang tumuklas. Mas magandang kayo mismo ang makatagpo ng bagay na hindi nyo pa alam kaysa sa magpasabi kayo sa iba." Sabi nya. Naninibago lang ako kase parang mga hindi sarili namin yung mga kausap namin. Lahat sila nakikipag biruan pero halatang responsable na at mas nag matured.

"Magtitino ka din Alynna. Dadating din yung panahon na malulusaw na ang pagiging isip bata mo at tatak na sa isip mo na ikaw ang pinakamatanda sa kanila. Kailangan nyong protektahan ang isa't isa lalo ka na, pag aralan mong protektahan sila hindi yung sila pa ang poprotekta sayo. Mahiya ka naman hoy!" Sabi nya sakin. Parang tumagos sa puso ko yung sinabi nya. Hindi naman ako isip bata ah! Medyo medyo lang.

"Ows talaga? Hindi ka isip bata? Kahit sabihin mong medyo ka dyan may parte padin sayo na immature ka. Learn to accept everything. Hindi yung mamimilit ka. Masakit ang pilit Alynna kaysa pigil tandaan mo yan." Diretso syang nakatingin sa mata ko at hindi ko naman magawang tumitig sa kanya.

"H-hindi kaya ako namimilit. K-kelan ko yon ginawa?" Nauutal kong tanong. Kinakabahan ako. Baka kase sabihin nya--

"October 29 2016..." Kumabog ang dibdib ko sa binanggit nyang petsa. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Araw kung kelan mo pinilit si Marlon na magustuhan ka at maging kayo." Malamig nyang sabi. Napatungo ako dala ng hiya. Pitong araw makalipas ang birthday ko, umamin ako kay Marlon at pinilit ko syang magustuhan ako at ligawan ako. Oo alam kong mali at malandi yung ginawa ko. Pero hindi nyo ko masisisi. Gusto ko si Marlon eh.

"Mali yang pangangatwiran mo. Ayos lang naman na magkagusto ka sa isang tao but to force him or her to love you is definitely not okay! Alam kong ginawa ko din yon, kaya pinapaalalahanan ko ang nakaraan ko para hindi na maulit sa pangatlong pagkakataon ang pagkakamaling yon." Mabilisan kong pinunasan ang luha ko at humarap sa kanya.

"Sa misyon nyo, may mga bagay na hindi nyo inaasahang mangyayari pala. Hindi lang sayo kundi pati na rin sa kanila. Matuto kayong tanggapin ang katotohanan at magpakatatag. Hindi madali ang maging dayuhan sa ibang panahon lalo na kung bilang mo ang mapagkakatiwalaan nyo at may pasan pa kayong misyon. Kaming lima lang din ang mapagkakatiwalaan nyong magkakaibigan." Seryoso nyang sabi. Ang matured nya na talaga. Para na syang nanay mag isip. Medyo natahimik pati sya at mahina magsalita. Napaka understanding pa at marunong nang magpaubaya. Hehehehehe samantalang ako taliwas.

Forbidden History Where stories live. Discover now