Kabanata 9

19 1 0
                                    

Angielyn Mae Fausto

"Lyn! Ay ang gandang bata naman nyang kasama mo. Ka ganda pa ng balat." Sabi ng tindera na binibilhan namin ng red bell pepper. Gusto ko sanang mahiya ng bigla akong siniko ni Ate Lyn at dinilatan ng mata. Nababasa ko sa kanya ang salitang 'Magthank you ka naman hoy!' Kaya lang hindi nya kayang sabihin pasalita.

"Salamat po Ate." Nahihiya kong sabi. Jusko nahihiya akooo...

"Huwag kang pabebe." Matipid nyang sabi. Ramdam kong pinagsasabihan nya ako. Aba hindi naman ako nagpapabebe ah. Sadyang hindi lang ako sanay ng sinasabihan ng compliment sa harap ng sobrang daming tao. Tapos di ko pa kilala. Nakakahiya kaya. Mahiyain ako. Hehehe.

"Mauna na po kami ng anak ko." Nag bow sya at umalis na kami. Nagtataka lang ako. Bakit parang ngayon lang sila nakakita ng ganitong itsura ng tao? Yung morena? Wag mo sabihin.... shet magpafangirl na naman ako.

"Iniisip mo lahat sila Vampire?" Taas kilay na tanong ni Ate Lyn. 

"I can't help myself, Ate Lyn. It's just that, ahm, parang ngayon lang sila nakakita ng morenang tulad ko. Tapos parang lahat ng tao dito maputi." Diba? Ang mga vampire mapuputi, ano bang malay natin?

"Angie, napunta lang kayo sa future hindi sa ibang mundo." Napangiwi ako at napagtantong tama naman siya. 

Hindi ko na lang pinansin pa si Ate Lyn at nagpatuloy na lang kami sa pamimili. Para makauwi kami agad at syempre makakain. Foods omoooo.

Pagkatapos ng ilan pang pagikot sa Public Market ay natapos din kami sa wakas. Umuwi na kami at agad naman akong naupo sa sofa. Nakakapagod kaya! Hindi nga mainit kasi air-conditioned kahit public market, e nakakapagod naman magpaikot-ikot. 

"Oy Angie! Bakit parang pagod na pagod ka?"  Tanong sakin ni Raine at inabutan naman ako ng tubig ni Sica.

"Bes! Pakshet! Nakailang ikot kami dun sa public market, sinong hindi mapapagod?" Pagrereklamo ko sa kanila.

"Hindi ka lang talaga sanay." Walang facial expression na sabi ni Bianca habang nakatingin sa bintana na may tila pinagmamasdan dahil sa paniningkit ng mata nito.

"Anong tinitignan mo diyan?" tanong naman ni Alynna. Nakakapagtaka nga naman kasi.

"Wala. May nakita lang akong gwapo." Agad niyang sagot at umupo na.

"Jinjja?!(Really?!)" Nagtayuan kami bigla at agad na sumilip sa bintana maliban kay Bianca.

 "Wala naman bessie e." Nagpapapadyak na ingit ni Sica kay Bianca. "Are you trying to make a fool on us?"

"Naniwala naman agad kayo." At humagalpak ng tawa si Bianca. 

Nababaliw na ata tong kaibigan namin jusko. Akala ko naman siya na lang ang matino samin. Hindi pala. Well, halos lahat naman dito gwapo dahil maputi pero gusto ko yung moreno gaya ni Ken---- nevermind! Erase Angie! Erase! Mas gwapo naman dun si Alex--- aish! Nevermind ulit! Hindi mo dapat sila isipin Angie! 

"Sinong hindi dapat isipin?" Napapitlag naman ako sa biglang pagsasalita ni Raine sa tabi ko.

"Wala." Ayoko namang aminin na iniisip ko yung dalawang yon. Noooooo way!

"Si Kennedy ba? o baka naman si Alexander?" Walang preno na sabi ni Alynna. Hay! Ang babaeng to talaga. Si Ken at Alex ay pareho kong ex-bestfriend na ako tong si tanga, nagkagusto. 

"Look guys! She's blushing!" Parang patili na saad ni Sica. "So tell us Angie. Sino ba sa dalawang cute guys ang talagang gusto mo?"

"Wala sa kanila." Nag-iwas ako sa mga nanunuring mata nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden History Where stories live. Discover now