Stefanie Bianca Asutilla
Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng pinto dahil kagagaling lang namin sa cafeteria.
"Eh kase class.." Malalim na tugon ni Alynna kasabay ng pagkampay ng kamay nya. Hilig nya ang gayahin si Prof Joseph na Algebra teacher namin. Pilit kaming nagpipigil ng tawa habang sya patuloy padin.
"Masama yon. Huwag kayong mangongopya kase bad yon.." sabi nya habang mabilis na hagalpak ng tawa. Maging kami ay natawa din dahil sa paghalakhak nya. Maya maya sumulpot sa pinto si Prof Joseph ng hindi nya napapansin. Hindi namin sinabi na nandyan na si Prof at hinayaan lang namin sya sa kabaliwan nya.
"Wala tayong klase ngayon class kase may gagawin ako. Walang makulit walang lalabas mapapagalitan tayo ng Dean, hane?" sabi nya habang tumatawa paden.
"Whaaaaa owemji! HAHAHAHAH!"sabi nya habang nakahawak sa tyan. Unti unti syang lumingon sa likod at dun na kami humagalpak ng tawa ng makita nya si Prof na nagtatakang nakatitig sa kanya kanina pa.
"Rio may problema ba?" tanong ni Prof sakanya habang sya gulat na gulat at di malaman ang magiging reaksyon.
"Sir! Pogi nyo ah! Hehehehehe.." tawa nyang pilit at pilit kinukumbinsi si Prof na huwag nang magtanong.
"Pasok na kayo class may activity tayo.." sabi ni Prof at hindi na tinanong si Alynna. Nkahinga naman sya ng maluwag ng hindi na sya usisain ng Prof namin. Natawa nalang kami ng makita sya.
"Muntik na ko don ah." Sabi nya habang hawak ang kanyang dibdib.
"Yan kase kalokohan mo." Sabi ni Raine habang natatawa padin.
Naupo na kami at nagsimula nang magdiscuss si Prof.
--------------------------
"Hoy bat di nagsasagot!" Napatingin ako kay Raine at tiningnan ko din kung saang direksyon sya nakatingin. Paglingon ko, nakita ko si Alynna na nakataas ang paa at tinititigan lang ang activity paper.
"Magsagot hoy. Ipapasa yan ngayon." Kalmado kong suway sa kanya. Tiningnan nya lang ko ng walang ekspresyon at umayos ng pagkakaupo.
"Ayoko hindi ko yan alam." napangaumbaba sya at inayos ang salamin nya.
"Magsagot ka na tuturuan ka namin." Pamimilit ko pero sa huli nagsagot din sya.
"Hindi ko toh alam!" reklamo nya at tiningnan lang sya ng masama ni Angie.
"Bala ka dyan!" sigaw nya sabay talikod. Napakamot ulo nalang sya at napailing nalang ako. Nung makatapos ako tinuruan ko sya at awa ng diyos nakatapos din sya sa activity.
----------
"Free time?!" Tanong ni Jessica kay Charles.
"Oo eh wala si Maam.." sabi ni Charles habang hawak ang cellphone nya. Puro moba.
"Gala ba tayo?" tanong naman ni Angie.
"Tara Maxfiy tayo!" sigaw ni Alynna.
"Walang.." sabi ko habang tinititigan sya.
"Oo na!" sigaw nya saken. Sabay sabay kaming naglakad palabas ng campus at sumakay sa trycicle na service namin. After naman nung last subject uwian na eh.
"Kuya Dilaaaaaw! Maxfiy po!" Maingay na sabi ni Alynna.
"Bianca dito ka na maliit ka eh!" Tawa ni Jessica. Sabay sabay silang tumawa habang ako sinamaan lang sila ng tingin. Maya maya pa ay narating na namin ang dating school ni Angie. Nagbayad kami at bumaba na. Dumiretso kami sa loob at doon nagpahinga saglit sa may canteen.
YOU ARE READING
Forbidden History
Gizem / GerilimSa mata ng karamihan isang simpleng eskwelahan lamang ang Maxfiy Academy. Maganda ang turo, mababait ang mga guro subalit may kaakibat na malaking sikreto. Limang mag-kakaibigan ang sumubok na alamin kung ano ang tinatago ng paaralan na ito. Samaha...