Stefanie Bianca Asutilla
Naupo kami sa isang mahabang sofa at kasalukuyang umiinom ng... ano toh? Juice ba toh? Kulay blue eh. Baka mamaya lason toh ah.
"Hindi yan lason. Anong akala mo saken!" Sigaw nung babaeng kamukha ko. Sino daw sya? Future self ko? Lol muka nya.
"Ayaw mo talagang maniwalang ako ikaw?" Tanong nya sakin. Hindi ko naman sya nilingon at tiningnan lang ang bintana. Baliw ba sya? Ayoko nga maniwala!
"Edi huwag kang maniwala. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako baliw at kung mababaliw man ako ay mababaliw ka din." Sabi nya. Humarap ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Tinaasan nya din ako at inirapan. Tss. Pabibo.
"Nababasa ko isip mo at hindi ako pabibo share ko lang." Umupo sya sa tabi ko at ininom ang juice na nasa lamisita. Nanlaki naman ang mata ko at lalong nainis sa kanya.
"Ibalik nyo na kami sa panahon namin, madami pa kaming ipapasa bukas." sabi ko at tumayo pero hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ay nagsalita na sya.
"Hindi na kayo makakabalik pa sa panahon nyo." sabi nya habang nakatingin sa sahig. Gag* ba sya?! Anong hindi na? Eh anong gagawin namin dito? Tutunganga?! Aba eh loko pala toh eh ano fight me!
"Hindi kayo makakabalik sa panahon nyo sa oras na hindi nyo matapos ang misyon nyo. Mayroon kayong sampung buwan para magawa ang misyon." Tugon nung babaeng kamukha ko.
"Kayo nalang ang gumawa ng misyon iuwi nyo na kami!" sigaw ko pero hindi sya nakinig. Whaaaaa! Gustong gusto ko syang sampalin ng malakas lakas buset!
"Hindi namin gagawin ang misyon namin at sasabihin naming galing kami sa past! At ipagkakalat namin na kami ang past self nyo!" sabi ko at nagcrossed arms. Ngumisi naman sya at nag crossed arm din.
"Talaga? Kaya nyo? Oh sge gawin nyo, nang hindi na kayo makabalik sa taong 2018.." sabi nya at wala nalang akong ibang nagawa kundi ang mainis.
"Ayaw ko pa ring maniwala!" tugon ko sa kanya.
"March 13, 2018." Nanlaki ang mata sa sinabi nyang date. "Pagbukas mo ng cellphone, bumungad agad sayo ang text ni Jerome. At doon na kayo naghiwalay ng landas." Biglang nagbalik sa aking isipan ang alaala mg aking minamahal, ang alaala kong pilit na kinakalimutan.
"March 15, 2018. Ito ang araw kung kailan naging---" hindi ko na hinintay pang ituloy niya ang kanyang sasabihin dahil alam na alam ko
"Oo na! Tama na! Naniniwala na ko sayo, wag mo nang ituloy. Pakiusap." Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Lubos kong kinagulat ang sunod niyang ginawa. Niyakap ako.... ng aking sarili.
"Hindi iyan ang pinakamasakit na iyong, ninyo, na pagdadaanan sa larangan ng pag-ibig, hindi pa iyan. Kailangan niyong maging matatag." Ang mga katagang iyon? Para saan ang mga salitang kaniyang binigkas? Tinignan ko siya sa mata na tila nagtatanong. Umiwas siyang tingin na para bang alam na ang aking sasabihin. Lalo na lamang humigpit ang kaniyang yakap.
Natigil kami sa aming pagyayakapan ng makarinig ng isang kalabog. Napalingon kami sa pinanggalingan ng ingay at natagpuan ang mga painosenteng tingin nila. Napadako naman ang aming tingin sa tupperware na ngayon ay nasa sahig na at nagkalat ang lamang pagkain.
"Alam ko namang pagkain ang buhay niyo, pero hanggang dito ba naman?" Ngumiti na lamang sila ng nakakaloko at bumalik sa kinapupwestuhan nila kanina. Pumalit naman sa kanila ang mga future self na sinimulan agad na linisin ang kalat.
"Kain na tayo!" sabi ni ate Celine, future self ni Sica.
"Mamaya na tayo magusap-usap." seryosong saad ni ate Serene ang future self ni Raine.
Pinaupo nila kami sa isang mahabang lamesa na may limang bangko sa kanan at ganoon din sa kaliwa, at katapat namin sila ate.
"oh." sabi saakin ni ate Stef at binigay sa akin ang buntot ng isda.
ang weird na kilalang kilala niya ako ngunit kahit trabaho niya ay hindi ko malaman.
Nginitian ko na lamang siya at sinabihan ng aking pasasalamat. mamaya pagkatapos pag agawan ang tiyan ng isda ni Angie at ni Ate Lyn awa ng diyos ay natapos kaming kumain at nagpresinta akong mag hugas ng pinggan.
Hindi ko namalayan ngunit bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang itsura ng aking dating sinta na si Jerome. Kasunod nito ay ang paglitaw ng aming mga ala-alang di na nais pang balikan. Simula sa kung paano siya umamin hanggang sa kung paano kami nagtapos.
Flashback
"Bianca," Napatingala ako sa pinanggalingan ng boses. Si Jerome pala, yung long time crush ko. "Pwede ba kitang makausap?"
Napalingon ako kina Raine at tinanguan na lang nila ako.
"Sige." Maiksi kong tugon kahit sa loob ko ay nagwawala na ang aking puso.
Hinawakan niya ko sa kamay at nagsimula siyang maglakad sa kung saan man ay hindi ko alam.
Tumigil kami sa isang parang gubat sa likod ng school.
"Stefanie Bianca," Napatingin ako sa kaniya nang banggitin niya ang buo kong first name. "I don't know how to start or where to start pero Stef," Alam kong seryoso ang sasabihin niya dahil tinawag niya kong Stef, nickname na tanging siya lang ang tumatawag. "I like you."
Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya. I was stunned for a moment.
"You know what Je, hindi ko alam kung paano magrereact pero gusto ko ding malaman mo na gusto din kita. Matagal na." Napangiti siya sa sinabi ko.
"Matagal ko na ding alam." What?! Matagal na?! Pero paano niya nalaman?
End of Flashback
Napatigil ang pagbabalik ala-ala ko ng bigla na lamang akong niyakap nina Angie.
"Kanina pa nagdudugo yang kamay mo, okay ka lang ba?" Kaya pala parang ewan na nakapiki si Angie habang nakayakap sakin.
"Okay lang ako." Sabi ko sa kanila kahit alam ko namang alam nila na hindi ako okay. "Angie, bumalik ka na muna dun. Baka mahimatay ka pa." Tumango naman siya at mabilisang bumalik sa sala. May phobia kasi si Angie sa dugo.
"Hindi ba masakit? Napapunta agad kami dito ng may narinig kaming nabasag." Kaya pala andito agad silang lahat.
"Hindi naman masakit e. Mas masakit pa rin yung iniwang sugat ni Jerome dito," sabi ko ng may kasamang pagturo sa may dibdib ko.
"Makakalimutan mo din siya. Makakahanap ka rin ng mas better sa kaniya." Pang ilang beses ko na ba yang narinig kay Alynna?
"Alynna is right. You should forget that fucking jerk. He doesn't deserve your tears." Ani Sica. Kailan ko ba siya makakalimutan? Kasi tngna ang sakit sakit e.
"Fuck that Jerome. Hindi ka daw niya iiwan pero ano?! Iniwan ka pa rin ng hayop na yon!" Napatawa na lang ako ng bahagya sa reaksyon ni Raine.
Pasalamat ko na lang na may mga kaibigan akong tulad nila. Yung laging nandiyan para sakin. Handang mangaway pag may nangapi sa isa samin.
Lingid sa kaalaman ng magkakaibigan ay nakikinig at nanonood ang kanilang mga future self kasama na ang future self ni Jerome. Tinapik na lang ni Stef (future self ni Bianca) si Ryle (future self ni Jerome) sa balikat. Malungkot na lamang na tumingin si Ryle kay Bianca.
~~~~~~
YOU ARE READING
Forbidden History
Mystery / ThrillerSa mata ng karamihan isang simpleng eskwelahan lamang ang Maxfiy Academy. Maganda ang turo, mababait ang mga guro subalit may kaakibat na malaking sikreto. Limang mag-kakaibigan ang sumubok na alamin kung ano ang tinatago ng paaralan na ito. Samaha...